Mag-log inAko si Arnold Batumbakal, dalawampu't anim na taong gulang. Lumaki kami ng kapatid kong si Leonora sa mahal naming lola’t lolo. Sila ang nagsilbing mga magulang namin; simula noong iwan kami sa kanila, inaruga at minahal nila kami nang higit pa sa kanilang sariling buhay. Hindi ko nakilala ang ama ko, pero naikuwento nina Lola na pumanaw daw ito noong limang taon pa lang ako. Rati raw siyang seaman na lumubog ang barkong sinasakyan, pero hindi ko alam kung totoo o gawa-gawa lamang nila 'yon upang hindi kami mangulila.
Ang aking ina naman, anim na taong gulang ako noong huli ko itong makita. Kahit kailan ay hindi siya nagpaalam sa akin; hanggang ngayon ay wala na kaming balita tungkol sa kanya. Pero okay na iyon, hindi namin siya kailangan. Hindi namin kailangan ang isang katulad niyang iresponsable. Kaya siguro siya nawala dahil takot siyang humarap sa responsibilidad niya bilang ina. Ngayon, malaki na ako. May trabaho na ako na sapat ang kinikita sa pang-araw-araw. Ako na mismo ang nagpapaaral sa kapatid ko, at dahil sa kanyang pagsisikap, malapit na itong magtapos sa mataas na paaralan bilang isang valedictorian.
“Kuya… kuya!” sigaw ng kapatid ko, dahilan upang mapabalikwas ako mula sa pagkakahiga sa aking kuwarto.
“Bakit!?” sigaw ko rin sabay bangon at labas ng silid.
“May naghahanap sa ‘yo!”
Hindi na ako sumagot. Nagmamadali akong bumaba ng hagdan at tinungo ang aking kapatid na ngayon ay nasa tapat ng gate, may kausap na isang matandang babae. Kilala ko ang babaeng iyon—hindi ako pwedeng magkamali. Siya ang unang taong nanakit sa amin, ang taong nag-iwan at hindi na kami binalikan kailanman. Biglang nagkasalubong ang aking mga kilay sa galit. Bakit bumalik pa siya? Hindi na namin siya kailangan.
“Leonora, pumasok ka muna sa loob,” wika ko habang nakatitig sa matandang babae.
“P-pero ba---”
“Ang sabi ko pumasok ka muna! Huwag matigas ang ulo!” Hindi na sumagot ang kapatid ko; dali-dali itong pumasok at iniwan kaming dalawa ng babae.
“Bakit ka bumalik?” tanong ko sa kanya.
“A-alam ko may pagkukulang ako sa inyo. Pero bumalik ako kasi gusto ko sanang humingi ng patawad,” saad niya.
“P-patawad? Ganoon lang ba kadali ang magpatawad ng isang katulad mo? Ganoon lang ba kadali kalimutan ang mga ginawa mo? Mas madali kitang mapapatawad kung hindi ka na nagpakita pang-muli sa amin!” giit ko.
Totoo naman. Mas mapapatawad ko siya kung nanatili na lang siyang multo ng nakaraan. Iisipin na lang namin na patay na rin siya gaya nina Lolo at Lola. Hindi madaling kalimutan ang lahat. Hindi mangyayari ang gusto niya—hindi ko siya kayang patawarin.
“Anak…”
“Huwag mo kaming tawaging anak! Simula noong iwan mo kami, nawala na rin ang karapatan mo na maging ina sa amin.”
“Hindi mo kasi ako maiintindihan…” wika niya habang tumutulo ang kanyang mga luha.
Hindi niya ako madadala sa pag-iyak niya. Hindi ako madadala sa mga pakunwari at pagsisinungaling niya.
“Pwes! Wala akong balak na intindihin ka. Umalis ka na at huwag na huwag ka na ulit babalik pa!” giit ko sabay tulak sa kanya palabas ng gate.
“P-patawarin mo ako…” pagmamakaawa niya habang mas lalo pang bumubuhos ang kanyang mga luha. “Okay lang sa akin kung hindi niyo ako ituturing na ina. Gusto ko lang kayong makausap, mayakap, at mahagkan. Pagkatapos niyon ay tsaka niyo na ako kalimutan. Ituring niyo na lang akong patay at hindi na ako magpapakita pang-muli kung iyon ang nais ninyo,” dagdag niya, saka lumuhod sa harapan ko.
“Anong drama ito? Anong pakulo na naman ito!?” bulyaw ko.
Bakit niya ginagawa ang lahat ng ito? Tila lumalabas na ako pa ang masama. Ganoon lang ba kadali iyon? Dalawang dekada—dalawang dekada ang lumipas na hindi man lang siya nagparamdam sa amin. Ni hindi ko nga alam na nag-abroad pala siya. “Umalis na ho kayo!” saad ko saka isinarado ang gate at hinayaan siyang nakaluhod doon.
