CHAPTER 3BegHECTOR'S POV"Engineer, bigla ka na lang nawala kagabi, ah? May nakakita rin na may kasama ka raw. Sino 'yon?"Hindi ako pinatulog ng nangyari kagabi. Paulit-ulit sa isip ko ang mga luha ni Stella at ang paghingi niya ng tawad kay Luther, na para bang may kasalanan siyang hindi masabi-sabi. Stella seemed sorry for my brother? For what? Akala ko ba'y mahal na mahal niya ang kapatid ko?Na simula pa lang high school kami ay nais na nilang magpakasal sa isa't isa para lang mapasa kay Luther ang kompanya ng pamilya namin. I guess there's no constant in this world, except change."Wala 'yon, Marlon. Kakilala ko lang," pagsisinungaling ko at tiim-bagang na tinitingnan ang laptop sa desk ko. Hindi ko magawang tumingin nang diretso sa kaniya dahil alam kong kapag nagtagal ay mababasa niya ako.Humagikhik si Marlon at prenteng umupo sa sofa sa loob ng opisina ko, na parang siya ang may-ari ng lugar."Babae raw, eh," pakunwaring bulong nito sabay kindat sa akin. "Dumada-moves ka n
Huling Na-update : 2026-10-09 Magbasa pa