Lahat na nagta-trabaho sa ibang bansa nakakaranas ng mala-roller coaster na damdamin. Minsan masaya, malungkot, sobrang sakit at may kirot sa puso pero kahit gaano pa kasakit ang hamon nang buhay na kanilang tinatamasa, patuloy pa rin nilang tinitibayan ang loob para sa mga mahal nila sa buhay. Mahirap ang maging isang OFW, hindi biro ang makikipagsapalaran sa ibang bansa at makihalubilo sa hindi mo ka dugo o kababayan. Lalo pa kaya ang magpa-alipin sa ibang tao.Masarap pakinggan ang salitang, “Abroad” pero diyan mo mararanasan ang tunay na iba’t ibang pagsubok sa buhay. “Okay lang” madaling banggitin, madaling sabihin upang itago ang tunay na iyong nararamdaman. Simpleng salitang may iba’t ibang pighati na nakabalot dito. Masarap din marinig mula sa mga mahal natin ang sambitin iyon, pero ‘di natin alam kung ano ang kanilang pinagdaanan bago masambit ang katagang, “Okay Lang”.Si Anna Batumbakal, nagta-trabaho sa Kuwait para sa pamilya at mga anak. Kahit gaano pa kasing tigas ng ba
Last Updated : 2026-10-02 Read more