LOGINShophia's POV
Maaga akong nagising na sobrang bigat ng pakiramdam ko. Masama pa rin ang loob ko sa nangyari pero hindi ko pwedeng ipahalata sa lahat lalong lalo na sa dalawang 'yon na alam ko na ang lahat ng tungkol sa kanila.Inayos ko ang aking sarili at lumabas ng kwarto. Agad na bumungad sa akin sina Mommy at Daddy na nag-aalmusal sa garden.
"Iha andiyan ka na pala. Halika at saluhan mo na kami ng Mommy mo." masayang pag-aya sa akin ni Daddy habang nagbabasa ng peryodiko.
"Thanks Dad, pero sa labas na lang po ako kakaen, medyo late na rin po kase ako sa pupuntahan ko." agad ko namang pagtanggi at dumiretso sa p***o palabas ng bahay.
Mag-isa akong umalis ng bahay at hindi na nagsama ng driver. Paglabas ko ng gate ay kapansin-pansin ang isang lalaking nakatayo sa tapat ng bahay namin na tila may parang hinihintay na lumabas.
"Sino ka 'yon?" pagtataka kong tanong sa isip ko. Baka napadaan lang siguro at nagandahan sa itsura ng bahay namin.
Habang nagda-drive ako, bigla akong nakatanggap ng text mula kay Adrian.
"Hon, nasaan ka? Nandito ako sa restaurant kung saan gaganapin yung reception. Baka pwede tayong magkita. Dito na rin tayo maglunch together. Hihintayin kita." pag-aaya niya sa akin sa text.
Biglang nanumbalik sa akin ang mga nasaksihan kong eksena kagabi sa pagitan nilang dalawa ni Chloe. Sa sobrang galit ay napahigpit ang hawak ko sa manibela at napadiin ang pagtapak sa silinyador ng sasakyan kaya napabilis ang takbo ko.
"Mga walang hiya kayo mga traydor. Ahas ka Chloe!" galit na galit kong sinasabi sa sarili ko habang unti-unting bumibilis ang pagpapatakbo ko sa sasakyan ko.
Biglang may isang matandang tumawid at mabuti na lang ay agad akong nakapagpreno. At muli akong naiyak at mahimasmasan.
FAST FORWARD
Dumating ako sa restaurant kung saan naghihintay ang unfaithful kong fiancee na si Adrian. Agad ko din siyang nakita na kasama ang wedding coordinator na abala sa mga ginagawang paghahanda dahil bukas na ang nakatakdang araw ng kasal namin.
"Oh Hon, nandiyan ka na pala. Sorry medyo last minute ko na naasikaso yung tungkol sa food tasting pero good news kasi maihahabol natin lahat para bukas." masaya niyang pagpapaliwanag sa akin.
"Ga-ganun ba? Ok!" bukod tanging sagot ko lang sa kaniya na walang halong emosyon. "Sure ka ba na iyon lang ang iso-sorry mo sa akin?" Dagdag ko pang tanong kay Adrian na nagbabaka sakaling sasabihin niya sa akin ang totoo.
"Anong ibig mo sabihin Hon? May problema ba?" na tila parang nagulohan siya sa tanong ko.
"Ah wala ayos lang ako. Medyo masakit lang ang ulo ko kasi napagod din ako sa mga ginawa natin kahapon." pagpapaligoy kong sinabi sa kaniya. Hindi niya maaaring malaman na nakita ko silang naghahalikan ng secretary niya. Pero hindi doon magtatapos ang lahat.
Masaya akong pinakitunguhan ang lahat habang magkasama kami ni Adrian ngunit sa loob ko ay sobra akong nadudurog na dumadating sa time na hindi ko naririnig ang ibang pinag-uusapan nila at naba-blangko ang utak ko na tila malalim ang iniisip. Hanggang sa natapos kami sa restaurant at inaya niya akong ihatid pauwi.
"Halika na Hon, ihahatid na kita. ipa-papick up na lang natin sa driver mo yung sasakyan mo. Dala ko naman yung sasakyan ko." masaya niyang pag-aaya sa akin.
