Lumipas ang ilang araw na halos umiikot lamang sa pag-aalaga, pagpapalit ng diaper, pagpapahinga at pag-aasikaso sa mga pangangailangan ni Yami.Unti-unti kong nakasanayan ang pag-iyak niya tuwing nagugutom, pati ang maliliit niyang ungol kapag hindi komportable ang pagkakahiga.May mga pagkakataong nagigising ako sa kalagitnaan ng gabi kahit hindi naman siya umiiyak, dahil nasanay na akong tingnan kung maayos ba ang paghinga niya.Hindi rin naging madali ang pag-recover ko. May mga sandaling nahihirapan akong kumilos, lalo na kapag kailangan kong bumangon habang umiiyak si Yami, pero hindi ko magawang magalit o mainis sa kaniya.Sa tuwing inilalapit ko siya sa dibdib ko at unti-unting humuhupa ang iyak niya, para bang nawawala rin ang pagod ko.Minsan, habang nakaupo ako sa gilid ng kama, napansin kong matagal na pala akong nakatingin sa mukha niya.“Anak, sana alam mong ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ni Mommy,” bulong ko habang marahang hinahaplos ang pisngi niya.Bahagy
Terakhir Diperbarui : 2026-11-25 Baca selengkapnya