Yara's Point of ViewHindi ko na alam kung saan ako kukuha ng lakas para muling pumiglas. Nanginginig na ang mga tuhod ko, at bawat paghila ni Carlos sa mga braso ko ay nag-iiwan ng mas matinding kirot sa magkabilang balikat.Pilit kong pinananatiling nakataas ang ulo ko habang sumusunod sa kanila, pero hindi ko mapigilang mapatingin sa bawat p***o at bintanang nadaraanan namin.Nang makarating kami sa dulo ng hallway, bumukas ang isang malapad na p***o. Nasa likod niyon ang isang receiving room na mas mukhang pribadong opisina kaysa bahagi ng isang bahay.Malalaki ang mga bintana ngunit nakasara ang mga kurtina. May mahabang sofa sa isang gilid, isang glass table sa gitna, at ilang framed photographs na maingat na nakahanay sa dingding. Sa unang tingin, elegante at maayos ang buong silid.Pero nang mapansin ko ang maliit na itim na camera sa ibabaw ng bookshelf at ang isa pang nakatutok sa sulok ng kisame, parang may malamig na kamay na muling pumulupot sa dibdib ko.Hindi lang pala a
Last Updated : 2026-11-20 Read more