Teilen

CHAPTER 4

last update Veröffentlichungsdatum: 13.10.2026 20:10:23

Evangeline POV

HINDI KO na alam kung saan pa ako kukuha ng pera. Ilang beses ko nang binuksan at isinara ang wallet ko, umaasang baka sakaling may perang sumulpot sa loob niyon. Pero sa bawat pagkakataong tinitingnan ko ang laman nito, iisa lang ang nakikita ko—ang katotohanang unti-unti nang nauubos ang lahat ng pinaghirapan ko.

Hindi naging sapat ang ipon ko, hindi rin sapat ang sahod ko. At sa dami ng gastusing kailangang bayaran para sa pagpapagamot ni Nickolai, pakiramdam ko ay wala nang katapusan ang mga problemang dumarating sa buhay ko.

Nakatitig ako sa resibo ng mga gamot na binili ko para sa kaniya. Katabi niyon ang listahan ng mga bayarin na kailangan ko pang asikasuhin.

Hospital bills, mga gamot, therapy, pamasahe, at pagkain. Napapikit ako at marahang minasahe ang sentido ko.

“Paano na tayo nito, baby?” bulong ko.

Nasa kabilang bahagi ng silid si Nickolai, mahimbing na natutulog. Paminsan-minsan ay gumagalaw siya sa higaan, ngunit agad ding bumabalik sa pagkakahimbing.

Tatlong araw na ang nakalipas mula nang operahan siya, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako mapalagay. Sa tuwing naiisip kong kailangan pa niyang sumailalim sa therapy para makalakad nang maayos, para akong dinadaganan ng napakabigat na bato.

Gusto kong ibigay sa kaniya ang lahat ng kailangan niya, gusto kong hindi niya maranasan ang kahirapan. Pero paano ko iyon magagawa kung ako mismo ay wala nang maibigay?

Huminga ako nang malalim. Kinuha ko ang cellphone ko at muling nagbukas ng job-search application. Ilang araw na akong naghahanap ng dagdag na pagkakakitaan, pero karamihan sa mga trabahong nakikita ko ay nangangailangan ng oras na hindi ko kayang ibigay.  

“Please,” bulong ko habang nag-i-scroll. “Kahit ano na lang. Kailangan ko lang ng paraan.”

Patuloy akong naghanap hanggang sa mapunta ako sa isang online platform na hindi ko pa kailanman nakikita.

Sa unang tingin, ordinaryong website lamang iyon na nag-aalok ng bayad kapalit ng exclusive content. Ngunit nang basahin ko ang mga detalye, unti-unting nagbago ang ekspresyon ko.

Malalaki ang halagang nakalagay sa mga advertisement.

Earn up to hundreds of thousands.

Get paid for exclusive photos and private content.

Your content. Your price.

Napatitig ako sa screen. “Hundreds of thousands?” Muli kong binasa ang nakasulat, umaasang mali lamang ang pagkaintindi ko.

Hindi ko alam kung dapat ba akong matawa o matakot. Sa dami ng trabahong pinasahan ko, ni isang kumpanyang nag-alok sa akin ng ganoong kalaking halaga ay wala akong natanggap.

Pero naroon iyon sa harap ko. Isang pagkakataong magbigay sa akin ng perang kailangan ko. At kapalit? Mga larawang hindi ko kailanman naisip na ibebenta ko.

Agad kong pinatay ang screen ng cellphone ko.

“No. Hindi ko kaya.” Napailing ako at napasandal sa upuan.

Hindi ganoon kadali ang iniisip ko. Hindi ako sanay na magpakita ng ganoong bahagi ng sarili ko sa ibang tao, lalo na sa mga estrangherong hindi ko kailanman makilala.

Jeez. Paano kung may makakilala sa akin? Paano kung kumalat ang mga larawan ko? Paano kung makarating iyon sa mga taong malapit sa akin?

Napahawak ako sa noo. Pero sa likod ng lahat ng pag-aalinlangan ko, may isang tanong na paulit-ulit na bumabagabag sa isip ko.

Kung hindi ko ito gagawin, saan ako kukuha ng pera para kay Nickolai?

Nang tumingin ako sa direksiyon ng anak ko, nakita kong bahagya siyang gumalaw sa kaniyang pagtulog. Agad akong tumayo at lumapit sa kaniya para ayusin ang kumot na dumulas mula sa kaniyang katawan.

