Home / Romance / OKAY LANG / CHAPTER 4

Share

CHAPTER 4

Author: Robert Suico
last update publish date: 2026-10-02 16:02:10

"Ano pa ba ang magagawa ko, nakapagdesisyon ka na!"

Iyon na lamang ang aking nasabi bago ako patakbong lumabas ng bahay nina Lalaine. Hindi ko alam, pero pakiramdam ko ay pinagkakaisahan ako ng panahon. Ang dating sakit na naranasan ko sa Mama ko ay tila bumabalik, at ngayon ay doble ang dusa dahil kay Lalaine.

Hindi ko alam kung saan ako papatungo, ang tanging gusto ko lamang ay makalimot sa nararamdaman ko ngayon.

Patuloy akong naglalakad habang tumutulo ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan—naghahanap ng karamay sa sakit na ito. Kasabay ng aking mga luha ang biglang pagpatak ng mga butil ng ulan, na para bang ang langit ay nakikidalamhati sa aking pighati.

"Arnold!"

Lumingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang boses na tumatawag sa pangalan ko.

Nakita ko sa aking harapan ang babaeng minamahal ko. Ramdam ko sa kanyang mga mata ang sinserong paghingi ng paumanhin sa sakit na naidulot niya sa akin. Kita ko ang pag-agos ng kanyang mga luha, na unti-unting humahalo sa pagbuhos ng malakas na ulan. Pareho na kaming mukhang basang sisiw, tahimik na nagkakatitigan sa gitna ng kalsada.

"Sorry kung hindi muna kita kinausap," wika niya.

Tila mas nadurog ako nang muli itong magsalita. Kinain ako ng konsensya dahil mas inuna ko ang galit kaysa makinig sa kanyang mga paliwanag.

Unti-unti akong lumapit at niyakap siya nang mahigpit. Ramdam ko rin ang pagkapit ng kanyang mga kamay sa akin. Dito ko naramdamang muli na may kakampi ako. Siya ang babaeng nagtiwala sa aking kakayahan, ang unang babaeng laging nagpapalakas ng aking loob bukod kina lola.

"Pasensya ka na kung nagalit ako," wika ko habang magkayakap pa rin kami sa ilalim ng masungit na panahon. "Ayaw ko lang kasi ulit maranasan ang maiwan ng taong lubos ko nang minamahal. Nasaktan na ako rati... nagtiwala ako sa pangakong babalikan, pero lumipas ang ilang dekada, hindi na kami binalikan."

"Sorry, sorry... " hikbi niya pa habang mas lalong bumubuhos ang kanyang mga luha.

"Hindi mo kailangang humingi ng sorry. Ako dapat ang humingi ng paumanhin sa iyo. Hindi man lang kita binigyan ng pagkakataon para magpaliwanag, kaya sorry," ang sinsero kong sabi saka bumitaw sa yakap. Pinunasan ko ang mga luha sa kanyang pisngi. "Huwag ka nang iiyak. Simula sa araw na ito, ayaw ko nang makitang umiiyak ka nang dahil sa akin."

Sinalubong kami ng malamig na simoy ng hangin habang naglalakad pabalik sa tapat ng aming bahay. Magkahawak-kamay kami ni Lalaine, parehong nanginginig ang mga katawan sa lamig, ngunit may kakaibang init sa aking dibdib dahil alam kong sa pagkakataong ito, hindi ako nag-iisa. Ang aking jacket ay nakasampay sa kaniyang balikat upang kahit paano ay mabawasan ang kaniyang ginaw.

Subalit ang munting kapayapaang iyon ay agad na natunaw nang marating namin ang tarangkahan.

Sa ilalim ng maliit na silong ng aming lumang beranda, nakatayo ang isang pamilyar na anino. Hawak niya ang isang basang payong, at ang kaniyang mga mata ay bakas ang matagal na paghihintay. Si Mama. Si Anna.

"Arnold..." ang mautal-utal niyang sambit nang makita kami. Agad siyang humakbang pabalik upang bigyan kami ng daan, habang ang kaniyang mga kamay ay may hawak na supot ng pagkain na tila kanina pa lumamig sa paghihintay. "Naligo kayo sa ulan... baka magkasakit kayo. May dala akong mainit na sabaw para sa inyo ni Leonora."

