FAZER LOGINCASSANDRA MAY VILLAREAL POV
Mga alas-diyes na ng tanghali ako nakauwi sa bahay kahit paika-ika akong naglalakad.
“Bwesit, p*****a, ang sakittt!” sigaw ko habang papalapit sa bahay namin. Napapangiwi ako sa bawat hakbang habang pilit kong itinutuwid ang likod ko. Gusto ko nang maupo kahit sa sahig dahil parang bawat galaw ko ay may kasamang kirot.
“Buksan n’yo na ’yung p***o! Nandito ako sa labas!” malakas kong sigaw habang panay ang pindot ko sa doorbell ng gate namin. Halos idiin ko na nang todo ang daliri ko sa button dahil sa sobrang pagkainip.
Isa talaga ito sa pinakaayaw ko sa lahat—’yung matagal akong pagbuksan ng gate.
“P*****a, Yaya Beling, nasaan ka na ba?” naiirita kong anas habang nakatayo sa labas ng gate. Napapamaywang ako at panay ang pagpapaypay sa sarili gamit ang kamay ko habang unti-unting umiinit ang ulo ko.
Ano ang tingin nila sa akin, manok para ihawin sa nagliliyab na uling? Ang init-init dito sa labas, nagawa pa nila akong paghintayin.
“Malilintikan ’to sa akin!” gigil na gigil kong ani habang panay pa rin ang pindot ko sa doorbell. Napakagat ako sa labi at pinilit pigilan ang sarili na sipain ang gate sa sobrang inis.
“Saglit lang po, ma’am! Pababa na po ako!” boses ni Yaya Beling mula sa speaker malapit sa doorbell ng gate.
“Naku, Yaya Beling, gusto mo ba akong masunog dito? Bilisan mo naman kahit konti, para kang pagong kung gumalaw!” pahina nang pahina ang boses ko sa huling bahagi para hindi niya marinig ang iba kong sinasabi. Napairap ako at marahang napapadyak sa lupa, pero agad din akong napangiwi dahil sa sakit ng katawan ko.
Si Yaya Beling kasi ang reporter ni Mommy. Kahit anong galaw ko, nakakarating kay Mom at Dad. Kaya palagi nila akong napapagalitan dahil sa bibig ni Yaya Beling.
“Saglit lang po, ma’am! Pakiantay na lang po ako diyan!” magalang nitong ani sa akin na hindi ko na tinugunan.
Napabuntong-hininga na lang ako at tumingala sa langit, pilit na dinadagdagan ang natitirang pasensya ko.
Sa totoo lang, mataray at pangit ang ugali ko minsan, pero hindi ako kagaya ng ibang tao na nananakit ng katulong. Napipikon ako sa kanila, pero marunong din akong maawa at makitungo sa kanila.
Ilang minuto pa akong tumayo sa labas bago bumukas ang malaki naming gate.
“Ma’am! Pumasok na po kayo,” nakayukong saad sa akin ni Yaya Beling habang nakahawak sa isang gilid ng gate. Ngumiti ito nang mahina, pero agad ding kumunot ang noo nang mapansin ang kakaiba kong pagkakatayo.
Tumango ako sa kanya at agad inayos ang lakad ko. Pinilit kong ituwid ang katawan kahit gusto ko nang mapangiwi sa sakit. Ayokong mapansin niyang may mali sa akin.
“T-teka lang po, ma’am. Bakit hindi po kayo umuwi kagabi?” taas-kilay niyang tanong sa akin na akala mo naman ay mommy ko. Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa na para bang isa siyang detective na naghahanap ng ebidensya.
Ang sarap mong batukan. Kung hindi ka lang matanda, baka nasapak na kita.
“Ahhh… nakitulog ako sa mga kaibigan ko, Yaya Beling,” tugon ko sa kanya sabay pilit na ngiti kahit halatang naiirita na ako. Mabilis kong iniwas ang tingin dahil baka mahalata niya agad na nagsisinungaling ako.
“Ikaw naman, Manang, bakit wala dito si Manong Ben?” taas-kilay kong tanong sa kanya habang pilit na inililihis ang usapan.
“May emergency daw po sa kanila, ma’am, kaya hindi siya nakapasok ngayon,” tugon sa akin ni Yaya Beling. Bahagyang nalungkot ang mukha nito habang nagsasalita.