"Huwag na, baka may iba ka pang pupuntahan maliban sa akin. Kaya ko naman na mag-isang umuwi. Naka-day off din kasi ang driver namin kaya wala rin kukuha ng sasakyan kung sakali." agad kong pagtanggi kay Adrian at sabay pag-iwas ko ng tingin. "Isa pa bukas na ang kasal natin di ba? Bawal sa Groom na makita ang Bride niya bago ang kasal at baka hindi matuloy." dagdag ko pang pamahiin.
"Which is totoo na wala nang kasal na mangyayari dahil sa ginawa niyong dalawa ng ahas mong sekretarya." pag ganti kong sinabi sa isip ko habang pasakay ng sasakyan ko.
"Ah oo nga pala. Sige kita nalang tayo sa simbahan bukas. Hihintayin kita sa harap ng altar. I love you", pahabol niya pang pagpapaalam sa akin ngunit hindi ko na 'yon inintindi at umalis na.
WEDDING DAY
Dumating na ang nakatakdang araw. Exciting ang lahat sa mangyayaring kasalan maliban lang sa akin na mismong Bride. Suot ang magarbong wedding gown, maaga akong inayos ng mga beauty stylists na kinuha ni Mommy.
"Wow naman, ang ganda-ganda ng client ko today. Maganda ka naman kaya mas bagay sa 'yo ang hindi masyadong makapal ang make-up. Kahit powder lang keri na sis. Pero syempre hindi pwedeng gan'on lang. Dapat mas lumitaw pa ang beauty mo habang lumalakad ka sa gitna para Aaahmm pakaaaaak ang lola nyo day." maarteng pambobola sa akin ng beauty stylist na nagpawala saglit ng lungkot at galit ko. At napangiti ako.
Habang inaayosan ako ay pumasok si Mommy at Daddy sa kwarto. "Oh ano Iha, ready ka na ba?" excited akong tinanong ni Mommy.
"Anak, hangad namin ng Mommy mo ang ikakaligaya mo. Kahit anong mangyari ikaw pa rin ang prinsesa ng pamilyang ‘to."
Masaya namang sinabi ni Dad na may medyo naiiyak sabay punas ng mukha.
"Mom, Dad, ikakasal lang ako. Hindi ko naman kayo iiwan." pagpapakalma ko sa kanila. Ngunit hindi ako magkalakas ng loob na sabihin sa kanila ang lahat dahil ayoko silang ma-disappoint sa akin bilang nag-iisang anak nila.
"Basta kahit na ano pa ang maging decision mo, susuportahan ka namin." Nakangiting sinabi sa akin ni Mommy sabay yakap nila sa akin ng mahigpit.
"Sir, nakahanda na po 'yong sasakyan na gagamitin natin." Biglang singit ng driver sa moment namin ng parents ko.
Agad na kaming lumabas at pumunta sa sasakyan. Paalis na kami ng bahay at nakita ko pa rin ang lalaking nakita ko kahapon ng umalis ako. Ngunit hindi na siya nag-iisa at may dalang itim na sasakyan. Nag-assume ako na wala lang pero napapaisip pa rin ako kung anong kailangan ng lalaking iyon.
Habang nasa biyahe kami patungo sa simbahan masaya kaming magkausap ng mga magulang ko. At biglang may sinabi ang driver.
"Ma'am, Sir para pong may sumusunod sa atin." pagtatakang sinabi sa amin ng driver namin.
"Huh? Sumu-sunod? Saan?" agad namang nilingon ni Daddy sa likod kung sino ang tinutukoy ng driver.
Pagtingin ko sa likod ay kita ko ang itim na sasakyan na siya ring nakita ko ng lumabas kami ng bahay kanina. At napagtanto ko na kami nga ang pakay ng lalaking iyon.
"Bilisan mo. Baka masasamang loob ang mga 'yan." Utos ni Daddy na agad namang binilisan ng driver ang pagpapatakbo. ang sasakyan.
