“Opo, Ma’am,” tugon ko sa mahinang boses.Dahan-dahan kong inihakbang ang aking mga binti palapit sa kinaroroonan nina Ma'am Victoria at Sir Erwin.Mabilis na kumalas si Sir Erwin mula sa pagkakayakap sa kaniyang asawa.Tumayo siya nang buo, ang kaniyang dambuhalang katawan na nakabalot sa black heavy sweater ay tila mas lalong lumaki sa ilalim ng nag-aagaw na liwanag ng gabi. Hindi niya ako tinapunan ng tingin, habang ang kaniyang panga ay bahagyang gumalaw nang mabilis.“I’ll open the tent zipper, mahal,” pormal, mababa, at baritono niyang saad. Nauna siyang humakbang patungo sa malaking camping tent na itinayo ng security team malapit sa pampang ng lawa.Itinulak ko ang wheelchair ni Ma’am Victoria patungo sa bukana ng tent.Nang marating namin iyon, maingat naming inilipat si Victoria sa loob, kung saan nakalatag ang isang mamahaling air mattress, makakapal na unan, at mga comforter na magbibigay ng init sa kaniya.“Salamat, Yara,” mahinang bulong ni Victoria habang isinasandal ko
Last Updated : 2026-10-19 Read more