แชร์

CHAPTER 42

ผู้เขียน: Athena Beatrice
last update วันที่เผยแพร่: 2026-10-08 10:05:34

Matapos makapasok ni Sugar sa kwarto ng kanyang ina, hindi muna agad umalis sina Ivy at Alejandro roon.

Nanatili sila sa hallway habang pinagmamasdan si Sugar mula sa labas ng salamin. Nakita nilang naupo ito sa tabi ng hospital bed at marahang hinawakan ang kamay ng kanyang ina.

Wala itong kausap, wala ring ibang kasama. Sa simpleng kilos pa lang ni Sugar, alam na ni Alejandro kung gaano kabigat ang dinadala nito.

“Pupunta na ako
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทล่าสุด

  • Alejandro's Babymaker    CHAPTER 60

    Makalipas ang ilang araw, dumating ang araw na matagal nang pinaghandaan ni Sugar.Nasa airport na sila. Natatawa na nga lang siya dahil nandoon siya at hindi naman aalis pero kailangang magmukhang ganoon ang lahat.Maaga silang umalis ng bahay. Si Violet ang paulit-ulit na nag-check ng bag ni Sugar, habang si Dylan naman ang nagbuhat ng maleta nito.“Sigurado ka na bang kumpleto na lahat, Ate Sugar?” tanong ni Violet.“Oo. Lahat ay nandyan na, passport at ticket ay nandyan na,” sagot naman ni Sugar.Hindi niya sinabi na ang hawak niyang ticket ay pekeng ticket na ibinigay ni Alejandro sa kanya.Nasa loob iyon ng maliit niyang envelope kasama ang ilang dokumento na ginawa para magmukha itong totoong travel papers.Hindi niya iyon gustong tingnan nang matagal, iniisip kasi niya na baka lalo lamang siyang makonsensya.Pagdating nila sa airport, agad silang bumaba. Masikip ang dibdib ni Sugar habang tinitingnan ang

  • Alejandro's Babymaker    CHAPTER 59

    Kinabukasan, maagang nagising si Sugar sa kanilang bahay. Halos hindi siya nakatulog nang maayos buong gabi dahil paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Ang pagkamatay ng kanyang ina, ang pagbalik ng kanyang ama, ang pag-resign niya sa trabaho at ngayon, kailangan na niyang tuluyang harapin ang planong matagal na nilang pinag-uusapan nina Ivy at Alejandro. Pero bago ang lahat, may isang bagay siyang kailangang tiyakin, ang kalagayan ng kanyang mga kapatid bago siya tuluyang lumayo sa mga ito. Alam niyang hindi niya sila basta-basta maaaring iwan nang walang taong maaasahan. Bandang alas-diyes ng umaga, dumating sina Ivy at Alejandro sa bahay. Pagkababa nila ng sasakyan, sinalubong sila ni Sugar sa may pintuan. “Good morning,” bati ni Ivy. “Good morning,” bati pabalik ni Sugar. Napansin agad ni Al

  • Alejandro's Babymaker    CHAPTER 58

    Pag-uwi ni Sugar, nadatnan niyang nasa sala na si Violet. May dala itong dalawang grocery bag at abala sa pag-aayos ng mga binili nila para sa bahay.Pagpasok pa lang ni Sugar, napansin na agad ni Violet ang hawak niyang envelope. “Anong dala mo?”“Wala ito, Vi.”“Ate Sugar…” tawag ni Violet.Napatingin si Sugar kay Violet. “Bakit?”“Iba ang aura mo, parang may problema ka. Ano iyon?”Napangiti nang kaunti si Sugar. “Wala naman.”Ibinaba niya ang bag niya sa sofa at nagtungo sa kusina. Pero hindi siya sinundan agad ni Violet. Ilang segundo lamang ang lumipas bago ito nagsalita.“Tumawag sa akin si Farrah kanina.” Natigilan si Sugar.Si Farrah ang kaibigan ni Violet na nagtatrabaho rin sa kumpanya kung nasaan si Sugar. Tinulungan siya ni Sugar noon na makapasok sa kumpanya na iyon.“Bakit?” A-Anong sinabi niya sa'yo?” nauutal na sabi ni Sugar kahit na alam naman niya kung bakit tumawag si Farrah

