Share

CHAPTER 5

Author: Crimson Cross
last update publish date: 2026-10-13 20:14:36

Evangeline POV

ONE WEEK has passed. Hindi pala katapusan ng problema ko kahit na matagumpay operasyon ni Nickolai. Kahit nakapagbigay na ako ng down payment sa ospital, napakalayo pa rin ng halagang kailangan kong bayaran para tuluyang matapos ang lahat. May natitira pang hospital bills, mga gamot na hindi pwedeng ipagpaliban, at therapy na kailangan niyang pagdaanan para maibalik ang lakas ng kanyang paa.

Dahil sa bali ng buto nito, nahihirapan na siyang maglakad. Sa murang edad niya, kailangan na niyang matutong umasa sa saklay at magtiis sa sakit sa tuwing sinusubukan niyang igalaw ang kanyang paa.

At sa tuwing nakikita ko siyang pilit na ngumingiti para lang hindi ako mag-alala, mas lalo akong nasasaktan.

“Mommy, huwag ka nang umiyak,” mahina niyang sabi habang nakahiga sa kama. “Gagaling naman ako, 'di ba?”

Pinilit kong ngumiti at inayos ang kumot na nakabalot sa kaniyang katawan. “Oo naman, baby. Gagaling ka, at gagawin ni Mommy ang lahat para gumaling ka.”

Naikagat ko ang ibabang labi ko Pero paano? Paano ko magagawa  kung halos wala na akong maibigay?

“Sorry mommy, dahil sa akin… kaya ka napupuyat. Sorry po kung pinag-alala kita.”

Kaagad na ngumilid ang luha ko, at mabilis siyang niyakap. “No, baby. Please, h’wag mong iisipin ‘yan. Hindi kita sinisi sa nangyari, at kahit anong mangyari… nandito lang ako para samahan ka, at aalagaan.” Sinuklayan ko ang buhok niya at marahan iyong hinahaplos. “Mommy will do her best, at iiwan muna kita dahil kailangan kong maghanap ng pera. Si, Tita-Mom Cha, mo ang makakasama mo ngayon, babalik din ako pagkatapos ng trabaho.” bilin ko dahilan na ikinatango niya.    

Pagkatapos kong magpaalam kay Nickolai, hinalikan ko muna ang noo niya bago tuluyang lumabas ng silid. Ilang beses pa akong lumingon sa kaniya, pilit na itinatago ang bigat na nararamdaman ko.

Hindi ko kayang ipakitang natatakot ako. Dahil kung may isang bagay na kailangan ni Nickolai ngayon, iyon ay ang paniniwalang magiging maayos din ang lahat.

Paglabas ko, nadatnan ko si Charina na abala sa pag-aayos ng mga gamit na dinala namin para sa anak ko.

“Cha, aalis na ako. Pwede mo munang bantayan si Nickolai? Baka may kailangan siya habang wala ako.”

Agad siyang lumapit sa akin. “Of course naman, Evangeline. Huwag kang mag-alala, ako na ang bahala sa kanya. Pero sigurado ka bang papasok ka na agad sa trabaho? One week pa lang mula nang maoperahan siya.”

Napabuntong-hininga ako habang inaayos ang strap ng bag ko.

“Wala akong choice, Cha. Hindi naman kusang mababawasan ang bills namin kapag nanatili lang ako rito. Kailangan ko nang kumilos bago pa lumaki ang utang ko sa ospital.”

Kumunot ang noo niya. “Kung pera ang problema, pwede naman akong tumulong sa abot ng makakaya ko.”

Umiling ako at pilit na ngumiti. “Maraming salamat, pero ayokong lagi na lang umaasa sa iyo. Sobra-sobra na ang tulong mo sa amin.”

“Evangeline—”

“Please, Cha. Hayaan mo muna akong subukan.”

Hindi na siya nakipagtalo. Sa halip, mahigpit niya akong niyakap bago ako tuluyang umalis.

