"Home isn't built by walls or blood... sometimes, it's built one ordinary night at a time." ****" *BELLA'S POV* Tatlong araw na lumipas mula nung Parents' Day. Unti-unti nang bumabalik sa dati lahat. Unti-unti, pero hindi lubos. Mas madalas nang ngumiti si Amerie ngayon, pero napapansin kong iba na paraan niya ng pagyakap sa akin. Dati, yakap lang tapos takbo na. Ngayon, mas matagal. Mas mahigpit. Kapag aalis ako para maglaba o magluto sa kusina, lagi niyang tatanungin kung babalik ba ako agad. Noong una, akala ko pagiging malambing lang. Hanggang sa na-realize kong natatakot pala siyang mawala ulit yung taong tinatawag niyang mommy. At aminin ko, masakit yun para sa akin. Bandang alas-siyete ng gabi, sabay-sabay kaming naghapunan sa dining. Masaya kwentuhan. Si Jerome, gaya ng dati, walang tigil sa pang-aasar at pangungulit. "Little Boss," sabi niya habang sumusubo ng fried chicken, "pwede bang ako naman maging favorite mo kahit isang araw lang?" Umiling si Amerie na seryoso
Última atualização : 2026-10-06 Ler mais