Share

#4

last update publish date: 2026-10-26 09:04:26

"Dad? What are you doing here?" nakangiting bungad ni Dion. Ngunit naghatid lang ito ng matinding kaba sa akin.

"Dion, ikaw dapat ang tanungin ko. Anong ginagawa mo dito? Sabi mo matutulog ka na. At isa pa, sino ang nagsabi sa 'yo na dito mo patirahin ang asawa mo? Nakalimutan mo ba ang patakaran ng pamilya!" Lumatay ang galit ni Killian sa mga ugat niya.

Lumapit sa akin si Dion. Walang alinlangan na hinawakan ang bewang ko. Pero imbis na matuwa ako, tinitiis ko ang sakit dahil sa higpit ng hawak ni Dion.

"Dad, usapang mag-asawa 'to. You don't need to worry. I just give her a little punishment dahil hindi niya nilulugar ang sarili niya." Nagawa pang ngumiti ni Dion sa paninira niya sa akin. "Sige na Dad, ako na kakausap sa asawa ko. Magpahinga ka na Dad," dagdag pa ni Dion. Ngunit halata sa mukha ni Daddy Killian na hindi siya sang-ayon.

"Dion, bahay ko ito at ayaw na ayaw kong may bahay dito sa likod ng bahay. Simula ngayong gabi wala ng tutulog sa maliit na bahay na 'to. Isa pa, patulugin mo sa malambot na kama at maayos na kwarto si Andrea. Huwag na huwag mong ipapahiya ang pamilya ito dahil da kagagawan mo!" buo at malalim na boses ni Daddy Killian.

Mas lalo pang humigpit ang pagkahawak ni Dion sa bewang ko. Pero mas tinitiis ko ito.

"Fine Dad, I'll do what you say." Walang ganang sagot ni Dion.

"Boss, tayo na," singit ng kasama ni Daddy Killian.

Marahan na binigyan ako ni Daddy Killian ng pag-aalalang tingin. Pagkatapos ay tuluyan na silang umalis. Sa puntong ito binitawan na ako ni Dion. Nakatalikod siya sa akin at nakatutok siya sa direksyon kung saan naglalakad sina Daddy Killian. Nang tuluyan ng nawala sa paningin namin sina Daddy Killian. Ikinagulat ko ang ginawa sa akin ni Dion. Malakas na sampal dahilan na napangiwi ako at napa-upo sa sahig.

"Ano ang sinabi mo sa Dad ko, huh?! Nagmakaawa ka ba sa kaniya? Siniraan mo ba ako kay Dad?! Walang hiya ka! Ang kapal ng mukha mo na magpakita sa kaniya ng ganyan kapanget ang ayos mo! Kaya hindi ka nararapat sa pamilyang 'to!" Libo-libong karayom ang agad na tumusok sa dibdib ko kasabay nito ang pagtulo ng mga luha ko.

"Dion, wala akong sinabi sa Dad mo. Hindi ako nagmamakaawa sa kaniya at mas lalong hindi kita siniraan sa kaniya. Pwede bang kalmahan mo lang? Wala naman akong ginagawang masama sa 'yo. Kaya bakit ba palagi ka na lang agad nagagalit sa akin?"

Nanginginig ang labi ko pati na rin ang buong katawan ko. Takot na takot ako lalo na kapag madagdagan ang galit ni Dion. Pero wala akong magagawa, para sa akin asawa ko pa rin si Dion. Asawa ko na kailangan kong respetuhin.

"Nagtatanong ka pa talaga?! Andrea, wala kang karapatan na maging masaya. Mula ng ikasal tayo dahil sa kontrata ng mga Lolo natin hindi na ako naging malaya! Pakiramdam ko tinatali ako sa leeg ng isang probinsyanang walang kwenta!"

Hindi ko akalain na ito ang magiging rason. Pero kailan ko pa siya tinali? Dahan-dahan akong tumayo, natatakot pero gusto kong lumaban kahit saglit lang.

