Home / Romance / OKAY LANG / CHAPTER 5

Share

CHAPTER 5

Author: Robert Suico
last update publish date: 2026-10-02 16:02:14

Pumasok kami sa loob ng bahay. Ang tanging maririnig lang ay ang tunog ng aming mga yapak—kasama ang tunog ng mga basang sapatos sa sahig. Agad na dinala ni Leonora si Mama sa sala, habang si Lalaine naman ay nanatili sa tabi ko. Marahan niyang hinawakan ang siko ko, parang paalala na narito lang siya. Ang dating tahimik na sala ay biglang napuno ng bigat. Umupo si Mama sa lumang sopa, nakayuko. Ang kaniyang mga basang damit ay nag-iwan ng marka sa tela. Ang supot ng sabaw na bitbit niya kanina ay maingat na inilapag ni Leonora sa ibabaw ng mesa.

Walang nagsasalita.  

Ang tanging naririnig na lang ay ang malakas na paghampas ng ulan sa yero at ang mabigat na paghinga ng bawat isa.

“Kukuha lang ako ng mga tuwalya at tuyong damit,” basag ni Leonora sa katahimikan, bago mabilis na naglakad papunta sa kwarto.

Naiwan kaming tatlo. Nanatili akong nakatayo malapit sa p***o, nakakrus ang mga braso. Si Lalaine ay dahan-dahang naupo sa upuang kaharap ni Mama.

“Salamat, Lalaine,” mahinang bungad ni Mama, hindi man lang iniaangat ang tingin.  

“Salamat sa pagpapasok mo sa akin.”

“Wala po iyon, Tita,” malumanay na sagot ni Lalaine. Tumingin siya sandali sa akin bago muling humarap kay Mama.  

“Gusto po naming makinig. Gusto po naming malaman ang totoo kung bakit... kung bakit hindi kayo nakabalik o nakatawag nang ganoon katagal.”

Napabuntong-hininga nang malalim si Mama. Nang itaas niya ang mukha, nakita ko ang mga mata ng isang taong galing sa mahabang digmaan—pagod, may takot, pero may determinasyong tapusin na ang matagal na pagtatago.

“Noong lumapag ang eroplano namin sa Kuwait dalawampung taon na ang nakararaan...” umpisa niya, nanginginig ang boses.  

“Hindi kami dinala sa agency na nakasaad sa kontrata namin. Pinalabas kami sa likod ng airport, at doon... doon kinuha ang mga pasaporte at cellphone namin.”

Hindi ako nagsalita. Seryoso akong nakikinig sa paliwanag ni Mama. Gusto kong malaman kung bakit sobrang tagal niyang nakabalik at kung bakit ni minsan ay hindi siya gumawa ng paraan para tumawag sa amin.

---

*ANNA'S P.O.V*

Ang laki ng kasalanan ko sa mga anak ko.

Mahigit dalawampung taon akong hindi nakabalik at nagpakita sa kanila. Kahit anong gawin ko, nangingibabaw ang takot at pangamba—para sa sarili ko at para sa kapakanan nila. Ni minsan, hindi ako nakaligtaang magdasal na sana nasa mabuti silang kalagayan. Walang araw na hindi ako umiyak tuwing naaalala ko ang mga taong iniwan ko.

Masakit. Sobrang sakit na kahit ang mga espesyal nilang araw, hindi ko nasasaksihan. Ang unti-unti nilang paglaki at pagmulat sa realidad... wala ako sa tabi nila.

Taong 2008 nang unang magbalak akong mag-abroad—para sana sa kanila. Pero hindi ko inakalang ang pag-alis ko pala ang magiging dahilan kung bakit lumayo ang loob nila sa akin.

Naiintindihan ko sila.  

Sapagkat ni minsan, hindi ko nagawang magparamdam.