Naramdaman ko ang biglang paghigpit ng hawak sa akin ni Lalaine. Batid niya ang tensyon sa pagitan naming mag-ina. Ang init na naramdaman ko kanina sa ulan ay biglang napalitan ng pamilyar na panlalamig at pagtigas ng aking mukha.

"Hindi namin kailangan 'yan," malamig kong sagot, habang pilit na iniiwas ang aking paningin sa kaniyang mga mapanghamong mata. "Umuwi ka na, baka ikaw ang magkasakit dito. Sira ang silong na 'yan, tumutulo rin ang tubig."

"Anak, sandali lang naman... kahit limang minuto lang, mag-usap tayo," pagsusumamo niya, pilit hinahawakan ang aking basang braso. "Gusto ko lang ipaliwanag kung bakit—"

"Bakit ngayon lang?" pagputol ko sa kaniyang sasabihin. Dito ko na naramdaman ang muling pagbuhos ng galit na pilit kong itinago sa harap ni Lalaine. "Dalawampung taon, Ma. Dalawampung taon kaming naghintay sa bawat tilaok ng manok, sa bawat katok sa p***o, umaasang baka ikaw na 'yan. Ngayong patay na sina Lolo at Lola, ngayong malaki na si Leonora, tsaka ka darating na may dalang sabaw?"

“Kuya, kausapin mo naman si Mama ng maayos…” hindi natuloy ang sasabihin ni Leonora dahil muli akong nagsalita.

“Wala kang alam! Ilang buwan ka pa lamang iniwan ka na niya, ni hindi nga niya nasaksihan ang unang pagsasalita mo. Ang unang paglakad mo, ni wala nga siyang pakialam sa atin, dahil kahit tumawag man lamang ni hindi niya nagawa!”

Natahimik ang buong paligid. Ang tanging naririnig na lamang ay ang ingay ng malalaking butil ng ulan na tumatama sa bubong ng beranda.

Nakita ko ang marahang pagbaba ng mga balikat ni Mama. Ang supot ng pagkain na hawak niya ay unti-unting nayuyuko sa kaniyang panginginig. Tumingin siya kay Leonora, pagkatapos ay muling ibinalik ang basang paningin sa akin.

“Patawad... patawad kung sa tingin mo ay wala akong pakialam," hikbi ni Mama, halos mawalan na ng boses sa tindi ng iyak. Lumuhod siya sa basang semento ng beranda, binitawan ang payong at ang dalang pagkain. "Gusto kong tumawag, Arnold. Gusto kong sumigaw para marinig niyo ako... pero hindi ko hawak ang buhay ko roon.”

“Kuya, tama na...” umiiyak na rin na pakiusap ni Leonora sabay lapit kay Mama para alalayan itong tumayo. “Kahit ngayon lang, pakinggan naman natin siya.”

Hinigpitan ko ang kamao ko hanggang sa mamuti ang aking mga kuko. Gusto kong manatiling matigas, pero ang makitang nakaluhod ang babaeng nagbigay sa akin ng buhay ay unti-unting pumupukaw sa batang anim na taong gulang sa loob ko—ang batang matagal nang nangulila sa kaniyang ina.

Bago ko pa masundan ang aking mga sinabi, naramdaman ko ang marahang pagpiga ni Lalaine sa aking palad. Humakbang siya patungo sa gitna namin ni Mama, hinarap ako, at tinignan ako sa mga mata gamit ang kaniyang malumanay ngunit seryosong paningin.

“Arnold, makinig ka sa akin,” pakiusap ni Lalaine, basa pa rin ang kaniyang mukha ng ulan. “Aalis din ako, 'di ba? Pupunta rin ako sa malayong lugar para sa pangarap natin. Kung sakaling may mangyaring masama sa akin doon at hindi ako makatawag sa iyo... ganyan din ba ang isasalubong mo sa akin pagbalik ko?"

Natigilan ako sa kaniyang sinabi. Tila sampal sa aking mukha ang bawat salitang binitawan ng aking kasintahan.