Biglang nawala nang kaunti ang inis ko. Naawa naman ako kay Manong Ben. Ayaw na ayaw ko talagang nakakakita ng malungkot o problemadong katulong namin. Kahit napipikon at naiinis ako sa kanila minsan, mahal ko sila kagaya ng pagmamahal nila sa akin.
Sabay kaming pumasok ni Yaya Beling sa loob ng bahay. Para talaga akong bagong apply na katulong sa bahay namin dahil sa itsura ko.
“P*****a!” malakas kong sigaw nang bigla akong hilahin ni Yaya Beling. Nanlaki ang mga mata ko at halos mapasandal ako sa kanya sa biglang sakit na kumirot sa katawan ko.
Napapikit ako sa sakit at halos mawalan ng balanse. Masakit na nga ang pang-upo at pangharap ko, nagawa pa niya akong hilahin nang mabilis.
P*****a ka talagang matanda ka! usal ko sa aking isipan habang pilit na nagpapanggap na okay lang ako.
“B-bakit po, ma’am? May masakit po ba sa inyo? Gusto n’yo bang tumawag na ako sa personal doctor n’yo?” natatarantang tanong sa akin ni Yaya Beling habang napapansin niyang namumutla ang labi ko. Agad niyang hinawakan ang braso ko at halos mataranta sa kakatingin sa mukha ko.
“Yaya Beling, wala pong masakit sa akin, okay? Huwag n’yo na lang po akong intindihin. Gawin n’yo na lang ho ’yung trabaho n’yo!” madiin kong ani sa kanya habang nakataas ang isa kong kilay. Pinilit kong magmukhang matapang kahit gusto ko nang mapaupo dahil sa sakit.
Napangiwi naman si Yaya Beling dahil sa inasta ko sa kanya. Hindi kasi ako masyadong mataray dati, pero nadagdagan yata mula nang may mangyari sa amin ng lintik na lalaking ’yon.
Pagkaalis na pagkaalis ni Yaya Beling, agad akong dumiretso sa kwarto ko nang paika-ika. Pinipilit kong ayusin ang bawat kilos ko dahil alam kong nagmamatyag lang sa akin ang matandang ’yon.
“Hay, salamat! Nakahiga rin. Napagod ako doon, ah!” ani ko nang tuluyan na akong makahiga sa kama. Bumagsak ako sa malambot na kutson at napahawak sa noo, para bang katatapos ko lang tumakbo ng kilometro.
Napapikit ako at napabuntong-hininga nang malalim. Kahit gaano pa kalamig ang kwarto ko ay pinapawisan pa rin ako. Dala lang siguro iyon ng kaba ko kanina kay Yaya Beling.
Ipinikit ko ang mga mata ko upang umidlip saglit.
“Ma’am!”
Malakas na tinig ng isang babaeng papalapit sa kwarto ko ang gumising sa diwa ko.
“Leche naman, ohhh! Sino na naman ba ’to?” may irita kong tanong sa sarili ko habang tinatamad akong bumangon sa kama. Hinila ko ang unan at idinikit sa mukha ko, umaasang mawawala ang boses kapag hindi ko pinansin.
“Ma’am! Si Elena po ito. Baka gusto n’yo na pong magtanghalian!” magalang na saad sa akin ni Elena habang panay ang katok sa p***o ko.
Napapikit ako nang mariin at hinila ang unan palapit sa mukha ko. Lalo lang sumakit ang ulo ko sa sunod-sunod niyang katok.
“Put* ka! Kapag hindi mo tinigil ’yang pagkatok mo, ipapabutas ko ’yang tagiliran mo!” galit kong sigaw sa kanya. Napabalikwas ako nang bahagya sa kama at mariing nakatitig sa p***o na para bang kaya niya akong makita mula sa labas.
Agad namang tumigil ang katok.
“G-gano’n po ba? Sige na po, aantayin na lang po kita sa baba,” nauutal niyang tugon sa akin bago umalis sa labas ng kwarto ko. Halatang natakot ito dahil halos pabulong na ang huling salita niya.
Narinig ko ang mga yabag ng paa niyang papalayo kaya agad akong nakahinga nang maluwag.
“Buti naman at umalis na ang babaeng ’yon. Nakakairita talaga!” naiinis kong usal sa sarili ko habang pinipilit kong iangat ang katawan ko. Napakamot ako sa buhok at ilang segundo munang nakaupo sa gilid ng kama habang masama ang tingin sa p***o.
Gaya nga ng sabi ko, pinilit ko ang sarili kong pumasok sa banyo upang maligo at makapagpalit ng damit. Pakiramdam ko kasi ay ang lagkit-lagkit ko na, kaya naligo muna ako bago kumain sa baba.