“Mag-ingat ka. At huwag mong kakalimutang kumain. Hindi makatutulong kay Nickolai kung pati ikaw ay magkasakit.”

Tumango ako. Pero sa totoo lang, hindi ko na alam kung kailan ang huling pagkakataong kumain ako nang hindi iniisip kung may matitira pa ba akong pera para sa susunod na araw.

Pagdating ko sa labas ng ospital, agad kong inilabas ang cellphone ko at binuksan ang job-search application na ilang araw ko nang ginagamit. Halos maubos na ang baterya ng cellphone ko, pero hindi ko iyon pinansin. Mas mahalaga ang makahanap ng pagkakakitaan kaysa mag-alala sa mga bagay na maaari ko namang ayusin mamaya.

Urgently hiring.

Office staff needed.

Part-time service crew.

Online assistant.

Isa-isa kong binuksan ang mga announcement. May mga trabahong nangangailangan ng experience na wala naman ako. May mga trabahong kailangang maghintay ng ilang linggo bago makapag-umpisa. Ang iba naman ay nangangailangan ng bayad para sa training o processing.

Napangiwi ako nang makita ang isang announcement nangangakong malaki raw ang kikitain sa loob lamang ng ilang araw kapalit ng registration f*e.

Hindi ako ganoon kadaling magtiwala. Sa sitwasyon ko ngayon, hindi ko kayang isugal kahit ang natitirang pera sa bulsa ko. Kaya nagpatuloy ako sa paghahanap hanggang sa may makita akong hiring para sa isang maliit na café malapit sa sentro ng lungsod.

Agad kong tinawagan ang numerong nakalagay sa announcement.

“Hello po! Good morning. Tumatawag po ako tungkol sa hiring ninyo for service crew. Tumatanggap pa po ba kayo ng applicants?”

“May experience ka na ba sa food service?” tanong ng babaeng sumagot.

“Wala pa po akong direct experience, pero willing po akong matuto. Marunong naman po akong makisama sa customers, at mabilis din po akong matuto.”

“May interview kami bukas ng alas-diyes ng umaga. Dalhin mo ang résumé mo.”

Napapikit ako sa ginhawang biglang bumalot sa akin.

“Talaga po? Sige po! Maraming salamat. Pupunta po ako.”

Pagkababa ko ng tawag, agad kong isinulat ang oras at address ng café.

Isa na. Kahit isa lang muna, mayroon na akong pwedeng subukan.

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang nagbabakasakaling makahanap pa ng ibang oportunidad. Sa bawat establisimyentong may nakapaskil na NOW HIRING, hindi ako nagdalawang-isip na pumasok at magtanong.

Sa isang convenience store, pinasagutan ako ng application form pero sinabihang tatawagan na lamang kapag napili.

Sa isang maliit na boutique, sinabi ng manager na kailangan nila ng empleyadong may karanasan sa sales.

Sa isang restaurant naman, tinanong ako kung kaya kong magtrabaho sa gabi.

“May anak po akong nagpapagaling sa ospital,” maingat kong sagot. “Kaya ko naman pong mag-overtime kung kinakailangan, pero kailangan ko rin pong makasigurong may magbabantay sa kaniya.”

Bahagyang nagbago ang ekspresyon ng interviewer.

“I'm sorry, but we need someone with a more flexible schedule.”

Napayuko ako. “Okay po. Thank you for your time.”

Muli akong lumabas. Hindi ko alam kung ilang beses akong ngumiti at nagpasalamat sa araw na iyon kahit ang totoo, gusto ko na lang umupo sa gilid ng kalsada at umiyak. Nakakapagod palang paulit-ulit na magpakilala, magpaliwanag, at magmakaawa para lamang mabigyan ng pagkakataong kumita.