Alas-tres ako ng madaling araw dumating sa paliparan noon kahit alas-otsi pa ng umaga ang alis. Bitbit ko ang sakit sa puso na maiiwan sila. Marami kaming kasamang aalis—lahat kami may mga anak at iisa lang ang dahilan: para sa kinabukasan ng mga anak at maiahon sa hirap ng buhay.

Isa sa nakilala ko rito si Jessa. Sa Jeddah, Saudi Arabia naman ang punta niya.

“First time mo ba aalis?” tanong ko kay Jessa.  

“Oo, kinakabahan na nga ako.”  

“Pareho tayo. Ito ang unang pagkakataon na aalis. Huwag tayong mawalan ng pag-asa. Isipin lang natin kung bakit tayo makikipagsapalaran sa ibang bansa—para sa ating mga anak at pamilya. Huwag tayong magpapadala sa takot. Ipakita natin na matapang tayo para hindi mag-alala ang mga mahal natin sa buhay,” giit ko, saka niyakap si Jessa.

“Sana sa Kuwait na lang ako para magkasama tayo,” umiiyak na pakiusap nito.  

“Tama na, huwag ka nang umiyak,” sabi ko habang pinupunasan ang mga luha niya. “Magiging okay din ang lahat.”

“Magandang umaga sa ating lahat. Pumasok kayong lahat sa CR doon sa exit. Pagkalapag ng eroplano, roon lang kayo dapat lalabas,” wika ng isang matabang bakla.

“P-po, bakit hindi tayo sa entrance dumaan?” tanong ko.  

“Basta sundin niyo na lang ako, kung gusto niyo talagang makalabas.”

“Siraulo! Sabihin mo nga sa amin, illegal ba ito!?” sabat ng isa pa naming kasama.

“Ayan na, papalapag na ang eroplano. Pumasok na kayo, bilis!” pakiusap ng bakla nang marinig namin ang paparating na eroplano.

Lahat nagmamadaling pumasok, maliban sa amin ni Jessa na patuloy lang kaming nagkatinginan.

“P-paano ito?” tanong ni Jessa habang muling umiiyak.  

Gusto ko na sanang umiyak din, subalit pinilit kong maging matapang dahil ayaw kong ipakita sa kanya na kinakabahan ako.  

“Kaya natin 'to! Okay lang iyan,” wika ko habang pilit na ngumiti upang ipakita sa kanya na walang mangyayaring masama sa amin.

“Ano ba kayo, 'di kayo aalis!” sigaw ng bakla, kaya nagmamadali na rin kaming pumasok.

Dalawang araw ang naging biyahe namin. Pagdating sa destinasyon, isa-isa kaming bumaba mula sa loob ng eroplano. Masaya kami kasi nakarating na sa Kuwait, pero nangingibabaw ang takot at pangamba ko dahil hindi ko alam kung ano ang naghihintay kong kapalaran dito. Hindi namin kasama si Jessa dahil sa Saudi ang punta niya. Wala kaming balita kung nasundo na ba siya ng amo niya roon. Sana okay lang siya.

Anim kaming naghihintay sa labas ng airport. Isa-isa kaming sinundo ng mga amo namin hanggang sa ako na lang ang mag-isang nakaupo. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko—takot at kaba habang iniisip kung bakit matagal akong kinuha. Hindi maiiwasang isipin: paano kung hindi ako kukunin? Ano kaya ang mararamdaman ko?

Hanggang sa may napansin akong isang medyo matandang lalaki. Nakasuot siya ng mahabang kulay puting damit, mahaba ang balbas, payat, at nakasuot ng eyeglasses. Papalapit siya sa gawi ko.

Sana siya na para makapagpahinga na ako pauwi sa bahay ng aking amo. Pero hindi ko maiwasang kabahan. Mas lalong lumakas ang tibok ng dibdib ko nang mapansin kong palapit siya nang palapit sa akin habang ngumingiti.

“You Anna Batumbakal?” tanong niya.  

“Y-yes, sir. I am Anna,” nauutal kong sagot.  

