Ang biglaang pagdilim ng buong mansyon ay pinalitan lamang ng manipis na liwanag mula sa buwan na lumulusot sa matataas na bintana. Ang tanging naririnig sa malaking dining room ay ang mabigat na paghinga ni Sebastian at ang mabilis na tibok ng puso ni Celeste."Sebastian? Ano'ng nangyari?" mahinang tanong ni Celeste habang dahan-dahang tumatayo mula sa kanyang upuan, sinasalapa ang kadiliman gamit ang kanyang mga kamay.Bago pa man makasagot si Sebastian, narinig ang mabilis na footstep mula sa ikalawang palapag, kasunod ng isang pamilyar at natatakot na umiiyak na boses."Yaya! Tita Celeste! Where are you?""Leo!" mabilis na sigaw ni Celeste. Wala siyang inaksayang segundo. Kahit hindi pa siya gaanong pamilyar sa pasikot-sikot ng mansyon, mabilis siyang tumakbo patungo sa hagdanan, sinusundan ang boses ng bata."Celeste, wait! Stay where you are, the backup generators will kick in—" tawag ni Sebastian mula sa likuran, ngunit hindi na siya pinakinggan ng dalaga.Nang makarating sa tuk
Last Updated : 2026-10-01 Read more