Hinaplos ko ang kaniyang buhok. “I'm sorry, baby,” bulong ko. “Hindi dapat ganito kahirap ang buhay mo.”

Nang makabalik ako sa upuan, muli kong binuksan ang cellphone ko. At sa unang pagkakataon, hindi ko na agad isinara ang website.

Ilang minuto akong nakatitig sa registration page. May bahagi sa akin na gustong tumigil habang may pagkakataon pa. Ngunit may isa ring bahagi na nagsasabing baka ito na ang sagot sa problemang ilang araw ko nang hindi malutas.

Hindi ko alam kung ilang beses akong nagbago ng isip bago ko tuluyang ginawa ang account.

Gumamit ako ng ibang pangalan. Hindi ko inilagay ang mga detalyeng madaling makapagpakilala sa akin. At matapos kong basahin ang mga terms ng platform, nagpasya akong mag-upload ng isang maikling sexy clip na maingat kong ginawa nang hindi ipinapakita ang mga palatandaang maglantad sa aking pagkatao.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko pagkatapos. Ang alam ko lamang, nang pindutin ko ang upload button, para bang may bahagi sa akin na tuluyang tumawid sa isang hangganang matagal kong pinangangalagaan.

“What have I done?” Nanginginig ang mga daliri ko habang hinihintay na matapos ang pag-upload.

Pagkaraan ng ilang sandali, lumitaw ang kumpirmasyon sa screen.

YOUR CONTENT IS NOW LIVE.

Napahinga ako nang malalim. Ibinaba ko ang cellphone ko at ilang sandaling ipinikit ang mga mata. Pakiramdam ko ay kailangan kong huminga nang paulit-ulit para lamang pakalmahin ang sarili ko.

Wala pang isang oras ang lumipas nang mag-vibrate ang cellphone ko. May bagong notification doon, at isang mensahe mula sa isang user na nagngangalang Mr. A.

Interested in your content.

Napatitig ako sa pangalan. Mabilis ang tibok ng puso ko nang buksan ko ang mensahe niya.

Mister A: How much for an exclusive photo?

Napakurap ako. Hindi ko inaasahang may magkakainteres agad, lalo na't halos kakasimula ko pa lamang. Ilang segundo akong nag-isip bago nag-type ng sagot.

ME: It depends on the kind of photo you're looking for.

Ilang sandali akong naghintay. Nang dumating ang tugon niya, halos malaglag ang cellphone ko sa pagkakahawak.

Mister A: Fifty thousand pesos.

“Limampung libo para lamang sa isang larawan?” Napahawak ako sa bibig ko. “Fifty thousand, seryoso ba siya?” mahina kong sambit.

Hindi ko mapaniwalaan ang nakikita ko. Limampung libong piso—halagang pwede nang ipambayad sa malaking gastusin ni Nickolai.

Ngunit nang sumunod na mensahe ang lumitaw, biglang bumalik ang kaba sa dibdib ko.

Mister A: One exclusive photo. I want something sensual. A photo of you holding your breasts. Fifty thousand. Non-negotiable.

Napalunok ako at muli kong binasa ang mensahe. Napakadaling sabihin ng mga salitang iyon kapag nasa screen lamang. Pero ibang usapan na kapag naiisip kong ako mismo ang kailangang gumawa nito.

Napatingin ako sa salamin sa tapat ng mesa. Ilang taon ko nang hindi hinahayaang maging sentro ng atensiyon ng ibang tao ang katawan ko. Matagal ko nang itinuon ang buhay ko sa pagtatrabaho at sa pagpapalaki kay Nickolai. Wala akong panahon para sa mga bagay na dati kong pinahahalagahan tungkol sa sarili ko.

At ngayon, isang estranghero ang nag-aalok sa akin ng halagang hindi ko basta-bastang matanggihan.

Mister A: Are you interested?

Muli kong ibinaling ang tingin sa screen at nakapagdesisyon na ako.

ME: Can you send the payment first?

Hindi nagtagal kaagad niyang pinadala ang sagot.

Mister A: Half in advance. The rest after I receive the agreed photo.

Nang makita kong may ipinadala siyang kumpirmasyon ng paunang bayad sa pamamagitan ng platform, hindi ko napigilang mapahawak sa dibdib ko.

