Parang may isang mabigat na bato na nakadagan sa aking dibdib habang pinagmamasdan ko ang aking mga kakarampot na gamit na inilipat sa bago kong silid. Tulad ng iniutos ni Sir Froilan kaninang umaga, agad na inilipat ni Manang Rosa ang aking mga gamit sa kwartong ito, ang silid na katabi mismo ng Master’s Bedroom.Ang kwartong ito ay mas malaki, mas marangya, at mas elegante kaysa sa servants' quarters na tinulugan ko kagabi. May malambot na queen-sized bed na binalutan ng puting silk na kumot, sariling flat-screen TV, walk-in closet, at banyong gawa sa puting marmol. Kung ibang tao marahil ang tatanungin, isa itong paraiso na pinapangarap ng marami. Ngunit para sa akin, isa itong ginintuang hawla. Dahil sa dulo ng kwartong ito ay may isang malaking pintuang gawa sa madilim na kahoy, ang nag-iisang pinto na nagdurugtong sa silid ko at sa silid ng halimaw na nagmamay-ari sa akin."Wala nang bawian ito, Pamela," malamig na sambit ni Manang Rosa habang isinasabit sa loob ng closet ang mg
Dernière mise à jour : 2026-10-14 Read More