“Sino ba kasi ang lalaking ’yon? Kapag nakilala kita, sisiguraduhin kong sasapakin kita!” inis kong sambit habang nagsasabon. Mariin kong kinuskos ang braso ko habang nakakunot ang noo, na para bang doon ko mailalabas ang lahat ng inis ko sa lalaking hindi ko man lang maalala.
Napatingin ako sa sarili ko at napansin ang mga kiss mark sa katawan ko. Napasimangot ako agad. Hindi ako makakapagsuot ng sando dahil siguradong mapapansin iyon nina Yaya Beling at Elena.
“Hay naku, Cassandra. Kung ako sa’yo, kalimutan mo na lang ang lahat. Huwag mong sirain ang ganda mo sa lalaking ’yon! Di ka naman mabubuntis!” lakas-loob kong ani sa sarili ko bago ko tinapos ang ginagawa ko. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin at itinuro pa ang sarili kong repleksyon, na para bang ako mismo ang pinapagalitan ko.
Nakatapis akong lumabas ng banyo, pero kita pa rin ang mga kiss mark sa dibdib ko.
Gano’n na ba kamanyak ang nakasiping ko? Hay, buhay nga naman. Nakakainis.
Isinuot ko ang oversized kong T-shirt bago nagsuot ng masikip at maiksi kong short.
“Okay na siguro ’to,” ani ko habang sinusuri ang sarili ko sa salamin. Umikot pa ako nang bahagya bago napailing, wala na rin naman akong gana pang maghanap ng ibang isusuot.
Hahakbang na sana ako nang mapansin kong parang medyo nawala na ang sakit ng pangharap at pang-upo ko.
Dahil ba ’to sa short ko, o sadyang magaling na ’to?
Sa sobrang gulo ng utak ko, wala sa sarili akong lumabas sa kwarto. Dahan-dahan kong tinahak ang ilang piraso naming hagdan para makababa papunta sa dining area.
“Jusmiyo, Marimar! Ma’am Cassie, bakit ganyan ang suot n’yo?” gulat na tanong sa akin ni Yaya Beling habang halos manlaki ang mga mata niya sa pagkakatitig sa akin. Napahawak pa ito sa dibdib na parang may nakita siyang napakalaking kasalanan.
Ang OA naman ng matandang ’to. Parang ngayon lang nakita ang hita ko.
“Bakit, Manang? Anong problema sa suot ko?” tanong ko sa kanya bago dahan-dahang umupo sa upuan ko. Tinaasan ko siya ng kilay habang inilalagay ang isang kamay sa mesa, naghihintay kung ano na naman ang sasabihin niya.
“Wala naman, ma’am, pero bakat na bakat kasi ’yung hiw* n’yo! Gusto yata kumawala sa short n’yo, ma’am!” pabirong saad sa akin ni Yaya Nanny. Tinakpan nito ang bibig ngunit hindi napigilan ang pagtawa.
Napahalakhak si Elena.
Walang kaemo-emosyon akong tumingin sa kanilang dalawa habang halos mamatay na sila sa kakatawa. Unti-unting uminit ang mukha ko sa inis at hiya.
“Nakakatawa ba?” taas-kilay kong tanong sa kanila habang mariing nakatitig. Unti-unti kong pinagdikit ang mga labi habang lalong umiiksi ang pasensya ko.
Agad na tumigil si Elena at bahagyang napayuko.
“P-pasensya na po, ma’am! Si Ate Beling kasi,” mahinang tugon sa akin ni Elena, halatang kabado sa biglang pagbabago ng expression ko. Mabilis nitong tinakpan ang bibig at iniwas ang tingin na parang estudyanteng nahuling tumatawa sa klase.
Sa bahay naming ’to, si Elena lang ang natatakot sa akin. Lahat kasi sila sanay na sa ugaling meron ako.
“Alam mo, Yaya Beling, nakakainis ka rin pala minsan, no?” patanong kong saad sa kanya habang lalo pang umiinit ang mukha ko sa galit. Mariin kong inilapag ang kamay sa mesa at sinalubong ang tingin niya.
Hindi ko alam kung bakit, pero parang mas mabilis akong mapikon ngayon. Siguro dahil pagod ako, masakit ang katawan ko, at magulo pa rin ang isip ko sa nangyari kagabi.
