“I'll make sure he'll be okay,” mahina niyang sabi habang nakatingin pa rin kay Yami.Wala na siyang ibang sinabi, wala siyang tanong kung bakit ko itinago ang anak namin, at hindi rin niya ako tiningnan matapos niyang sambitin iyon.Pero sa apat na salitang iyon, tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.Hindi ko maintindihan.Hindi ko alam kung bakit tila mas alam pa niya ang resulta ng pagsusuri kaysa sa akin, o kung bakit parang hindi siya nagulat sa sinabi ng doktor.At sa halip na makaramdam ng ginhawa, lalo akong kinabahan.Umatras ako nang bahagya, napahawak sa gilid ng examination bed habang pilit na iniiwas ang mukha ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya, kung dapat ba akong magpasalamat o magtanong kung bakit siya biglang sumulpot sa buhay namin.“Yara…”Napatigil ako nang marinig ang boses niya.Hindi ko agad siya nilingon.Muli akong napalunok, ngunit bago pa ako makapagsalita ay naramdaman ko ang paglapit niya. Sa susunod na sandali,
Terakhir Diperbarui : 2026-11-25 Baca selengkapnya