  • Alejandro's Babymaker    CHAPTER 57

    Maagang pumasok si Sugar sa trabaho. Ilang araw na niyang pinag-iisipan ang desisyong iyon. Hindi madali pero kailangan niyang magdesisyon tungkol doon.Ilang taon din niyang pinaghirapan ang trabaho niya. Doon niya nakilala ang mga taong naging parte ng buhay niya. Doon niya natutunan kung paano maging independent at tumayo sa sarili niyang mga paa.Pero ngayon, kailangan niyang pumili. At alam niyang hindi na niya kayang pagsabayin ang trabaho at ang planong pagbubuntis sa magiging anak nila ni Alejandro.Hindi niya maaaring sabihin sa boss niya ang totoong dahilan. Hindi niya pwedeng sabihin na lilipat siya sa Antipolo dahil sa isang personal na arrangement nina Ivy at Alejandro.Lalong hindi niya kayang ipaliwanag na kailangan niyang mag-focus sa isang planong maaaring magbago ng buong buhay niya.Kaya bago siya tuluyang pumasok sa opisina ng boss niya, ilang beses muna siyang huminga nang malalim, pagkatapos ay kumatok na siya.

  • Alejandro's Babymaker    CHAPTER 56

    Kinabukasan, maagang dumating sina Alejandro at Ivy sa bahay nina Sugar.Tahimik pa rin ang buong bahay. Simula nang bumalik ang kanilang ama ay hindi na halos nagsasalita si Sugar dahil apektado pa rin siya roon. Hindi niya alam kung galit pa rin siya o pagod na lang sa lahat ng nangyayari.Nasa sala siya kasama sina Violet at Dylan nang marinig nila ang sasakyan sa labas.“Sina Kuya Alejandro at Ate Ivy nasa labas,” sabi ni Violet.Tumango si Sugar. Makalipas ang ilang sandali, kumatok si Ivy sa pinto.“Sugar?” tawag nito.Tumayo si Sugar at binuksan ang pinto.“Hi,” bati ni Ivy.“Hi,” bati naman pabalik ni Sugar.Kasunod nito si Alejandro.“Pwede ba kaming pumasok?” tanong ni Alejandro.Tumabi si Sugar at pinapasok na ang mag-asawa. “Sure.”Pumasok ang dalawa at bumati kina Violet at Dylan. Matapos ang ilang sandaling katahimikan, umupo silang lahat sa sala.Napans

  • Alejandro's Babymaker    CHAPTER 55

    Isang linggo ang lumipas matapos ang libing ng kanilang ina. Unti-unti nang bumabalik sa normal ang buhay sa bahay nina Sugar, Violet, at Dylan, kahit ang totoo ay hindi na talaga iyon magiging katulad ng dati.Mas tahimik na ang bahay, pero para sa magkakapatid, parang may malaking puwang na naiwan sa loob ng bahay. Si Sugar ang madalas na naiiwan sa bahay kapag pumapasok sina Violet at Dylan sa kani-kanilang trabaho. Hindi pa kasi siya pinapapasok ng boss niya simula noong mangyari iyon sa kanya.Sa umagang iyon, kasama naman niya ang kanyang mga kapatid, naglilinis siya ng kusina nang makarinig siya ng sunod-sunod na katok sa pinto. Tumigil siya sa kung ano mang ginagawa niya. Akala niya ay sa kapitbahay lang iyon kaya hindi niya muna ito pinansin. Pero, muli itong kumatok. Mas malakas na kaysa sa nauna.Napabuntong-hininga si Sugar at nagpunta sa pintuan. Pagbukas niya nito, bigla siyang natigilan. Nawala ang anumang emosyon sa mukha niya. Nasa harap n

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status