"Daddy natatakot po ako, ano na pong gagawin natin?" Naiiyak kong tinatanong si Daddy habang nagpapatuloy ang habulan.
"Diyos ko! Sino ba kasi 'yan? At anong kailangan niya sa atin?" habang takot na takot naman na pagtataka ni Mommy.
"Hindi ko rin kilala kung sino 'yan pero 'wag kayong mag-alala. Hindi ko kayo pababayaan." pagsisiguro ni Daddy habang yakap niya kami ni Mommy.
Adrian's POVSA SIMBAHANExcited na ang lahat at unti-unti na na rin duma-dating ang mga bisita pero wala ang si Sophia. "Sana lang ay walang mangyaring hindi maganda sa araw na 'to." Pabulong kon sinasabi sa sarili ko na may halong kaba.Wala din si Chloe sa mga dumalo kaya mas lalo akong nag-aalala. Sana lang din ay wala siyang ginawang kung anoman na magpapatugil ng kasal namin ni Sophia."Ano pare sigurado ka na ba sa decision mo? Pwede ka namang hindi na tumuloy kung talagang nagdadalawang-isip ka." sabay tapik ni Jess sa balikat ko.At lumapit naman sa amin si Dad na bakas din ang kaba sa itsura niya, sabay tanong niya sa akin."Ano anak, handa ka na ba sa panibagong yugto ng buhay mo?""Yes Dad, I'm ready." kompyansa kong sagot sa tanong ni Daddy sa akinIlang sandali pa ay dumating na rin si Chloe na dumiretso agad sa gilid at naupo na parang hindi kami nakikita. Wala din siyang pinapansin at tahimik lang sa tabi. Mabuti pa ngang ganito na lang kami.Samantala, dumating na rin
Shophia's POVMaaga akong nagising na sobrang bigat ng pakiramdam ko. Masama pa rin ang loob ko sa nangyari pero hindi ko pwedeng ipahalata sa lahat lalong lalo na sa dalawang 'yon na alam ko na ang lahat ng tungkol sa kanila.Inayos ko ang aking sarili at lumabas ng kwarto. Agad na bumungad sa akin sina Mommy at Daddy na nag-aalmusal sa garden."Iha andiyan ka na pala. Halika at saluhan mo na kami ng Mommy mo." masayang pag-aya sa akin ni Daddy habang nagbabasa ng peryodiko."Thanks Dad, pero sa labas na lang po ako kakaen, medyo late na rin po kase ako sa pupuntahan ko." agad ko namang pagtanggi at dumiretso sa pinto palabas ng bahay.Mag-isa akong umalis ng bahay at hindi na nagsama ng driver. Paglabas ko ng gate ay kapansin-pansin ang isang lalaking nakatayo sa tapat ng bahay namin na tila may parang hinihintay na lumabas."Sino ka 'yon?" pagtataka kong tanong sa isip ko. Baka napadaan lang siguro at nagandahan sa itsura ng bahay namin.Habang nagda-drive ako, bigla akong nakatangg
Sophia's POVNakauwi na ako ng bahay. Nagpunas muna ako ng mukha upang hindi mahalata ni Mommy at ni Daddy na umiiyak ako. Pagbukas ko ng pinto ay agad na sumalubong si Mommy upang ayain akong magdinner kasama nila,"Nandiyan ka na pala Iha. Sabayan mo na kami ng Daddy mo magdinner." nakangiting aya sa akin ni Mommy."Sorry po Mommy hindi pa po ako gutom." agad kong pagtanggi na may pekeng ngiti.Hindi ko na ipinahalata sa kanila na umiiyak ako at agad akong nagtungo sa aking kwarto upang doon ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Halos maubos ang hininga ko habang tahimik at pinipigilan ang ko ang pag-iyak ko upang hindi maring ng mga magulang ko. Pinagsakluban din ako ng langit at lupa sa nasaksihan ko kanina. Ang Fiancee ko at ang Secretary niya, nakita ko na naghahalikan. Hindi ko na kayang itago ang sakit, agad kong tinakpan ng unan ang mukha ko at sumigaw habang umiiyak. "AAAAAAAAAAAH!" tanging lumabas lamang sa bibig ko sa sobrang galit at sakit. "Ba
