AMIRA POVNang lumapag ang mga gulong ng luxury sedan sa semento ng De La Rosa Estate, halos marinig ko ang sarili kong tibok ng puso. Masyadong mabilis. Masyadong malakas.Tumingin ako sa bintana. Ang mansyon ay hindi lang basta bahay—para itong kastilyong gawa sa maitim na bato at salamin, napapalibutan ng mataas na gate at mga guard na may dalang matataas na kalibre ng baril. Dito nakatira ang mga taong humahawak sa kalahati ng ekonomiya at art market ng bansa. At ngayon, papasok ako sa lair nila bitbit ang isang kasinungalingan.Sa kandungan ko, hawak ko nang mahigpit ang leather envelope na naglalaman ng mga pekeng dokumento: isang marriage certificate, personal letters, at affidavits na nagpapatunay na ako si Amira Solana-De La Rosa—ang lihim na asawa ng pumanaw na si Xander De La Rosa.Bumukas ang pinto ng kotse at inabot sa akin ng art broker—si Mr. Reyes—ang isang pares ng black designer sunglasses at isang manipis na black veil headband."Alalahanin mo ang usapan natin, Ms.
Last Updated : 2026-10-09 Read more