Sa pag-lock ko ng p***o, doon sabay na bumagsak at bumuhos ang masagana kong luha. Bakit ganoon? Ang tagal kong hinintay si Mama, pero ngayong bumalik siya, galit ang nangingibabaw sa puso ko. Nami-miss ko siya, pero mas matindi ang poot sa tuwing naalala ko kung paano niya kami tinalikuran. Mahirap ang lumaking walang magulang na nag-aaruga. Imbes na nag-aaral lang ako, maaga akong namulat sa bagsik ng buhay. Ako ang panganay, kaya ako ang kumayod nang husto noong hindi na kayang kumilos nina Lola at Lolo. Tapos ngayon, babalik siya para humingi ng kapatawaran? Hindi ganoon kadali iyon.
“Hinding-hindi ko siya papatawarin kailanman,” galit kong bulong sabay pahid sa aking mga luha.
Agad akong tumayo at muling binuksan ang gate, pero wala na siya. Lumabas ako at naglakad hanggang sa makarating sa bahay ng nobya ko, na hindi naman kalayuan sa amin.
“Mahal, alam mo ba, may maganda akong balita sa iyo?” tanong ni Lalaine, ang matagal ko nang kasintahan.
“Ha? Hindi. Ano ba iyon?” takang tanong ko habang nakatingin sa telebisyon, pilit ibinabaling ang atensyon.
“Natanggap ako sa trabaho sa Switzerland!” masayang sambit nito, na tila kulang na lang ay lumundag sa kagalakan.
“S-switzerland? Aalis ka? Bakit hindi mo sinabi sa akin?”
“Gusto sana kitang i-surprise. 'Di ba magandang balita 'yon?”
“Nakapagdesisyon ka na ba?”
“Oo.”
“Okay,” giit ko sabay tayo at lakad papuntang p***o.
“Saan ka pupunta?”
“Aalis na ako. Hindi mo naman ako kailangan, 'di ba? Pati rin naman ikaw, iiwan mo rin ako.”
“Hindi ka ba masaya para sa akin? Matagal ko nang gustong makatrabaho roon. Sana naman suportahan mo ako. Kung iniisip mo na hihiwalayan kita, hindi iyon mangyayari. Mahal na mahal kita. Huwag kang mag-alala, kapag nakapag-ipon na ako roon, babalik agad ako rito. Tsaka tayo magpapakasal, 'di ba iyon ang pangarap natin?” mahaba nitong salaysay habang umiiyak.
Bakit lahat ng mahal ko, iniiwan ako? Hindi nila ako naiintindihan. Takot lang naman ako na baka kalimutan niya rin ako tulad ng ginawa ng ina ko. Hindi masaya ang mag-isa, kaya sana naman ay intindihin din nila ang mararamdaman ko. Huwag lang sarili ang isipin nila; sana maalala nilang may masasaktan sa bawat desisyong ginagawa nila.
IKA-7 NA KABANATAHindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman, na marinig kong mag-kuwento si Mama sa amin. Para bang nakokonsensya ako dahil sobrang nagalit ako sa kanya. Alam kong hindi niya ginusto na umalis at iwanan kami, pero sadyang sinubok siya ng panahon para maka-abroad at maiahon kami sana sa kahirapan. Hindi man pinalad ngunit hindi sumuko na makauwi kahit ilang dekada ang dumaan. Hindi napaghinaan nang loob, kung hindi nanatiling matatag sa kahit ano pang pagsubok. Ngunit kami na mga anak, walang ibang inisip kung ‘di magalit dahil akala namin hindi na kami babalikan at tuluyan kinalimutan na ng panahon.Lahat naman tayo may damdamin na marunong masaktan, magalit at magtampo. Dapat hindi natin ina-invalidate ang feelings ng iba, kasi minsan kaya nakakagawa nang hindi kaaya-aya ang isang tao dahil may pinagdadaanan itong sobrang nakakasakit.“Attention Seeker” iyan ang tawag sa akin kasi gumagawa kami ng hakbang na sobrang ikaka-dissappoint ng mga taong malapit sa ami
Sa loob ng sasakyan, tahimik kami. Panay ang silip ko sa kanya kasi nasa likuran ako nakaupo habang seryoso lang siyang nagmamaneho. Unti-unti kong naramdaman ang antok dahil sa pagod sa biyahe. Ipinikit ko muna ang mga mata para makaidlip man lang pansamantala. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Basta ang naramdaman ko na lang ay may yumuyugyog sa akin para gisingin ako.“Hello, we are here in your boss’s house.”Pagmulat ko ng mata, isang malaking gate na may matataas na pader ang sumalubong sa akin. Walang ibang bahay sa paligid. Tanging katahimikan lang at ang boses ni Muhammad na nagsabing, “Get down. Boss is waiting.”Kinuha niya ang maleta ko mula sa trunk. Wala akong nagawa kundi sumunod. Sa bawat hakbang papunta sa pinto, mas lalo kong nararamdaman... na hindi na ako makakabalik sa Pilipinas. Agad nag-doorbell si Muhammad sa pinto. Hanggang sa unti-unti itong bumukas kasabay ng paglabas ng isang babaeng nakatakip ang buong mukha— tanging mata lamang ang nakikita