Totoo. May taong handang magbayad, at hindi maliit na halaga ang pinag-uusapan. Pero kasabay ng pag-asang sumibol sa akin ay ang bigat ng desisyong kailangan kong gawin.

Hindi ko kailangang gawin ito. Pwede naman sana akong tumanggi, pwede kong isara ang website at magpatuloy sa paghahanap ng ibang trabaho. Ngunit alam ko ring maaaring hindi agad dumating ang perang kailangan ko.

At sa unang pagkakataon, pinili kong gawin ang isang bagay na hindi ko kailanman inakalang magagawa ko.

Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen

Aktuellstes Kapitel

  • I’m Amadeus Woman   CHAPTER 6

    Evangeline POVPAGSAPIT ng tanghali, naupo ako sa isang maliit na waiting shed sa tapat ng isang gusali. Binilang ko ang perang natitira sa wallet ko. Iyon na lang ang hawak ko matapos bayaran ang pamasahe at bumili ng kaunting pagkain para kay Nickolai bago ako umalis.May sapat pa para makauwi ako, pero hindi para sa lahat ng kailangan namin. Muli kong binuksan ang cellphone ko. May ilang hindi nasagot na tawag at mga mensaheng galing sa ospital tungkol sa natitirang bayarin. Nang makita ko ang halaga, kusa akong napahawak sa noo.“Lord, please,” bulong ko. “Kahit isang trabaho lang. Kahit ano pong marangal na pagkakakitaan. Kailangan ko lang pong maitaguyod ang pangangailangan ng anak ko.”Ilang segundo akong nanatiling nakayuko. Hanggang sa may pumasok na bagong mensahe sa isang job-search group na sinalihan ko.URGENT HIRING — PERSONAL ASSISTANT. Competitive salary. Immediate start. Must be discreet, reliable, and available on short notice.Napatitig ako sa screen. Walang gaanong

  • I’m Amadeus Woman   CHAPTER 5

    Evangeline POVONE WEEK has passed. Hindi pala katapusan ng problema ko kahit na matagumpay operasyon ni Nickolai. Kahit nakapagbigay na ako ng down payment sa ospital, napakalayo pa rin ng halagang kailangan kong bayaran para tuluyang matapos ang lahat. May natitira pang hospital bills, mga gamot na hindi pwedeng ipagpaliban, at therapy na kailangan niyang pagdaanan para maibalik ang lakas ng kanyang paa.Dahil sa bali ng buto nito, nahihirapan na siyang maglakad. Sa murang edad niya, kailangan na niyang matutong umasa sa saklay at magtiis sa sakit sa tuwing sinusubukan niyang igalaw ang kanyang paa.At sa tuwing nakikita ko siyang pilit na ngumingiti para lang hindi ako mag-alala, mas lalo akong nasasaktan.“Mommy, huwag ka nang umiyak,” mahina niyang sabi habang nakahiga sa kama. “Gagaling naman ako, 'di ba?”Pinilit kong ngumiti at inayos ang kumot na nakabalot sa kaniyang katawan. “Oo naman, baby. Gagaling ka, at gagawin ni Mommy ang lahat para gumaling ka.”Naikagat ko ang ibaba

  • I’m Amadeus Woman   CHAPTER 4

    Evangeline POVHINDI KO na alam kung saan pa ako kukuha ng pera. Ilang beses ko nang binuksan at isinara ang wallet ko, umaasang baka sakaling may perang sumulpot sa loob niyon. Pero sa bawat pagkakataong tinitingnan ko ang laman nito, iisa lang ang nakikita ko—ang katotohanang unti-unti nang nauubos ang lahat ng pinaghirapan ko.Hindi naging sapat ang ipon ko, hindi rin sapat ang sahod ko. At sa dami ng gastusing kailangang bayaran para sa pagpapagamot ni Nickolai, pakiramdam ko ay wala nang katapusan ang mga problemang dumarating sa buhay ko.Nakatitig ako sa resibo ng mga gamot na binili ko para sa kaniya. Katabi niyon ang listahan ng mga bayarin na kailangan ko pang asikasuhin.Hospital bills, mga gamot, therapy, pamasahe, at pagkain. Napapikit ako at marahang minasahe ang sentido ko.“Paano na tayo nito, baby?” bulong ko.Nasa kabilang bahagi ng silid si Nickolai, mahimbing na natutulog. Paminsan-minsan ay gumagalaw siya sa higaan, ngunit agad ding bumabalik sa pagkakahimbing.Ta

