"Sometimes, the hardest role to play... becomes the only place that finally feels real."****BELLA'S POV : Hindi ko namalayang napangiti rin ako.Nakatayo lang si Amerie sa may pintuan ng playroom, yakap-yakap yung pink niyang bunny na medyo gusgusin na pero halatang favorite niya, habang nakatingin sa akin na para bang hinihintay niya lang talaga ang araw na to na bumalik ako."Mommy came back."Tatlong salita lang. Tatlong salita pero parang may humila sa dibdib ko pababa. Sapat para tunawin lahat ng pag-aalinlangan na binuo ko kagabi.Bago pa ako makakilos o makapag-isip ng matinong isasagot, tumakbo na siya papunta sa akin na parang walang kontrata, walang house rules, walang fake mommy setup na nangyayari."Mommy!""Ay, sweetheart — dahan-dahan," natataranta kong sabi habang yumuko agad para saluhin siya, at naramdaman ko yung maliit niyang mga braso na mahigpit na yumakap sa baywang ko."Akala ko hindi ka na babalik..." bulong niya habang nakabaon yung mukha niya sa blouse ko.
Last Updated : 2026-09-30 Read more