“Whatever happens, I want you to remember that. I made my own decisions, and I don't want you carrying guilt for things that I chose myself.”Hindi ko napigilang mapayuko. Hindi ko alam kung gaano karami ang naiintindihan niya sa nangyari sa pagitan namin ni Sir Erwin, pero sapat na ang mga salitang iyon upang maramdaman kong hindi niya ako sinisisi.“T-thank you po, Ma'am,” mahinang sagot ko. Ni hindi ko alam kung tama bang pasasalamat ang isagot ko sa mga sinabi niya.Marahan niyang pinisil ang kamay ko, ramdam ko ang init nu’n at sa simpleng bagay na ‘yon, gumaan ng kaunti ang pakiramdam ko. “You've been kind to me. That's what I remember.”Nang marinig ko iyon, tuluyan nang tumulo ang luha ko. Mabilis kong pinunasan ang pisngi ko, ngunit nakita pa rin niya iyon.“Don't cry, dear,” sabi niya, bahagyang nakangiti. “I'm still here.”Tumango ako at pilit na ngumiti pabalik.Pero sa loob-loob ko, alam kong hindi na namin maaaring ipagpalagay na mananatili siya rito nang matagal.***Dum
Terakhir Diperbarui : 2026-11-23 Baca selengkapnya