"Mommy! Bilisan natin!" excited na wika ni Amerie Kakapasok pa lang namin sa entrance ng mall, hila-hila na ako ni Amerie. Halos tumatakbo na siya habang hawak ko pa bag niya na pabagsak na sa balikat. Birthday prep day namin. Ako, siya, at si Jerome. Si Sir Luca may meeting lang sa kabilang building, susunod na lang daw. "Love, wag ka tumakbo, madapa ka," sabi ko habang inaayos ko strap ng backpack niya. "Opo!" sagot niya pero mas lalo pang bumilis. Napailing ako at natawa. "Ma'am Bella, diretso na tayo sa children's boutique," sabi ni Jerome na nasa likod namin, hawak listahan at payong ni Amerie. "Dun daw naka-reserve yung collection na gusto ni Boss para kay Little Princess." Tumango ako. "Sige, dun muna tayo." Pagpasok namin sa boutique, parang binuksan mo ilaw sa mukha ni Amerie. Kumislap mata niya. "Pink! Mommy oh pink! Unicorn! Glitter!" Turo nang turo, hawak pa rin kamay ko pero halos umikot na siya sa dami ng dress na nakasabit. "Mommy ito oh! Ang ganda nito! Mommy
Last Updated : 2026-10-18 Read more