“Sir, hindi po kasama sa approved proposal ang Italian marble tiles.” Pinanatiling kalmado ni Mireya Sarmiento ang boses kahit halos isang oras na silang paikot-ikot sa parehong problema.Nasa conference room sila ng isang upscale hotel sa Makati para sa final presentation ng renovation project ng client nila. Two weeks nilang inayos ang design, materials, at budget, pero ngayon lang binanggit ng project manager na gusto nitong palitan ang halos kalahati ng approved materials.“The client wants something more luxurious,” sagot ng lalaki.“We can do that, pero kailangan nating baguhin ang budget. Hindi puwedeng same price kung imported materials na ang gagamitin.”Napansin ni Mireya ang tingin ng senior designer na katabi niya.Huwag masyadong kontrahin ang client. Alam niya ito, oo, pero hindi rin siya magician.Ngumiti siya. “I'll prepare two revised proposals. One within the approved budget, then another using the materials the client requested.”“Better.”Tumango si Mireya at isina
Huling Na-update : 2026-10-15 Magbasa pa