"Dion, paano mo nasabing hindi ka malaya? Lahat nagagawa mo, malaya kang lumabas ng bahay samantalang ako? Ilang taon ng nakakulong dito. Dahil ayaw mong makilala ako ng iba. Malaya ka pang magdala ng kung sino-sinong babae dito sa bahay. Akala mo ba hindi ko alam na iba-ibang babae ang nagawa mong ikama??? Pero ako? Kahit isang beses hindi mo nagalaw. Pero hindi naman ako nagreklamo. Iniisip ko na magbabago ka pa. Pero bakit hanggang ngayon wala pa rin Dion?! Kahit kontrata lang ang kasal natin, ako pa rin ang asawa mo! Kahit probinsyana lang ako, ako pa rin ang asawa mo! At kahit na kailan hindi kita tinali sa leeg para hindi mo magawa ang mga gusto mo; Dahil malaya ka! Malayang-malaya ka Dion!" Hindi ko na nga napigilan ang emosyon ko. Tuloy-tuloy ang pag-iyak ko.

Umaasa ako na maisip ni Dion ang mga ginagawa niya sa akin. Umaasa ako na pakikinggan niya rin ako kaysa sa galit niya. Pero isang nanlilisik na tingin at ngisi ang ibinigay ni Dion.

"Tsk! Andrea, huwag mo akong dramahan. Palagi mong tatandaan ang limitasyon mo rito. Alipin lang kita, hindi asawa. Magpasalamat ka nga sa akin dahil hawak mo pa rin ang apelyido ko. Kahit hindi bagay sa 'yo!"

Napailing ako ng ilang beses dahil sa sakit ng dibdib ko.

'Kung ganito pa rin, siguro nga kailangan ko ng magpagawa ng divorce paper. Pero paano kung nakakulong lang ako dito sa bahay. Kailangan kong makahanap ng paraan.'

"Dion, maghiwalay na lang tayo. Nang sa gano'n mas maramdaman mong malaya ka. Nang sa gano'n wala ka ng itatayong kahihiyan sa buhay mo." Siguro naman sa divorce matutuwa si Dion.

"Damn!" Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko. "Hindi tayo pwedeng maghiwalay habang hindi ko pa nakukuha ang mga kailangan kong kunin! Mananatili ka sa tabi ko dahil gagamitin pa kita! Huwag na huwag kang magtangkang iiwanan ako at huwag na huwag kang magtangkang traydurin ako. Dahil sa susunod baja malibing na kita ng buhay!"

Mabigat niya akong binitawan. Muli akong napayakap sa sarili ko dahil sa takot. Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig-sabihin ng tinutukoy niya naguguluhan ako!

"Sige na, tama na ang walang kwentang drama mo. Habang nandito si Dad sa bahay, doon ka muna matulog sa dating kwarto mo. Huwag na huwag kang gagawa ng kapalpakan kung ayaw mong masaktan kita mismo sa harap ni Dad. Ngayon, tumayo ka ng maayos para pumunta sa kwarto ko." Sa unang pagkakataon, malambing niyang hinawi ang buhok ko. Nais kong ngumiti pero hindi ko magawa. Dahil baka nagpapanggap lang si Dion.

Tumango ako bilang sagot. Nang matapos sabay kaming lumakad papalabas ng maliit na bahay. Hindi na ako pwedeng magpaloko sa kaniya. Mabuti pang sundin ko ang isipan ko. Pagod na ako sa pananakit niya sa akin. Pagod na akong umasa na mamahalin niya ako pabalik. Pagod na akong kasama si Dion.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • FORBIDDEN DADDIES #7: Take Me, Daddy Killian    #5

    Nagising akong mabigat ang pakiramdam ko. Pero nasa malambot ako ng kama. Hindi pa man ako tuluyan na nakakatayo bumukas ang pintuan. Pumasok si Manang na may dalang pagkain. Sa unang pagkakataon, kakain ako ng masarap na pagkain. Agad akong bumangon. "Andrea, kumain ka na muna para makabawi ka ng lakas," sabay ngiti niya. "Ahm, si Dion ba ang nagpadala?" walang emosyon ko. "Hindi Andrea, dahil si Don Killian ang nagpadala nito. Siya na rin mismo ang nagluto para sa 'yo. Mukhang nagugustuhan ka ng Don natin." Saglit akong napayuko at napangiti ng mapait. "Andrea, kainin mo ito ah. Kailangan ng healthy sa katawan mo. Lalo na ang payat mo pa at puro ka pasa." Umagang-umaga napapaiyak agad ako. Dahil paano ba naman sa loob ng ilang taon walang nag-isip sa akin. Walang nag-aalala para sa akin. "Hayts, Andrea, iha, ayos lang 'yan. Balang araw hindi mo na mararamdaman ang pagmamalupit sa 'yo ni Sir Dion. Magpakatatag ka lang Andrea," sabay ngiti ni Manang. "Na saan na ba ngayon si