“Magkaiba kayo,” giit ko, bagaman humina na ang panginginig ng aking boses.

“Walang inang gustong umalis at hindi na bumalik, Arnold,” seryosong dugtong ni Lalaine habang nakatingin kay Mama na ngayon ay tahimik na humihikbi sa gilid.

“Buksan mo ang p***o. Papasukin natin siya. Kahit hindi para magpatawad... kung ‘di para lang malaman natin ang buong katotohanan.”

Tumingin ako kay Lalaine, pagkatapos ay kay Leonora na nakayakap na kay Mama sa basang semento. Ang lamig ng ulan ay tila unti-unting napapalitan ng bigat sa aking dibdib. Sa unang pagkakataon sa loob ng dalawampung taon, dahan-dahan kong binuksan ang p***o, at nilunok ang aking galit.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • OKAY LANG   CHAPTER 7

    IKA-7 NA KABANATAHindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman, na marinig kong mag-kuwento si Mama sa amin. Para bang nakokonsensya ako dahil sobrang nagalit ako sa kanya. Alam kong hindi niya ginusto na umalis at iwanan kami, pero sadyang sinubok siya ng panahon para maka-abroad at maiahon kami sana sa kahirapan. Hindi man pinalad ngunit hindi sumuko na makauwi kahit ilang dekada ang dumaan. Hindi napaghinaan nang loob, kung hindi nanatiling matatag sa kahit ano pang pagsubok. Ngunit kami na mga anak, walang ibang inisip kung ‘di magalit dahil akala namin hindi na kami babalikan at tuluyan kinalimutan na ng panahon.Lahat naman tayo may damdamin na marunong masaktan, magalit at magtampo. Dapat hindi natin ina-invalidate ang feelings ng iba, kasi minsan kaya nakakagawa nang hindi kaaya-aya ang isang tao dahil may pinagdadaanan itong sobrang nakakasakit.“Attention Seeker” iyan ang tawag sa akin kasi gumagawa kami ng hakbang na sobrang ikaka-dissappoint ng mga taong malapit sa ami

  • OKAY LANG   CHAPTER 6

    Sa loob ng sasakyan, tahimik kami. Panay ang silip ko sa kanya kasi nasa likuran ako nakaupo habang seryoso lang siyang nagmamaneho. Unti-unti kong naramdaman ang antok dahil sa pagod sa biyahe. Ipinikit ko muna ang mga mata para makaidlip man lang pansamantala. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Basta ang naramdaman ko na lang ay may yumuyugyog sa akin para gisingin ako.“Hello, we are here in your boss’s house.”Pagmulat ko ng mata, isang malaking gate na may matataas na pader ang sumalubong sa akin. Walang ibang bahay sa paligid. Tanging katahimikan lang at ang boses ni Muhammad na nagsabing, “Get down. Boss is waiting.”Kinuha niya ang maleta ko mula sa trunk. Wala akong nagawa kundi sumunod. Sa bawat hakbang papunta sa pinto, mas lalo kong nararamdaman... na hindi na ako makakabalik sa Pilipinas. Agad nag-doorbell si Muhammad sa pinto. Hanggang sa unti-unti itong bumukas kasabay ng paglabas ng isang babaeng nakatakip ang buong mukha— tanging mata lamang ang nakikita

  • OKAY LANG   CHAPTER 5

    Pumasok kami sa loob ng bahay. Ang tanging maririnig lang ay ang tunog ng aming mga yapak—kasama ang tunog ng mga basang sapatos sa sahig. Agad na dinala ni Leonora si Mama sa sala, habang si Lalaine naman ay nanatili sa tabi ko. Marahan niyang hinawakan ang siko ko, parang paalala na narito lang siya. Ang dating tahimik na sala ay biglang napuno ng bigat. Umupo si Mama sa lumang sopa, nakayuko. Ang kaniyang mga basang damit ay nag-iwan ng marka sa tela. Ang supot ng sabaw na bitbit niya kanina ay maingat na inilapag ni Leonora sa ibabaw ng mesa.Walang nagsasalita. Ang tanging naririnig na lang ay ang malakas na paghampas ng ulan sa yero at ang mabigat na paghinga ng bawat isa.“Kukuha lang ako ng mga tuwalya at tuyong damit,” basag ni Leonora sa katahimikan, bago mabilis na naglakad papunta sa kwarto.Naiwan kaming tatlo. Nanatili akong nakatayo malapit sa pinto, nakakrus ang mga braso. Si Lalaine ay dahan-dahang naupo sa upuang kaharap ni Mama.“Salamat, Lalaine,” mahinang bungad