“Nakakawalang-gana ang mga ginagawa n’yo ngayon! Bwesit! Paano ako gaganahan kung pati kayo nakikisabay sa problema ko?” sigaw ko sa kanila bago ako nag-walk out palayo sa dining area. Bigla akong tumayo, napaurong ang upuan sa lakas ng pagkakagalaw ko, at mabilis akong tumalikod bago pa nila makita ang pamumuo ng luha sa mga mata ko.
Nanahimik ang dalawa sa likod ko, ngunit hindi na ako lumingon.
Ayaw na ayaw ko talagang binibiro ako dahil pakiramdam ko ay pinapahiya nila ako sa ibang tao. Kaya gano’n na lang ako kung makaasta kanina.
Habang palayo ako sa dining area, pilit kong pinipigilan ang sarili kong mapaiyak sa sobrang inis. Mahigpit kong kinuyom ang mga kamay ko habang mabilis na humihinga, pilit nilulunok ang bigat na nakabara sa lalamunan ko.
Hindi ko rin alam kung kanino ba talaga ako galit—sa kanila, sa lalaking nakasama ko kagabi, o sa sarili ko dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong maalala.
“Sigurado kana ba sa desisyon mong ’yan!?” taas-kilay na tanong sa’kin ni mom habang magkaharap kami sa upuan.“Yes mom, siguradong-sigurado na ako!” tugon ko.“Alam mo Cassie, kapag nakita ko ang lalaking nakabuntis sa’yo, sisiguraduhin kong dadaan mo na sya sa kamao ko!” gigil na ani ni mom habang nakatingin sa akin.“Honey!” pagpapakalma ni dad kay mom.“Ikaw Sebastian, wag ka ngang maki-alam dito, nanggigigil na ako sa’yo. Isa pa!” inis na usal ni mom kay dad.Kahit nasa byahe kami ay panay parin ang pagsesermon ni mommy. Sadyang ganito lang talaga si mom, sa kan’ya nga ako nagmana.“Honey, nagmamaneho ako, baka mabangga tayo!” saway ni dad kay mom na ngayon ay nanghahampas na.Alam kong love language lang ni mom ang ganito dahil sana’y na sana’y na akong makita na kay dad nya lahat binubuhos yung inis nya.Hingal na humarap sakin si mom habang hinahawi ang buhok nya.“Anak, alam mo bang mahirap maglihi!” mahinahong ani sa’kin ni mom.Alam ko naman na mahihirapan akong maglihi, pe
CASSANDRA MAY VILLAREAL POVKINAUMAGAHAN, nagising ako dahil sa malakas na katok ni Elena sa kwarto ko.“Ma’am, gising na po!” ani ni Elena habang patuloy sa pagkatok.“Ummmm!” ungol ko habang inuunat ang kabilaang braso ko.“Nasa baba na po sila, Sir!” muling sigaw ni Elena.Tumayo ako sa kama ko na nakapikit pa rin dahil sa puyat ko. Bakit ba kasi ako nagutom kaninang madaling araw. Pumasok ako sa banyo upang gawin ang nakasanayan kong gawin. Toothbrush at ligo lang naman ’yon.Nang matapos kong gawin ang morning routine ko ay dumiretso na agad ako sa labas ng kwarto ko para pumunta sa dining area.“Ang tagal niyo po, Ma’am! Kanina pa po kayo inaantay ng mommy at daddy niyo!” nakangiting saad sa’kin ni Elena.Umiling ako sa kanya dahil sa nakakahawa nitong ngiti. Nagsimula na kaming maglakad pababa ng kwarto ko nang bigla akong mapahawak kay Elena.“Ma’am, ayos lang po ba kayo? May sakit ba kayo?” sunod-sunod na tanong sa’kin ni Elena habang nakahawak sa magkabilaan kong braso.“A-a
CASSANDRA MAY VILLAREAL POVTatlong araw na akong nagkukulong sa kwarto ko sa hindi ko malaman na dahilan. Wala naman akong sakit, pero parang wala lang talaga akong gana na makipag-usap o makakita ng ibang tao.“Ma’am! Ito na po ang dinner n’yo!” sigaw ni Elena mula sa labas habang sunod-sunod na kumakatok sa pinto.“Ipasok mo na lang ’yan, Elena!” walang gana kong sagot habang nakahiga sa kama at nakatitig lang sa kisame.“Ma’am, b-bakit po kayo nagkukulong dito? Tatlong araw na po kayong ganyan,” nauutal na tanong ni Elena. Halata sa boses niya ang pag-aalala, pero lalo lang akong nainis nang marinig iyon.Hindi ako agad sumagot. Wala rin kasi ako sa sarili ko nitong mga nakaraang araw. Hindi ko naman ugali ang mabilis mapikon o mainis sa mga yaya ko, pero ngayon, kahit simpleng tanong ay parang nakakairita sa pandinig ko.“Pwede ba, Elena, umalis ka na! Bababa ako kung kailan ko gusto!” inis kong sumbat sa kanya.“P-pero, Ma’am—”“I said, GET OUT!” malakas kong sigaw habang napaup
