CHAPTER 63 : ANG PANGALAN NA HINDI NIYA NASABIAdrian’s POVHindi ko inalis ang tingin ko sa screen ng cellphone.Huwag ninyong hayaang sabihin ni Victor ang pangalan.Isang simpleng mensahe.Pero sapat para iparamdam sa akin na may taong nakatingin sa bawat kilos namin.Hindi ko alam kung gaano katagal kaming tahimik.Si Amara ay nakatitig kay Victor.Si Victor naman ay parang nawalan ng lakas matapos mabasa ang mensahe.“Who sent that?” tanong ni Amara.Hindi ako sumagot agad.Sa halip, isinara ko ang screen ng cellphone.“Hindi ko alam.”“Pero alam mong connected siya sa lahat ng ito.”Tumingin ako sa kanya.“Oo.”“Adrian…”Lumapit ako sa kanya.“Amara, stay beside me.”Hindi siya tumutol.Sa kabilang bahagi ng silid, dahan-dahang umupo si Victor.Parehong nakayuko ang mga kamay niya sa mesa.“Hindi na kayo dapat nandito,” sabi niya.“Hindi na puwedeng sabihin iyan,” sagot ko.Tumingin siya sa akin.“Bakit?”“Dahil alam na nila na nandito kami.”Hindi siya nagsalita.“Kung gusto ni
Last Updated : 2026-10-04 Read more