"Sometimes, the biggest disasters begin with the smallest things people choose to ignore." **** BELLA'S POV : Tatlong araw na lang bago birthday ni Amerie. Simula pa lang ng umaga, parang piyesta na agad sa mansion. May mga dumarating na kahon ng dekorasyon, may mga lobo na pink at white na lumilipad-lipad sa sala, at kung anu-anong party supplies na may unicorn at stars. Si Jerome naman, paikot-ikot sa sala habang may hawak na clipboard na akala mo siya talaga event organizer ng buong bansa. "Hindi pwede yang pink na yan dito! Boss, magiging parang kindergarten corporate natin!" reklamo niya habang tinitingnan yung malaking banner na may unicorn. "Birthday ng bata to, Jerome," natatawa kong sabi habang inaayos yung mga lobo. "Eh gusto ko classy sana, Ma'am. Pink tapos gold," sagot niya. "Gusto ko unicorn!" sigaw ni Amerie mula sa sofa habang yakap notebook niya. "Unicorn lahat!" Napatingin si Jerome kay Amerie, tapos sa akin, tapos balik sa banner. "...Sige, unico
Last Updated : 2026-10-12 Read more