Mag-log inIKA-7 NA KABANATAHindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman, na marinig kong mag-kuwento si Mama sa amin. Para bang nakokonsensya ako dahil sobrang nagalit ako sa kanya. Alam kong hindi niya ginusto na umalis at iwanan kami, pero sadyang sinubok siya ng panahon para maka-abroad at maiahon kami sana sa kahirapan. Hindi man pinalad ngunit hindi sumuko na makauwi kahit ilang dekada ang dumaan. Hindi napaghinaan nang loob, kung hindi nanatiling matatag sa kahit ano pang pagsubok. Ngunit kami na mga anak, walang ibang inisip kung ‘di magalit dahil akala namin hindi na kami babalikan at tuluyan kinalimutan na ng panahon.Lahat naman tayo may damdamin na marunong masaktan, magalit at magtampo. Dapat hindi natin ina-invalidate ang feelings ng iba, kasi minsan kaya nakakagawa nang hindi kaaya-aya ang isang tao dahil may pinagdadaanan itong sobrang nakakasakit.“Attention Seeker” iyan ang tawag sa akin kasi gumagawa kami ng hakbang na sobrang ikaka-dissappoint ng mga taong malapit sa ami
Sa loob ng sasakyan, tahimik kami. Panay ang silip ko sa kanya kasi nasa likuran ako nakaupo habang seryoso lang siyang nagmamaneho. Unti-unti kong naramdaman ang antok dahil sa pagod sa biyahe. Ipinikit ko muna ang mga mata para makaidlip man lang pansamantala. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Basta ang naramdaman ko na lang ay may yumuyugyog sa akin para gisingin ako.“Hello, we are here in your boss’s house.”Pagmulat ko ng mata, isang malaking gate na may matataas na pader ang sumalubong sa akin. Walang ibang bahay sa paligid. Tanging katahimikan lang at ang boses ni Muhammad na nagsabing, “Get down. Boss is waiting.”Kinuha niya ang maleta ko mula sa trunk. Wala akong nagawa kundi sumunod. Sa bawat hakbang papunta sa pinto, mas lalo kong nararamdaman... na hindi na ako makakabalik sa Pilipinas. Agad nag-doorbell si Muhammad sa pinto. Hanggang sa unti-unti itong bumukas kasabay ng paglabas ng isang babaeng nakatakip ang buong mukha— tanging mata lamang ang nakikita
Pumasok kami sa loob ng bahay. Ang tanging maririnig lang ay ang tunog ng aming mga yapak—kasama ang tunog ng mga basang sapatos sa sahig. Agad na dinala ni Leonora si Mama sa sala, habang si Lalaine naman ay nanatili sa tabi ko. Marahan niyang hinawakan ang siko ko, parang paalala na narito lang siya. Ang dating tahimik na sala ay biglang napuno ng bigat. Umupo si Mama sa lumang sopa, nakayuko. Ang kaniyang mga basang damit ay nag-iwan ng marka sa tela. Ang supot ng sabaw na bitbit niya kanina ay maingat na inilapag ni Leonora sa ibabaw ng mesa.Walang nagsasalita. Ang tanging naririnig na lang ay ang malakas na paghampas ng ulan sa yero at ang mabigat na paghinga ng bawat isa.“Kukuha lang ako ng mga tuwalya at tuyong damit,” basag ni Leonora sa katahimikan, bago mabilis na naglakad papunta sa kwarto.Naiwan kaming tatlo. Nanatili akong nakatayo malapit sa pinto, nakakrus ang mga braso. Si Lalaine ay dahan-dahang naupo sa upuang kaharap ni Mama.“Salamat, Lalaine,” mahinang bungad
"Ano pa ba ang magagawa ko, nakapagdesisyon ka na!"Iyon na lamang ang aking nasabi bago ako patakbong lumabas ng bahay nina Lalaine. Hindi ko alam, pero pakiramdam ko ay pinagkakaisahan ako ng panahon. Ang dating sakit na naranasan ko sa Mama ko ay tila bumabalik, at ngayon ay doble ang dusa dahil kay Lalaine.Hindi ko alam kung saan ako papatungo, ang tanging gusto ko lamang ay makalimot sa nararamdaman ko ngayon.Patuloy akong naglalakad habang tumutulo ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan—naghahanap ng karamay sa sakit na ito. Kasabay ng aking mga luha ang biglang pagpatak ng mga butil ng ulan, na para bang ang langit ay nakikidalamhati sa aking pighati."Arnold!"Lumingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang boses na tumatawag sa pangalan ko.Nakita ko sa aking harapan ang babaeng minamahal ko. Ramdam ko sa kanyang mga mata ang sinserong paghingi ng paumanhin sa sakit na naidulot niya sa akin. Kita ko ang pag-agos ng kanyang mga luha, na unti-unting humahalo sa pagbuhos
Ako si Arnold Batumbakal, dalawampu't anim na taong gulang. Lumaki kami ng kapatid kong si Leonora sa mahal naming lola’t lolo. Sila ang nagsilbing mga magulang namin; simula noong iwan kami sa kanila, inaruga at minahal nila kami nang higit pa sa kanilang sariling buhay. Hindi ko nakilala ang ama ko, pero naikuwento nina Lola na pumanaw daw ito noong limang taon pa lang ako. Rati raw siyang seaman na lumubog ang barkong sinasakyan, pero hindi ko alam kung totoo o gawa-gawa lamang nila 'yon upang hindi kami mangulila.Ang aking ina naman, anim na taong gulang ako noong huli ko itong makita. Kahit kailan ay hindi siya nagpaalam sa akin; hanggang ngayon ay wala na kaming balita tungkol sa kanya. Pero okay na iyon, hindi namin siya kailangan. Hindi namin kailangan ang isang katulad niyang iresponsable. Kaya siguro siya nawala dahil takot siyang humarap sa responsibilidad niya bilang ina. Ngayon, malaki na ako. May trabaho na ako na sapat ang kinikita sa pang-araw-araw. Ako na mismo ang n
Alas-tres na ng madaling araw nang matapos akong mag-empake ng aking mga gamit sa maleta. Kahit alas-otso pa ang flight ko, kinakailangan kong maagang umalis para hindi na ako madatnan ni Arnold. Ayaw kong makita siyang umiiyak dahil alam kong hindi ko kakayaning umalis kung makikita kong nasasaktan ang anak ko. Sana dumating ang panahon na maiintindihan nila ako—kung bakit kailangan kong umalis, kung bakit kailangan kong magsakripisyo para sa kanila. Hindi ko na naman napigilan ang aking mga luha sa pagpatak.“Para sa inyo ito, mga anak ko,” wika ko habang nakatingin sa mahimbing na natutulog kong mga sanggol.Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama. Nilapitan ko si Arnold habang humihikbi, sabay haplos sa kanyang buhok.“Anak…” bulong ko habang mas lalo pang bumubuhos ang aking mga luha, “alam ko hindi mo pa ako naiintindihan ngayon, pero lagi mo lang isipin na mahal na mahal ka ni Mama.” Tumigil ako sa paghaplos nang unti-unti siyang gumalaw.“Anak, aalis na ako. Ingatan mo ang saril