Pero hindi ako pwedeng sumuko. Hindi pa. Hindi hangga't naghihintay sa akin si Nickolai.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I’m Amadeus Woman   CHAPTER 6

    Evangeline POVPAGSAPIT ng tanghali, naupo ako sa isang maliit na waiting shed sa tapat ng isang gusali. Binilang ko ang perang natitira sa wallet ko. Iyon na lang ang hawak ko matapos bayaran ang pamasahe at bumili ng kaunting pagkain para kay Nickolai bago ako umalis.May sapat pa para makauwi ako, pero hindi para sa lahat ng kailangan namin. Muli kong binuksan ang cellphone ko. May ilang hindi nasagot na tawag at mga mensaheng galing sa ospital tungkol sa natitirang bayarin. Nang makita ko ang halaga, kusa akong napahawak sa noo.“Lord, please,” bulong ko. “Kahit isang trabaho lang. Kahit ano pong marangal na pagkakakitaan. Kailangan ko lang pong maitaguyod ang pangangailangan ng anak ko.”Ilang segundo akong nanatiling nakayuko. Hanggang sa may pumasok na bagong mensahe sa isang job-search group na sinalihan ko.URGENT HIRING — PERSONAL ASSISTANT. Competitive salary. Immediate start. Must be discreet, reliable, and available on short notice.Napatitig ako sa screen. Walang gaanong

  • I’m Amadeus Woman   CHAPTER 5

    Evangeline POVONE WEEK has passed. Hindi pala katapusan ng problema ko kahit na matagumpay operasyon ni Nickolai. Kahit nakapagbigay na ako ng down payment sa ospital, napakalayo pa rin ng halagang kailangan kong bayaran para tuluyang matapos ang lahat. May natitira pang hospital bills, mga gamot na hindi pwedeng ipagpaliban, at therapy na kailangan niyang pagdaanan para maibalik ang lakas ng kanyang paa.Dahil sa bali ng buto nito, nahihirapan na siyang maglakad. Sa murang edad niya, kailangan na niyang matutong umasa sa saklay at magtiis sa sakit sa tuwing sinusubukan niyang igalaw ang kanyang paa.At sa tuwing nakikita ko siyang pilit na ngumingiti para lang hindi ako mag-alala, mas lalo akong nasasaktan.“Mommy, huwag ka nang umiyak,” mahina niyang sabi habang nakahiga sa kama. “Gagaling naman ako, 'di ba?”Pinilit kong ngumiti at inayos ang kumot na nakabalot sa kaniyang katawan. “Oo naman, baby. Gagaling ka, at gagawin ni Mommy ang lahat para gumaling ka.”Naikagat ko ang ibaba

  • I’m Amadeus Woman   CHAPTER 4

    Evangeline POVHINDI KO na alam kung saan pa ako kukuha ng pera. Ilang beses ko nang binuksan at isinara ang wallet ko, umaasang baka sakaling may perang sumulpot sa loob niyon. Pero sa bawat pagkakataong tinitingnan ko ang laman nito, iisa lang ang nakikita ko—ang katotohanang unti-unti nang nauubos ang lahat ng pinaghirapan ko.Hindi naging sapat ang ipon ko, hindi rin sapat ang sahod ko. At sa dami ng gastusing kailangang bayaran para sa pagpapagamot ni Nickolai, pakiramdam ko ay wala nang katapusan ang mga problemang dumarating sa buhay ko.Nakatitig ako sa resibo ng mga gamot na binili ko para sa kaniya. Katabi niyon ang listahan ng mga bayarin na kailangan ko pang asikasuhin.Hospital bills, mga gamot, therapy, pamasahe, at pagkain. Napapikit ako at marahang minasahe ang sentido ko.“Paano na tayo nito, baby?” bulong ko.Nasa kabilang bahagi ng silid si Nickolai, mahimbing na natutulog. Paminsan-minsan ay gumagalaw siya sa higaan, ngunit agad ding bumabalik sa pagkakahimbing.Ta