“I am Muhammad Muzikier, driver of your boss. I have been waiting for you for almost 2 hours. You can follow me, okay?”

Hindi na ako sumagot. Tumango na lang ako saka sumunod sa kanya papunta sa sasakyan kung saan siya nakaparada.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • OKAY LANG   CHAPTER 7

    IKA-7 NA KABANATAHindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman, na marinig kong mag-kuwento si Mama sa amin. Para bang nakokonsensya ako dahil sobrang nagalit ako sa kanya. Alam kong hindi niya ginusto na umalis at iwanan kami, pero sadyang sinubok siya ng panahon para maka-abroad at maiahon kami sana sa kahirapan. Hindi man pinalad ngunit hindi sumuko na makauwi kahit ilang dekada ang dumaan. Hindi napaghinaan nang loob, kung hindi nanatiling matatag sa kahit ano pang pagsubok. Ngunit kami na mga anak, walang ibang inisip kung ‘di magalit dahil akala namin hindi na kami babalikan at tuluyan kinalimutan na ng panahon.Lahat naman tayo may damdamin na marunong masaktan, magalit at magtampo. Dapat hindi natin ina-invalidate ang feelings ng iba, kasi minsan kaya nakakagawa nang hindi kaaya-aya ang isang tao dahil may pinagdadaanan itong sobrang nakakasakit.“Attention Seeker” iyan ang tawag sa akin kasi gumagawa kami ng hakbang na sobrang ikaka-dissappoint ng mga taong malapit sa ami

  • OKAY LANG   CHAPTER 6

    Sa loob ng sasakyan, tahimik kami. Panay ang silip ko sa kanya kasi nasa likuran ako nakaupo habang seryoso lang siyang nagmamaneho. Unti-unti kong naramdaman ang antok dahil sa pagod sa biyahe. Ipinikit ko muna ang mga mata para makaidlip man lang pansamantala. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Basta ang naramdaman ko na lang ay may yumuyugyog sa akin para gisingin ako.“Hello, we are here in your boss’s house.”Pagmulat ko ng mata, isang malaking gate na may matataas na pader ang sumalubong sa akin. Walang ibang bahay sa paligid. Tanging katahimikan lang at ang boses ni Muhammad na nagsabing, “Get down. Boss is waiting.”Kinuha niya ang maleta ko mula sa trunk. Wala akong nagawa kundi sumunod. Sa bawat hakbang papunta sa pinto, mas lalo kong nararamdaman... na hindi na ako makakabalik sa Pilipinas. Agad nag-doorbell si Muhammad sa pinto. Hanggang sa unti-unti itong bumukas kasabay ng paglabas ng isang babaeng nakatakip ang buong mukha— tanging mata lamang ang nakikita

  • OKAY LANG   CHAPTER 5

    Pumasok kami sa loob ng bahay. Ang tanging maririnig lang ay ang tunog ng aming mga yapak—kasama ang tunog ng mga basang sapatos sa sahig. Agad na dinala ni Leonora si Mama sa sala, habang si Lalaine naman ay nanatili sa tabi ko. Marahan niyang hinawakan ang siko ko, parang paalala na narito lang siya. Ang dating tahimik na sala ay biglang napuno ng bigat. Umupo si Mama sa lumang sopa, nakayuko. Ang kaniyang mga basang damit ay nag-iwan ng marka sa tela. Ang supot ng sabaw na bitbit niya kanina ay maingat na inilapag ni Leonora sa ibabaw ng mesa.Walang nagsasalita. Ang tanging naririnig na lang ay ang malakas na paghampas ng ulan sa yero at ang mabigat na paghinga ng bawat isa.“Kukuha lang ako ng mga tuwalya at tuyong damit,” basag ni Leonora sa katahimikan, bago mabilis na naglakad papunta sa kwarto.Naiwan kaming tatlo. Nanatili akong nakatayo malapit sa pinto, nakakrus ang mga braso. Si Lalaine ay dahan-dahang naupo sa upuang kaharap ni Mama.“Salamat, Lalaine,” mahinang bungad