  • I’m Amadeus Woman   CHAPTER 3

    Evangeline POVHINDI ko mabilang kung ilang beses akong pinagsampal-sampal ni mommy matapos niyang mabalitaan ang pagdadalang-tao ko. Graduating pa lang ako sa college sa sandaling ito. Three months ang lumipas noong lokohin ako ni Dylan at Bettani. At three months din noong nakipag-one-night-stand ako sa lalaking hindi ko naman kilala. “Mom, I-I’m sorry. H’wag n’yo na po akong saktan. H’wag n’yo pong idamay ang anak ko.” Nakaluhod kong pagmamakaawa kay mommy pero muli ko naman naramdaman ang palad niya. “Sorry? Sa tingin mo… kaya ba ng sorry ang kahihiyang dala mo! You’re a disgrace in this family Evangeline. Kapag nalaman ito ng daddy mo, hindi lang mana ang mawala sayo kundi pati ‘yang batang nasa sinapupunan mo.” Umiling ako, nalasahan ko man ang dugo sa labi ko pero hindi pa rin ako kinawaan ni mommy. “Mom. Please… walang kinalaman ang anak ko sa pagkakamali ko.”“Napakalandi mo kasi! Napakalandi mong babae ka. Sabihin mo… si Dylan ba ang nakapabuntis sayo! Ang bastardo ba

  • I’m Amadeus Woman   CHAPTER 2 

    Adam POVPAKAGISING ko kinabukasan, wala na si Charina sa tabi ko pero kaagad akong natigilan sa pagkakatandang birhen ang nakasiping ko kagabi. Imposible talaga na si Charina ‘yun. At mas lalo akong natigilan pagbangon ko nang makita ang mantsa ng dugo na naiwan sa higaan. “F*ck! Sino ang babaeng ‘yun? Bakit siya umalis nang hindi nagpaalam muna.”Lumunok ako, ang dugong ‘to ay patunay na birhen ‘yung babae kagabi. Paglingon ko sa sahig, wala ng damit na naiwan ang babae maliban na lang sa pants at boxer shorts ko.Napatingin ako sa nakasarang pinto, mula sa labas, narinig ko ang pagsisigaw ni Charina habang kumakatok ito.“Adam! Buksan mo ‘tong pinto!”Hindi ako nakaimik. Ginulo ko na lang ang buhok ko, bumaba ako ng higaan, at tumungo sa banyo para mag-shower nang mabilis. Hindi pwedeng malaman ni Charina na maliban sa kaniya, may ibang babae akong ginalaw.“F*cking insane!” nasuklay ko ang buhok gamit ang daliri ko dahil bumalik sa alaala ko ang nangyari kagabi.I sigh. Tanging p

  • I’m Amadeus Woman   CHAPTER 1

    Evangeline POVSa isang kilalang restaurant, naisip kong i-surprise si Dylan. Kanina bago ako pumunta rito, sinabi kong magkikita kami dahil may ire-regalo ako sa kaniya. Handa na rin akong ibigay sa kaniya ang matagal na niyang hinihingi.Pero dalawang oras na ang lumipas, wala pa rin si Dylan.“Jeez. Dylan, nasaan ka na ba?” Pabalik-balik akong naglakad malapit sa pinto bago ako huminga nang malalim. “Relax, self. Baka na-traffic lang siya.” Pinilit kong ngumiti. “Faithful sa’yo si Dylan. Tandaan mo, ikaw lang ang babaeng pinangakuan niyang pakakasalan.”Kahit kinukumbinsi ko ang sarili ko, may kakaibang kaba nang nagsisimulang gumapang sa dibdib ko. Lumabas ako para hintayin siya. Ilang beses ko na rin siyang tinawagan, pero patuloy lamang na tumutunog ang cellphone niya at ayaw niyang sagutin.Hanggang sa bigla kong namataan ang pamilyar na pigura mula sa hindi kalayuan. Si Dylan. May bitbit siyang isang kumpol ng mga pulang rosas kaya napangiti pa ako. Tatawagin ko na sana siya u

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status