Nang lumapag ang helicopter sa isang pribado at tago na airstrip sa Davao, agad na lumabas sina Liam, Max, at Grey. Isang itim na bulletproof SUV na ang naghihintay sa kanila na nakaposisyon na malapit sa runway. Mabilis silang sumakay sa sasakyan upang magtungo sa target na smuggling port. Habang umaandar ang kotse sa madilim na kalsada ng Davao, binalot ng matinding pag-aalala si Liam. Kinuha niya ang kaniyang satellite phone at mabilis na tinawagan si Ali sa pamamagitan ng video call upang kumustahin ang kalagayan ng kaniyang pamilya. Sa kabilang linya, agad na sinagot ni Ali ang tawag at iniharap ang screen ng tablet kay Thalie. Nanatiling tahimik si Thalie, walang salitang lumalabas sa kaniyang mga labi habang nakatitig lamang siya sa mukha ng kaniyang asawa sa screen. Bakas pa rin sa kaniyang mga mata ang takot at matinding trauma, ngunit may bahagyang kapanatagan nang makita si Liam. "Wife, look at me," masuyong pananalita ni Liam, ang kaniyang boses ay napuno ng lambing
آخر تحديث : 2026-10-01 اقرأ المزيد