Pumasok kami sa loob ng bahay. Ang tanging maririnig lang ay ang tunog ng aming mga yapak—kasama ang tunog ng mga basang sapatos sa sahig. Agad na dinala ni Leonora si Mama sa sala, habang si Lalaine naman ay nanatili sa tabi ko. Marahan niyang hinawakan ang siko ko, parang paalala na narito lang siya. Ang dating tahimik na sala ay biglang napuno ng bigat. Umupo si Mama sa lumang sopa, nakayuko. Ang kaniyang mga basang damit ay nag-iwan ng marka sa tela. Ang supot ng sabaw na bitbit niya kanina ay maingat na inilapag ni Leonora sa ibabaw ng mesa.Walang nagsasalita. Ang tanging naririnig na lang ay ang malakas na paghampas ng ulan sa yero at ang mabigat na paghinga ng bawat isa.“Kukuha lang ako ng mga tuwalya at tuyong damit,” basag ni Leonora sa katahimikan, bago mabilis na naglakad papunta sa kwarto.Naiwan kaming tatlo. Nanatili akong nakatayo malapit sa pinto, nakakrus ang mga braso. Si Lalaine ay dahan-dahang naupo sa upuang kaharap ni Mama.“Salamat, Lalaine,” mahinang bungad
"Ano pa ba ang magagawa ko, nakapagdesisyon ka na!"Iyon na lamang ang aking nasabi bago ako patakbong lumabas ng bahay nina Lalaine. Hindi ko alam, pero pakiramdam ko ay pinagkakaisahan ako ng panahon. Ang dating sakit na naranasan ko sa Mama ko ay tila bumabalik, at ngayon ay doble ang dusa dahil kay Lalaine.Hindi ko alam kung saan ako papatungo, ang tanging gusto ko lamang ay makalimot sa nararamdaman ko ngayon.Patuloy akong naglalakad habang tumutulo ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan—naghahanap ng karamay sa sakit na ito. Kasabay ng aking mga luha ang biglang pagpatak ng mga butil ng ulan, na para bang ang langit ay nakikidalamhati sa aking pighati."Arnold!"Lumingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang boses na tumatawag sa pangalan ko.Nakita ko sa aking harapan ang babaeng minamahal ko. Ramdam ko sa kanyang mga mata ang sinserong paghingi ng paumanhin sa sakit na naidulot niya sa akin. Kita ko ang pag-agos ng kanyang mga luha, na unti-unting humahalo sa pagbuhos
Ako si Arnold Batumbakal, dalawampu't anim na taong gulang. Lumaki kami ng kapatid kong si Leonora sa mahal naming lola’t lolo. Sila ang nagsilbing mga magulang namin; simula noong iwan kami sa kanila, inaruga at minahal nila kami nang higit pa sa kanilang sariling buhay. Hindi ko nakilala ang ama ko, pero naikuwento nina Lola na pumanaw daw ito noong limang taon pa lang ako. Rati raw siyang seaman na lumubog ang barkong sinasakyan, pero hindi ko alam kung totoo o gawa-gawa lamang nila 'yon upang hindi kami mangulila.Ang aking ina naman, anim na taong gulang ako noong huli ko itong makita. Kahit kailan ay hindi siya nagpaalam sa akin; hanggang ngayon ay wala na kaming balita tungkol sa kanya. Pero okay na iyon, hindi namin siya kailangan. Hindi namin kailangan ang isang katulad niyang iresponsable. Kaya siguro siya nawala dahil takot siyang humarap sa responsibilidad niya bilang ina. Ngayon, malaki na ako. May trabaho na ako na sapat ang kinikita sa pang-araw-araw. Ako na mismo ang n
Alas-tres na ng madaling araw nang matapos akong mag-empake ng aking mga gamit sa maleta. Kahit alas-otso pa ang flight ko, kinakailangan kong maagang umalis para hindi na ako madatnan ni Arnold. Ayaw kong makita siyang umiiyak dahil alam kong hindi ko kakayaning umalis kung makikita kong nasasaktan ang anak ko. Sana dumating ang panahon na maiintindihan nila ako—kung bakit kailangan kong umalis, kung bakit kailangan kong magsakripisyo para sa kanila. Hindi ko na naman napigilan ang aking mga luha sa pagpatak.“Para sa inyo ito, mga anak ko,” wika ko habang nakatingin sa mahimbing na natutulog kong mga sanggol.Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama. Nilapitan ko si Arnold habang humihikbi, sabay haplos sa kanyang buhok.“Anak…” bulong ko habang mas lalo pang bumubuhos ang aking mga luha, “alam ko hindi mo pa ako naiintindihan ngayon, pero lagi mo lang isipin na mahal na mahal ka ni Mama.” Tumigil ako sa paghaplos nang unti-unti siyang gumalaw.“Anak, aalis na ako. Ingatan mo ang saril

![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





