Hindi agad ako nakasagot. Sa halip, napatingin ako sa hallway kung saan dumaan si Carlos kanina.“Please wait here, Miss Montemayor. I’ll inform Sir Erwin that you’ve arrived.”Bahagyang tumaas ang isang kilay niya, pero hindi siya tumutol. Inilapag niya ang handbag sa bakanteng upuan at saka inayos ang manggas ng kaniyang suit.“Make sure he knows I came personally.”“Opo, Miss.”Nang makaalis ang staff, bumalik ang tingin niya sa akin.“You’re Yara, right? Victoria’s personal assistant?”“Caregiver po ako ni Ma’am Victoria. Tinutulungan ko rin po ang staff sa preparations para sa gala.”“Ah.”Isang maikling sagot lang iyon, pero sinundan niya ako ng tingin nang bumalik ako sa laptop. Hindi ko alam kung may gusto pa siyang sabihin, at wala rin naman akong balak na magbukas ng usapan.Kaya ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko.Ilang minuto lang ang lumipas bago bumalik si Carlos. Kasunod niya si Sir Erwin, na kababalik lamang mula sa master bedroom. Nasa kamay pa rin nito ang cellphone, a
Last Updated : 2026-10-25 Read more