Teilen

CHAPTER 6

last update Veröffentlichungsdatum: 13.10.2026 20:19:02

Evangeline POV

PAGSAPIT ng tanghali, naupo ako sa isang maliit na waiting shed sa tapat ng isang gusali. Binilang ko ang perang natitira sa wallet ko. Iyon na lang ang hawak ko matapos bayaran ang pamasahe at bumili ng kaunting pagkain para kay Nickolai bago ako umalis.

May sapat pa para makauwi ako, pero hindi para sa lahat ng kailangan namin. Muli kong binuksan ang cellphone ko. May ilang hindi nasagot na tawag at mga mensaheng galing sa ospital tungkol sa natitirang bayarin. Nang makita ko ang halaga, kusa akong napahawak sa noo.

“Lord, please,” bulong ko. “Kahit isang trabaho lang. Kahit ano pong marangal na pagkakakitaan. Kailangan ko lang pong maitaguyod ang pangangailangan ng anak ko.”

Ilang segundo akong nanatiling nakayuko. Hanggang sa may pumasok na bagong mensahe sa isang job-search group na sinalihan ko.

URGENT HIRING — PERSONAL ASSISTANT. Competitive salary. Immediate start. Must be discreet, reliable, and available on short notice.

Napatitig ako sa screen. Walang gaanong detalye sa announcement. May email address lamang at numerong pwedeng tawagan para sa mga interesadong aplikante. Karaniwan, hindi ako agad magtitiwala sa ganitong uri ng posting. Pero dahil wala namang hinihinging bayad sa aplikasyon, nagpasya akong magpadala ng mensahe.

ME: Good afternoon. I'm interested in applying for the Personal Assistant position. May I know the qualifications and interview schedule?

Ilang minuto akong naghintay bago nagkaroon ng tugon.

RECRUITER: Please send your résumé and contact information. Shortlisted applicants will be contacted for an interview.

Agad kong binuksan ang files sa cellphone ko at hinanap ang kopya ng résumé na ilang buwan ko nang ginagamit sa paghahanap ng trabaho.

Hindi man kahanga-hanga ang laman nito, inilagay ko roon ang lahat ng karanasang maaari kong ipagmalaki—ang kakayahan kong mag-organisa ng mga dokumento, sumagot sa mga tawag, humawak ng iskedyul, at makipag-ugnayan sa iba't ibang tao.

Bago ko pindutin ang send, sandali akong nag-alinlangan.

Personal Assistant. Hindi ko alam kung anong klaseng tao ang magiging amo ko, kung gaano kabigat ang trabaho, o kung kakayanin ko ba ang mga responsibilidad na kaakibat nito.

Pero naisip ko si Nickolai. Kaya ipinadala ko ang résumé, at sa unang pagkakataon sa buong araw, nakaramdam ako ng kaunting pag-asa.

Halos maghapon akong naghintay ng tawag, pero wala akong natanggap na kumpirmasyon mula sa mga pinasahan ko. Kaya nang makabalik ako sa ospital, ang una kong ginawa ay puntahan si Nickolai.

“Mommy!” masayang tawag niya nang makita ako.

Ngumiti ako at nilapitan siya. “Hi, baby. Kumusta ka na?”

“Okay na po ako. Kailan po tayo uuwi?”

“Malapit na, baby. Kailangan lang nating sundin ang sinabi ng doktor, okay?” Hinalikan ko siya sa noo. “Did you behave?”

Tumawa siya nang mahina. “Yes, Mommy. Si Tita-Mom Cha nga po ang kulit. Lagi niya akong tinatanong kung masakit pa ang paa ko.”

“Eh, kailangan kong siguraduhin na hindi ka pasaway,” singit ni Charina. “Baka mamaya, bigla kang tumayo nang walang tumutulong sa iyo.”

“Hindi naman po ako tatayo,” depensa kaagad ni Nickolai.

Napailing ako habang marahang hinahaplos ang buhok niya. Kahit paano, nakatulong ang makita siyang nakangiti. Sandali kong nakalimutan ang mga bayarin at ang pagod na nararamdaman ko.

Napatingin naman ako kay Cha, na nakahalukipkip habang nakatitig sa akin.

“Saan ka na naman galing?” tanong niya.

Napakamot ako sa batok. “May inasikaso lang ako.”

“Evangeline.” Tumaas ang isang kilay niya. “Huwag mong sabihing may ginawa ka na namang hindi ko alam.”

“Wala naman! Naghanap lang ako ng trabaho.”

“Kung ganoon, bakit hindi mo man lang sinabi sa akin? Paano kung may nangyari sa iyo sa labas? Sino ang tatawagan ko?”

Napayuko ako. Alam kong nag-aalala lamang siya, pero hindi ko rin maiwasang mahiya dahil alam kong marami na akong ipinag-alala sa kaniya.

