Habang patuloy ang masayang selebrasyon ng kasal nina Max at Ali sa ilalim ng mga makikinang na bituin ng pribadong isla, ang buong dambuhalang reception area sa tabing-dagat ay binalot ng tugtugan, tawanan, at ang mababangong amoy ng mga mamahaling putahe. Pagkatapos ng kanilang unang sayaw bilang mag-asawa, kinuha ni Max ang kaniyang baso ng wine at nakangiting binalingan si Ali, habang ang mga panauhin naman ay nagsisipag-inuman at nagkakantahan sa kani-kanilang mga mesa. Sa gitna ng kasiyahan, biglang tumayo si Liam mula sa kaniyang upuan. Sa halip na bumalik sa tabi ng kaniyang asawang si Thalie na kasalukuyang nakikipag-usap kay Mia, naglakad siya patungo sa gitna ng entablado at kinuha ang mikropono mula sa host ng programa. Bahagyang tinapik ni Liam ang mic, na naging dahilan upang lumingon sa kaniya ang buong barkada. "Excuse me, everyone. Max, Ali, I hope you don't mind me borrowing a few minutes of your night," panimula ni Liam, ang kaniyang boses ay seryoso ngunit may p
آخر تحديث : 2026-10-02 اقرأ المزيد