Mabilis na binalot ng marangyang ugong ang labas ng mansyon nang mag-start ang makina ng pulang sports car ni Max. Tahimik na binabaybay ng sasakyan ang gabi ng Maynila habang malamig ang aircon at pino ang tugtog ng stereo. Si Ali ay nakasandal sa passenger seat, hawak ang kaniyang sling bag, habang pasimpleng nakatitig sa matitipunong kamay ni Max na swambeng nagmamanobra sa manibela. "You are surprisingly quiet, Miss Hansen," basag ni Max sa katahimikan gamit ang kaniyang malalim at pormal na baritono, habang ang kaniyang mga mata ay sumusulyap nang may nakatagong lambing. "Are you evaluating the night route?" "Hindi naman," panimula ni Ali, sabay ayos ng kaniyang upo at tinaasan ng kilay ang bilyonaryo upang ibalik ang kaniyang pilyong porma. "I’m just thinking about you, Mr. Stalker. Buong maghapon kang tahimik sa ospital at mansyon. I was expecting na tatanungin mo ako ulit about... you know, kung anong status nating dalawa." Isang napakabihira, napakalawak, at napakatamis na
Terakhir Diperbarui : 2026-09-25 Baca selengkapnya