  • I’m Amadeus Woman   CHAPTER 3

    Evangeline POVHINDI ko mabilang kung ilang beses akong pinagsampal-sampal ni mommy matapos niyang mabalitaan ang pagdadalang-tao ko. Graduating pa lang ako sa college sa sandaling ito. Three months ang lumipas noong lokohin ako ni Dylan at Bettani. At three months din noong nakipag-one-night-stand ako sa lalaking hindi ko naman kilala. “Mom, I-I’m sorry. H’wag n’yo na po akong saktan. H’wag n’yo pong idamay ang anak ko.” Nakaluhod kong pagmamakaawa kay mommy pero muli ko naman naramdaman ang palad niya. “Sorry? Sa tingin mo… kaya ba ng sorry ang kahihiyang dala mo! You’re a disgrace in this family Evangeline. Kapag nalaman ito ng daddy mo, hindi lang mana ang mawala sayo kundi pati ‘yang batang nasa sinapupunan mo.” Umiling ako, nalasahan ko man ang dugo sa labi ko pero hindi pa rin ako kinawaan ni mommy. “Mom. Please… walang kinalaman ang anak ko sa pagkakamali ko.”“Napakalandi mo kasi! Napakalandi mong babae ka. Sabihin mo… si Dylan ba ang nakapabuntis sayo! Ang bastardo ba

  • I’m Amadeus Woman   CHAPTER 2 

    Adam POVPAKAGISING ko kinabukasan, wala na si Charina sa tabi ko pero kaagad akong natigilan sa pagkakatandang birhen ang nakasiping ko kagabi. Imposible talaga na si Charina ‘yun. At mas lalo akong natigilan pagbangon ko nang makita ang mantsa ng dugo na naiwan sa higaan. “F*ck! Sino ang babaeng ‘yun? Bakit siya umalis nang hindi nagpaalam muna.”Lumunok ako, ang dugong ‘to ay patunay na birhen ‘yung babae kagabi. Paglingon ko sa sahig, wala ng damit na naiwan ang babae maliban na lang sa pants at boxer shorts ko.Napatingin ako sa nakasarang pinto, mula sa labas, narinig ko ang pagsisigaw ni Charina habang kumakatok ito.“Adam! Buksan mo ‘tong pinto!”Hindi ako nakaimik. Ginulo ko na lang ang buhok ko, bumaba ako ng higaan, at tumungo sa banyo para mag-shower nang mabilis. Hindi pwedeng malaman ni Charina na maliban sa kaniya, may ibang babae akong ginalaw.“F*cking insane!” nasuklay ko ang buhok gamit ang daliri ko dahil bumalik sa alaala ko ang nangyari kagabi.I sigh. Tanging p

  • I’m Amadeus Woman   CHAPTER 1

    Evangeline POVSa isang kilalang restaurant, naisip kong i-surprise si Dylan. Kanina bago ako pumunta rito, sinabi kong magkikita kami dahil may ire-regalo ako sa kaniya. Handa na rin akong ibigay sa kaniya ang matagal na niyang hinihingi.Pero dalawang oras na ang lumipas, wala pa rin si Dylan.“Jeez. Dylan, nasaan ka na ba?” Pabalik-balik akong naglakad malapit sa pinto bago ako huminga nang malalim. “Relax, self. Baka na-traffic lang siya.” Pinilit kong ngumiti. “Faithful sa’yo si Dylan. Tandaan mo, ikaw lang ang babaeng pinangakuan niyang pakakasalan.”Kahit kinukumbinsi ko ang sarili ko, may kakaibang kaba nang nagsisimulang gumapang sa dibdib ko. Lumabas ako para hintayin siya. Ilang beses ko na rin siyang tinawagan, pero patuloy lamang na tumutunog ang cellphone niya at ayaw niyang sagutin.Hanggang sa bigla kong namataan ang pamilyar na pigura mula sa hindi kalayuan. Si Dylan. May bitbit siyang isang kumpol ng mga pulang rosas kaya napangiti pa ako. Tatawagin ko na sana siya u

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status