  • OKAY LANG   CHAPTER 4

    "Ano pa ba ang magagawa ko, nakapagdesisyon ka na!"Iyon na lamang ang aking nasabi bago ako patakbong lumabas ng bahay nina Lalaine. Hindi ko alam, pero pakiramdam ko ay pinagkakaisahan ako ng panahon. Ang dating sakit na naranasan ko sa Mama ko ay tila bumabalik, at ngayon ay doble ang dusa dahil kay Lalaine.Hindi ko alam kung saan ako papatungo, ang tanging gusto ko lamang ay makalimot sa nararamdaman ko ngayon.Patuloy akong naglalakad habang tumutulo ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan—naghahanap ng karamay sa sakit na ito. Kasabay ng aking mga luha ang biglang pagpatak ng mga butil ng ulan, na para bang ang langit ay nakikidalamhati sa aking pighati."Arnold!"Lumingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang boses na tumatawag sa pangalan ko.Nakita ko sa aking harapan ang babaeng minamahal ko. Ramdam ko sa kanyang mga mata ang sinserong paghingi ng paumanhin sa sakit na naidulot niya sa akin. Kita ko ang pag-agos ng kanyang mga luha, na unti-unting humahalo sa pagbuhos

  • OKAY LANG   CHAPTER 3

    Ako si Arnold Batumbakal, dalawampu't anim na taong gulang. Lumaki kami ng kapatid kong si Leonora sa mahal naming lola’t lolo. Sila ang nagsilbing mga magulang namin; simula noong iwan kami sa kanila, inaruga at minahal nila kami nang higit pa sa kanilang sariling buhay. Hindi ko nakilala ang ama ko, pero naikuwento nina Lola na pumanaw daw ito noong limang taon pa lang ako. Rati raw siyang seaman na lumubog ang barkong sinasakyan, pero hindi ko alam kung totoo o gawa-gawa lamang nila 'yon upang hindi kami mangulila.Ang aking ina naman, anim na taong gulang ako noong huli ko itong makita. Kahit kailan ay hindi siya nagpaalam sa akin; hanggang ngayon ay wala na kaming balita tungkol sa kanya. Pero okay na iyon, hindi namin siya kailangan. Hindi namin kailangan ang isang katulad niyang iresponsable. Kaya siguro siya nawala dahil takot siyang humarap sa responsibilidad niya bilang ina. Ngayon, malaki na ako. May trabaho na ako na sapat ang kinikita sa pang-araw-araw. Ako na mismo ang n

  • OKAY LANG   CHAPTER 2

    Alas-tres na ng madaling araw nang matapos akong mag-empake ng aking mga gamit sa maleta. Kahit alas-otso pa ang flight ko, kinakailangan kong maagang umalis para hindi na ako madatnan ni Arnold. Ayaw kong makita siyang umiiyak dahil alam kong hindi ko kakayaning umalis kung makikita kong nasasaktan ang anak ko. Sana dumating ang panahon na maiintindihan nila ako—kung bakit kailangan kong umalis, kung bakit kailangan kong magsakripisyo para sa kanila. Hindi ko na naman napigilan ang aking mga luha sa pagpatak.“Para sa inyo ito, mga anak ko,” wika ko habang nakatingin sa mahimbing na natutulog kong mga sanggol.Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama. Nilapitan ko si Arnold habang humihikbi, sabay haplos sa kanyang buhok.“Anak…” bulong ko habang mas lalo pang bumubuhos ang aking mga luha, “alam ko hindi mo pa ako naiintindihan ngayon, pero lagi mo lang isipin na mahal na mahal ka ni Mama.” Tumigil ako sa paghaplos nang unti-unti siyang gumalaw.“Anak, aalis na ako. Ingatan mo ang saril

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status