CASSANDRA MAY VILLAREAL POVMga alas-diyes na ng tanghali ako nakauwi sa bahay kahit paika-ika akong naglalakad.“Bwesit, punyeta, ang sakittt!” sigaw ko habang papalapit sa bahay namin. Napapangiwi ako sa bawat hakbang habang pilit kong itinutuwid ang likod ko. Gusto ko nang maupo kahit sa sahig dahil parang bawat galaw ko ay may kasamang kirot.“Buksan n’yo na ’yung pinto! Nandito ako sa labas!” malakas kong sigaw habang panay ang pindot ko sa doorbell ng gate namin. Halos idiin ko na nang todo ang daliri ko sa button dahil sa sobrang pagkainip.Isa talaga ito sa pinakaayaw ko sa lahat—’yung matagal akong pagbuksan ng gate.“Punyeta, Yaya Beling, nasaan ka na ba?” naiirita kong anas habang nakatayo sa labas ng gate. Napapamaywang ako at panay ang pagpapaypay sa sarili gamit ang kamay ko habang unti-unting umiinit ang ulo ko.Ano ang tingin nila sa akin, manok para ihawin sa nagliliyab na uling? Ang init-init dito sa labas, nagawa pa nila akong paghintayin.“Malilintikan ’to sa akin!
CASSANDRA MAY VILLAREAL POV“Put* ka talaga, masakit!” naiiyak kong sigaw sa kanya habang mahigpit akong nakakapit sa bedsheet.“Ohhh! Sorry, baby. Di na talaga ako makapagpigil sa’yo!” ani nito sa akin, halatang hinihingal habang nagpapatuloy sa ginagawa niya.Halos parang mapuputol na ang ugat sa leeg ko dahil sa sakit na nararamdaman ko mula sa kanya. Pakiramdam ko ay parang may napupunit sa loob ng but*s ko.“Ugghhh! P-please!” naiiyak kong ani sa kanya habang lalo kong hinihigpitan ang kapit sa bedsheet ng kama. Nanginginig ang buong katawan ko at hindi ko alam kung kakayanin ko pa.“Kung di mo kaya, I can stop,” mahinahon nitong bulong sa akin habang tinitingnan ako nang diretso.Iminulat ko ang aking mga mata at doon ko nakita ang kulay grey niyang mga mata. Para bang hinihintay niyang sabihin ko kung gusto ko pa bang ipagpatuloy ang ginagawa namin.“I didn’t mean it. Sadyang di ko lang talaga matiis ang sakit na ’to!” wala sa sarili kong tugon sa kanya habang pilit kong pinapa
CASSANDRA MAY VILLAREAL POVDito ako ngayon sa bar kasama ang mga kaibigan kong sina Isabella Russo at Tristan Valerio para magsaya. Ito kasi ang paborito naming gawin pagkatapos ng trabaho.“Oh my gosh, girl! Ang hot ng lalaking nasa gilid!” malakas na tili ni Isabella habang mahigpit na nakahawak sa braso ko.“Mas gwapo pa ako diyan,” sarkastikong ani ni Tristan.Inilingan ko lang siya at saka lumingon sa direksiyong itinuturo ni Isabella. Doon ko nakita ang lalaking nakatayo malapit sa Table 08.Hindi ko napigilang mapanganga sa nakita ko. Sa hulma pa lang ng katawan niya, talagang mahirap nang iwasang mapatingin sa kanya.“Tsk. Mukha lang naman ang ambag niyan dito sa mundo,” kunwari’y walang interes na sabi ko.Agad kong isinara ang bibig ko at umiwas ng tingin bago pa mapansin ni Isabella kung gaano ako katagal nakatitig sa lalaki.“Ahem! Baka naman puwede na tayong uminom. Kanina pa ako uhaw na uhaw at gustong-gusto ko nang uminom ng alak!” singit ni Tristan sa amin.Umiling ak