“Sorry na, Cha. Ayokong dagdagan pa ang iniisip mo. Alam kong marami ka na ring ginagawa para sa amin.”

Bumuntong-hininga siya at umiling. “Hindi naman sa ayaw kitang maghanap ng trabaho. Ang akin lang, huwag mong akuin lahat nang mag-isa. May anak kang kailangang alagaan, at hindi mo kailangang isugal ang sarili mo para lang makahanap agad ng pagkakakitaan.”

“Oo na. Pangako, magsasabi na ako sa susunod.”

“Talaga lang, ha?” Tinuro pa niya ako. “Dahil kapag nalaman kong kung anu-ano na naman ang ginawa mo nang hindi nagpapaalam, ako mismo ang magagalit sa iyo.”

Napangiti ako nang pilit. “Opo, ma'am.”

“Ang kulit mo talaga!”

Mahina akong natawa at niyakap siya. “Thank you, Cha.”

“Hay naku. Dito ka nga sa tabi ni Nickolai. Ako na muna ang bahala sa mga kailangan niya.”

Tumango ako at umupo sa tabi ng anak ko. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala si Cha sa tabi namin. Kahit madalas niya akong pagalitan, alam kong isa siya sa mga taong hindi ako basta-bastang pababayaan.

Ilang sandali pa kaming nagkuwentuhan ni Nickolai bago ako tumayo para bumili ng tubig sa labas ng kuwarto. Nagpaalam muna ako kay Cha at sinabing hindi ako magtatagal.

Kakasara ko pa lamang ng p***o nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko. Atomatikong kumunot ang noo ko nang matitigan ang pangalan ng tumatawag. Nanginig ang kamay ko nang mapatingin ako sa kinaroroonan nina Cha at Nickolai Si Mr. A, ang tumatawag.

Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen

Aktuellstes Kapitel

  • I’m Amadeus Woman   CHAPTER 6

    Evangeline POVPAGSAPIT ng tanghali, naupo ako sa isang maliit na waiting shed sa tapat ng isang gusali. Binilang ko ang perang natitira sa wallet ko. Iyon na lang ang hawak ko matapos bayaran ang pamasahe at bumili ng kaunting pagkain para kay Nickolai bago ako umalis.May sapat pa para makauwi ako, pero hindi para sa lahat ng kailangan namin. Muli kong binuksan ang cellphone ko. May ilang hindi nasagot na tawag at mga mensaheng galing sa ospital tungkol sa natitirang bayarin. Nang makita ko ang halaga, kusa akong napahawak sa noo.“Lord, please,” bulong ko. “Kahit isang trabaho lang. Kahit ano pong marangal na pagkakakitaan. Kailangan ko lang pong maitaguyod ang pangangailangan ng anak ko.”Ilang segundo akong nanatiling nakayuko. Hanggang sa may pumasok na bagong mensahe sa isang job-search group na sinalihan ko.URGENT HIRING — PERSONAL ASSISTANT. Competitive salary. Immediate start. Must be discreet, reliable, and available on short notice.Napatitig ako sa screen. Walang gaanong

  • I’m Amadeus Woman   CHAPTER 5

    Evangeline POVONE WEEK has passed. Hindi pala katapusan ng problema ko kahit na matagumpay operasyon ni Nickolai. Kahit nakapagbigay na ako ng down payment sa ospital, napakalayo pa rin ng halagang kailangan kong bayaran para tuluyang matapos ang lahat. May natitira pang hospital bills, mga gamot na hindi pwedeng ipagpaliban, at therapy na kailangan niyang pagdaanan para maibalik ang lakas ng kanyang paa.Dahil sa bali ng buto nito, nahihirapan na siyang maglakad. Sa murang edad niya, kailangan na niyang matutong umasa sa saklay at magtiis sa sakit sa tuwing sinusubukan niyang igalaw ang kanyang paa.At sa tuwing nakikita ko siyang pilit na ngumingiti para lang hindi ako mag-alala, mas lalo akong nasasaktan.“Mommy, huwag ka nang umiyak,” mahina niyang sabi habang nakahiga sa kama. “Gagaling naman ako, 'di ba?”Pinilit kong ngumiti at inayos ang kumot na nakabalot sa kaniyang katawan. “Oo naman, baby. Gagaling ka, at gagawin ni Mommy ang lahat para gumaling ka.”Naikagat ko ang ibaba