  • OKAY LANG   CHAPTER 4

    "Ano pa ba ang magagawa ko, nakapagdesisyon ka na!"Iyon na lamang ang aking nasabi bago ako patakbong lumabas ng bahay nina Lalaine. Hindi ko alam, pero pakiramdam ko ay pinagkakaisahan ako ng panahon. Ang dating sakit na naranasan ko sa Mama ko ay tila bumabalik, at ngayon ay doble ang dusa dahil kay Lalaine.Hindi ko alam kung saan ako papatungo, ang tanging gusto ko lamang ay makalimot sa nararamdaman ko ngayon.Patuloy akong naglalakad habang tumutulo ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan—naghahanap ng karamay sa sakit na ito. Kasabay ng aking mga luha ang biglang pagpatak ng mga butil ng ulan, na para bang ang langit ay nakikidalamhati sa aking pighati."Arnold!"Lumingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang boses na tumatawag sa pangalan ko.Nakita ko sa aking harapan ang babaeng minamahal ko. Ramdam ko sa kanyang mga mata ang sinserong paghingi ng paumanhin sa sakit na naidulot niya sa akin. Kita ko ang pag-agos ng kanyang mga luha, na unti-unting humahalo sa pagbuhos

  • OKAY LANG   CHAPTER 3

    Ako si Arnold Batumbakal, dalawampu't anim na taong gulang. Lumaki kami ng kapatid kong si Leonora sa mahal naming lola’t lolo. Sila ang nagsilbing mga magulang namin; simula noong iwan kami sa kanila, inaruga at minahal nila kami nang higit pa sa kanilang sariling buhay. Hindi ko nakilala ang ama ko, pero naikuwento nina Lola na pumanaw daw ito noong limang taon pa lang ako. Rati raw siyang seaman na lumubog ang barkong sinasakyan, pero hindi ko alam kung totoo o gawa-gawa lamang nila 'yon upang hindi kami mangulila.Ang aking ina naman, anim na taong gulang ako noong huli ko itong makita. Kahit kailan ay hindi siya nagpaalam sa akin; hanggang ngayon ay wala na kaming balita tungkol sa kanya. Pero okay na iyon, hindi namin siya kailangan. Hindi namin kailangan ang isang katulad niyang iresponsable. Kaya siguro siya nawala dahil takot siyang humarap sa responsibilidad niya bilang ina. Ngayon, malaki na ako. May trabaho na ako na sapat ang kinikita sa pang-araw-araw. Ako na mismo ang n

  • OKAY LANG   CHAPTER 2

    Alas-tres na ng madaling araw nang matapos akong mag-empake ng aking mga gamit sa maleta. Kahit alas-otso pa ang flight ko, kinakailangan kong maagang umalis para hindi na ako madatnan ni Arnold. Ayaw kong makita siyang umiiyak dahil alam kong hindi ko kakayaning umalis kung makikita kong nasasaktan ang anak ko. Sana dumating ang panahon na maiintindihan nila ako—kung bakit kailangan kong umalis, kung bakit kailangan kong magsakripisyo para sa kanila. Hindi ko na naman napigilan ang aking mga luha sa pagpatak.“Para sa inyo ito, mga anak ko,” wika ko habang nakatingin sa mahimbing na natutulog kong mga sanggol.Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama. Nilapitan ko si Arnold habang humihikbi, sabay haplos sa kanyang buhok.“Anak…” bulong ko habang mas lalo pang bumubuhos ang aking mga luha, “alam ko hindi mo pa ako naiintindihan ngayon, pero lagi mo lang isipin na mahal na mahal ka ni Mama.” Tumigil ako sa paghaplos nang unti-unti siyang gumalaw.“Anak, aalis na ako. Ingatan mo ang saril

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status