Evangeline POVHINDI KO na alam kung saan pa ako kukuha ng pera. Ilang beses ko nang binuksan at isinara ang wallet ko, umaasang baka sakaling may perang sumulpot sa loob niyon. Pero sa bawat pagkakataong tinitingnan ko ang laman nito, iisa lang ang nakikita ko—ang katotohanang unti-unti nang nauubos ang lahat ng pinaghirapan ko.Hindi naging sapat ang ipon ko, hindi rin sapat ang sahod ko. At sa dami ng gastusing kailangang bayaran para sa pagpapagamot ni Nickolai, pakiramdam ko ay wala nang katapusan ang mga problemang dumarating sa buhay ko.Nakatitig ako sa resibo ng mga gamot na binili ko para sa kaniya. Katabi niyon ang listahan ng mga bayarin na kailangan ko pang asikasuhin.Hospital bills, mga gamot, therapy, pamasahe, at pagkain. Napapikit ako at marahang minasahe ang sentido ko.“Paano na tayo nito, baby?” bulong ko.Nasa kabilang bahagi ng silid si Nickolai, mahimbing na natutulog. Paminsan-minsan ay gumagalaw siya sa higaan, ngunit agad ding bumabalik sa pagkakahimbing.Ta
Last Updated : 2026-10-13 Read more