Inihatid ako ni Mom and Dad sa hospital kung saan nagtatrabaho ang bestfriend kong si Mark. Pagdating namin ay agad na rin akong bumaba ng sasakyan. "Sige po Mommy, Daddy, dito na lang po ako sa labas ng hospital para hindi niyo na kailangan magpark sa loob." "Oh siya Iha, ikamusta mo na lang kami kay Doc. Mark." tugon ni Dad.“Sabihin mo na rin sa kanya na dumalaw din naman minsan sa bahay para makamusta namin siya ng personal." request naman ni Mommy. "Sige po sasabihin ko po sa kaniya. Pwede na po kayong maunang umuwi," pagpapaalam ko at tuluyan na silang umalis habang ako naman ay pumasok na sa lobby ng ospital. Agad ko din siyang nakita sa Lobby kaya hindi na ako nagdalawang isip na lapitan siya. "Kamusta naman ang mga pasyente ng kaibigan kong Doctor. Humihinga pa ba lahat?" pang-aasar ko sa kanya. "For your information lang, ako ang Chief Resident Doctor ng Ospital na ‘to kaya syempre magaling ‘to," pagyayabang nyang tugon sa akin. "Kamusta ang bride to be?" dagdag nya pa
Last Updated : 2026-10-15 Read more