Ibinuka ni Patricia ang mga braso niya, sinenyasan ang apo na lumapit para sa isang yakap. Tumango si Cecilia at humakbang palayo kay Marcus.Matamang pinanood siya ni Marcus habang naglalakad ito palayo.Niyakap ni Patricia ang apo niya, na tinugon naman ni Cecilia nang may pilit na ngiti. Ilang sandali lang ang itinagal niyon bago kumalas ang matanda, ipinatong ang mga kamay sa mga balikat ni Cecilia, at sinuri siya mula ulo hanggang paa."Napakapayat mo, apo," komento ni Patricia, bago inilipat ang paningin sa lalakeng naghihintay sa likuran niya. "Marcus, isang karangalan na makapunta ka rito. Sabi ni Cecilia ay napaka-busy mo raw," dagdag nito, pasimpleng sumulyap sa apo niya.Humakbang paharap si Marcus, ngumiti, at sa isang natural na galaw, muling ipinulupot ang braso sa baywang ni Cecilia."Palaging may oras para sa pamilya, Lola," simpleng sagot ni Marcus."Halina kayo, naghihintay na ang iba," sabi nito."Ang iba?" bulong ni Cecilia. Nawala ang pilit niyang ngiti, at nanlak
Zuletzt aktualisiert : 2026-10-04 Mehr lesen