Matapos mapabagsak ang huling hanay ng mga guwardya sa pasilyo, binalot ng isang nakabibingíng katahimikan ang naglalagablab na ikalawang palapag. Ang sahig ay punong-puno ng mga basag na kristal, basyong bala, at mga nakahandusay na tauhan ni Christian."Liam, we need to move. More reinforcements could be on their way," seryosong wika ni Grey habang mabilis na nagpapalit ng magazine ng kaniyang baril, ang kaniyang mga mata ay nananatiling alerto sa bawat sulok ng pasilyo."She's close, Grey. I can feel it," malamig na sagot ni Liam. Binalewala niya ang patuloy na kumikirot na sugat sa kaniyang kaliwang braso na balot na ng tactical bandage.Mabilis nilang hinalughog ang bawat silid na kanilang madaanan. Sinipa ni Liam ang pinto ng isang malawak na master bedroom—bakante. Sumunod silang pumasok sa isang pribadong clinical room na naglalaman ng mga medikal na kagamitan at mga marangyang unan. Lumapit si Liam sa kama, napansin ang bahagyang gulo ng mga kumot, ngunit wala siyang ideya s
آخر تحديث : 2026-09-29 اقرأ المزيد