Nagising akong mabigat ang pakiramdam ko. Pero nasa malambot ako ng kama. Hindi pa man ako tuluyan na nakakatayo bumukas ang pintuan. Pumasok si Manang na may dalang pagkain. Sa unang pagkakataon, kakain ako ng masarap na pagkain. Agad akong bumangon. "Andrea, kumain ka na muna para makabawi ka ng lakas," sabay ngiti niya. "Ahm, si Dion ba ang nagpadala?" walang emosyon ko. "Hindi Andrea, dahil si Don Killian ang nagpadala nito. Siya na rin mismo ang nagluto para sa 'yo. Mukhang nagugustuhan ka ng Don natin." Saglit akong napayuko at napangiti ng mapait. "Andrea, kainin mo ito ah. Kailangan ng healthy sa katawan mo. Lalo na ang payat mo pa at puro ka pasa." Umagang-umaga napapaiyak agad ako. Dahil paano ba naman sa loob ng ilang taon walang nag-isip sa akin. Walang nag-aalala para sa akin. "Hayts, Andrea, iha, ayos lang 'yan. Balang araw hindi mo na mararamdaman ang pagmamalupit sa 'yo ni Sir Dion. Magpakatatag ka lang Andrea," sabay ngiti ni Manang. "Na saan na ba ngayon si
Last Updated : 2026-10-26 Read more