"Tahan na." Pamilyar na boses galing sa likod ko at agad nag-abot ng panyo.Si Mark pala. Sinundan niya ba ko mula sa ospital hanggang dito? Pero bakit? Sunod-sunod kong tanong sa isip ko. Huminga muna ako ng malalim."Anong ginagawa mo ito Mark?" agad kong tanong sa kanya. Tila halata sa kaniya na may alam siya sa nangyayari."Actually, matagal ko nang gustong sabihin sa 'yo ang alam ko." Pagpapaliwanag ni Mark. "Anong ibig mong sabihin? Matagal mo nang alam na may nangyayari sa kanila ni Chloe? Anong klase kang kaibigan?" sunod-sunod kong pagtatakang tanong sa kaniya."I'm sorry Sophia pero kung sinabi ko sa 'yo ang alam ko sigurado akong hindi mo ko paniniwalaan. Kaya nag-decide ako na mas mabuti kung ikaw mismo ang makakakita ng lahat." dagdag niyang paliwanag sa akin."Nag-assume ka na wala akong gagawin kung sinabi mo sa akin. Kailan mo pa alam ang tungkol dito?" galit kong tanong sa kay Mark."Mag-iisang taon na rin before pa siya magpropose sa 'yo, nakita ko silang magkahali
Inihatid ako ni Mom and Dad sa hospital kung saan nagtatrabaho ang bestfriend kong si Mark. Pagdating namin ay agad na rin akong bumaba ng sasakyan. "Sige po Mommy, Daddy, dito na lang po ako sa labas ng hospital para hindi niyo na kailangan magpark sa loob." "Oh siya Iha, ikamusta mo na lang kami kay Doc. Mark." tugon ni Dad.“Sabihin mo na rin sa kanya na dumalaw din naman minsan sa bahay para makamusta namin siya ng personal." request naman ni Mommy. "Sige po sasabihin ko po sa kaniya. Pwede na po kayong maunang umuwi," pagpapaalam ko at tuluyan na silang umalis habang ako naman ay pumasok na sa lobby ng ospital. Agad ko din siyang nakita sa Lobby kaya hindi na ako nagdalawang isip na lapitan siya. "Kamusta naman ang mga pasyente ng kaibigan kong Doctor. Humihinga pa ba lahat?" pang-aasar ko sa kanya. "For your information lang, ako ang Chief Resident Doctor ng Ospital na ‘to kaya syempre magaling ‘to," pagyayabang nyang tugon sa akin. "Kamusta ang bride to be?" dagdag nya pa
Sophia’s POVExcited ako sa kasal namin ni Adrian. Mga bata pa lang kami pangarap ko na siya ang mapangasawa ko. Malapit na magkaibigan ang mga pamilya namin. Kaya hindi na rin ako tumanggi ng sinabi sa akin ni Daddy na ikakasal kaming dalawa. Wala rin akong naging pagtutol sa arrange marriage na ginawa ng mga magulang namin. At ngayon ang unang araw ng paghahanda sa kasal. Mabuti pang puntahan ko muna siya sa opisina niya para sabay na kaming pumunta sa simbahan para sa rehearsal. Nandito na ko sa harap ng building ng company niya. "Good morning po Ma'am Sophia." Agad na mainit na pagbati sa akin ng mga guard ng building. Hindi ko na nagawang batiin ang lahat at tuloy-tuloy akong dumiretso sa elevator. Pagpasok ko sa elevator ay nakasabay ko sa ang secretary ni Adrian — si Chloe Ramirez. "Wow ang ganda naman ng bride to be ni Sir Adrian." agad na pangbobola niya sa akin. "Salamat Sis, nagpunta ako dito dahil gusto ko sanang sabay na kami pumunta sa simbahan para sa rehearsal ng k







