"May mali."Napalingon agad si Bella kay Luca."Ano'ng nangyari?"Hindi siya sumagot, hawak pa rin niya ang cellphone na sunod-sunod ang pag-vibrate sa palad. Pula ang ilaw ng screen.UNKNOWN ACCESS STILL ACTIVE.Mabilis na nawala ang lambing sa mukha ni Luca. Bumalik ang talim ng tingin, bumalik ang pagiging alerto na mabilis magbasa ng sitwasyon, isang CEO na hindi nagkakamali kapag instinct ang kumakausap sa kanya.Mabilis siyang kumilos, inilapag niya ang cellphone sa mesa, kinuha ang intercom na nasa gilid ng bakal na pinto ng penthouse na naka-lock pa rin, at nagsalita nang isang beses na parang tapos na ang diskusyon."Security Head, lock Basement Three, close every exit and service elevator, no one leaves without my clearance," utos niya."Copy, Sir Luca, sealing now," sagot ng nasa kabila.Isinara ni Luca ang intercom at isinuot ang coat na nasa sandalan ng upuan."Luca..." tawag ni Bella at hinawakan ang laylayan ng cardigan na nasa balikat. "Iwan mo ako dito?""Bella, I nee
Last Updated : 2026-11-05 Read more