  • I’m Amadeus Woman   CHAPTER 4

    Evangeline POVHINDI KO na alam kung saan pa ako kukuha ng pera. Ilang beses ko nang binuksan at isinara ang wallet ko, umaasang baka sakaling may perang sumulpot sa loob niyon. Pero sa bawat pagkakataong tinitingnan ko ang laman nito, iisa lang ang nakikita ko—ang katotohanang unti-unti nang nauubos ang lahat ng pinaghirapan ko.Hindi naging sapat ang ipon ko, hindi rin sapat ang sahod ko. At sa dami ng gastusing kailangang bayaran para sa pagpapagamot ni Nickolai, pakiramdam ko ay wala nang katapusan ang mga problemang dumarating sa buhay ko.Nakatitig ako sa resibo ng mga gamot na binili ko para sa kaniya. Katabi niyon ang listahan ng mga bayarin na kailangan ko pang asikasuhin.Hospital bills, mga gamot, therapy, pamasahe, at pagkain. Napapikit ako at marahang minasahe ang sentido ko.“Paano na tayo nito, baby?” bulong ko.Nasa kabilang bahagi ng silid si Nickolai, mahimbing na natutulog. Paminsan-minsan ay gumagalaw siya sa higaan, ngunit agad ding bumabalik sa pagkakahimbing.Ta

  • I’m Amadeus Woman   CHAPTER 3

    Evangeline POVHINDI ko mabilang kung ilang beses akong pinagsampal-sampal ni mommy matapos niyang mabalitaan ang pagdadalang-tao ko. Graduating pa lang ako sa college sa sandaling ito. Three months ang lumipas noong lokohin ako ni Dylan at Bettani. At three months din noong nakipag-one-night-stand ako sa lalaking hindi ko naman kilala. “Mom, I-I’m sorry. H’wag n’yo na po akong saktan. H’wag n’yo pong idamay ang anak ko.” Nakaluhod kong pagmamakaawa kay mommy pero muli ko naman naramdaman ang palad niya. “Sorry? Sa tingin mo… kaya ba ng sorry ang kahihiyang dala mo! You’re a disgrace in this family Evangeline. Kapag nalaman ito ng daddy mo, hindi lang mana ang mawala sayo kundi pati ‘yang batang nasa sinapupunan mo.” Umiling ako, nalasahan ko man ang dugo sa labi ko pero hindi pa rin ako kinawaan ni mommy. “Mom. Please… walang kinalaman ang anak ko sa pagkakamali ko.”“Napakalandi mo kasi! Napakalandi mong babae ka. Sabihin mo… si Dylan ba ang nakapabuntis sayo! Ang bastardo ba

  • I’m Amadeus Woman   CHAPTER 2 

    Adam POVPAKAGISING ko kinabukasan, wala na si Charina sa tabi ko pero kaagad akong natigilan sa pagkakatandang birhen ang nakasiping ko kagabi. Imposible talaga na si Charina ‘yun. At mas lalo akong natigilan pagbangon ko nang makita ang mantsa ng dugo na naiwan sa higaan. “F*ck! Sino ang babaeng ‘yun? Bakit siya umalis nang hindi nagpaalam muna.”Lumunok ako, ang dugong ‘to ay patunay na birhen ‘yung babae kagabi. Paglingon ko sa sahig, wala ng damit na naiwan ang babae maliban na lang sa pants at boxer shorts ko.Napatingin ako sa nakasarang pinto, mula sa labas, narinig ko ang pagsisigaw ni Charina habang kumakatok ito.“Adam! Buksan mo ‘tong pinto!”Hindi ako nakaimik. Ginulo ko na lang ang buhok ko, bumaba ako ng higaan, at tumungo sa banyo para mag-shower nang mabilis. Hindi pwedeng malaman ni Charina na maliban sa kaniya, may ibang babae akong ginalaw.“F*cking insane!” nasuklay ko ang buhok gamit ang daliri ko dahil bumalik sa alaala ko ang nangyari kagabi.I sigh. Tanging p

  • I’m Amadeus Woman   CHAPTER 1

    Evangeline POVSa isang kilalang restaurant, naisip kong i-surprise si Dylan. Kanina bago ako pumunta rito, sinabi kong magkikita kami dahil may ire-regalo ako sa kaniya. Handa na rin akong ibigay sa kaniya ang matagal na niyang hinihingi.Pero dalawang oras na ang lumipas, wala pa rin si Dylan.“Jeez. Dylan, nasaan ka na ba?” Pabalik-balik akong naglakad malapit sa pinto bago ako huminga nang malalim. “Relax, self. Baka na-traffic lang siya.” Pinilit kong ngumiti. “Faithful sa’yo si Dylan. Tandaan mo, ikaw lang ang babaeng pinangakuan niyang pakakasalan.”Kahit kinukumbinsi ko ang sarili ko, may kakaibang kaba nang nagsisimulang gumapang sa dibdib ko. Lumabas ako para hintayin siya. Ilang beses ko na rin siyang tinawagan, pero patuloy lamang na tumutunog ang cellphone niya at ayaw niyang sagutin.Hanggang sa bigla kong namataan ang pamilyar na pigura mula sa hindi kalayuan. Si Dylan. May bitbit siyang isang kumpol ng mga pulang rosas kaya napangiti pa ako. Tatawagin ko na sana siya u

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status