  • FORBIDDEN DADDIES #7: Take Me, Daddy Killian    #4

    "Dad? What are you doing here?" nakangiting bungad ni Dion. Ngunit naghatid lang ito ng matinding kaba sa akin. "Dion, ikaw dapat ang tanungin ko. Anong ginagawa mo dito? Sabi mo matutulog ka na. At isa pa, sino ang nagsabi sa 'yo na dito mo patirahin ang asawa mo? Nakalimutan mo ba ang patakaran ng pamilya!" Lumatay ang galit ni Killian sa mga ugat niya. Lumapit sa akin si Dion. Walang alinlangan na hinawakan ang bewang ko. Pero imbis na matuwa ako, tinitiis ko ang sakit dahil sa higpit ng hawak ni Dion. "Dad, usapang mag-asawa 'to. You don't need to worry. I just give her a little punishment dahil hindi niya nilulugar ang sarili niya." Nagawa pang ngumiti ni Dion sa paninira niya sa akin. "Sige na Dad, ako na kakausap sa asawa ko. Magpahinga ka na Dad," dagdag pa ni Dion. Ngunit halata sa mukha ni Daddy Killian na hindi siya sang-ayon. "Dion, bahay ko ito at ayaw na ayaw kong may bahay dito sa likod ng bahay. Simula ngayong gabi wala ng tutulog sa maliit na bahay na 'to. Isa p

  • FORBIDDEN DADDIES #7: Take Me, Daddy Killian    #3

    ANDREA POINT OF VIEW Mabilis ang kabog ng puso ko dahil sa isang ahas. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kaya naman nasa gilid ako ngayon takot na takot na nakayakap sa sarili ko. Hindi ako makalabas dahil nakapwesto ang ahas sa pintuan. "Please lang, huwag mo naman akong tuklawin. Alam ko naman na malas lang ako sa bahay na 'to. Pero hindi pa oras para mawala ako sa mundong ito 'di ba?" Mukha akong baliw na kinakausap ang ahas. Sana lang may dumating at iligtas ako. Pero paano kung nandito ako mismo sa likod ng bahay ni Dion? Walang makakarinig sa akin kahit anong sigaw ko. Napahikbi na lang ako, hindi ko mapigilan ang emosyon ko kaya napaiyak ako. Palapit nang palapit sa akin ang ahas. Dahilan na mas lalo pa akong nawalan ng pag-asa. Talaga bang ito na ang huling buhay ko? "Bogs!" Isang malakas na tunog. Ikinagulat ko ito kaya mas lalo akong mapahigpit ng yakap sa sarili ko sabay pikit ng mata ko. "Boss! Ahas!" boses ng kung sinong lalaki. "Damn!" Sigaw ng isa pang

  • FORBIDDEN DADDIES #7: Take Me, Daddy Killian    #2

    Killian Mackenzie POINT OF VIEW "Boss, nandito na po tayo." Wika ng isa sa mga tauhan ko. Napalingon ako sa labas ng sasakyan. Then I smiled. "So, walang nagbago sa maganda kong bahay." Pagkalabas ko ng sasakyan ay inayos ko ang kwelyo ko. Sa labas pa lang ng bahay ay magalang na akong sinalubong ng mga tauhan ng anak ko. At pagkapasok ko naman sinalubong ako ng mga katulong. Seryoso akong napatingala sa loob ng bahay kasabay nito ang pagtango ko. "Daddy! You're here!" Napatingin ako sa banda kung saan patungo sa dining area. Nakangiting humakbang papalapit sa akin ang anak kong si Dion. Lalaking-lalaki siyang napayakap sa akin. "Dad, it's been a long time. Mabuti naman at naisip mo pa pong bisitahin ako. Of course I miss you so much Dad." Kahit paano ay masaya ako na may anak akong pinalaki na hindi ako kinalimutan. "Malaki ka na Dion. Isa pa may asawa ka na rin. Na saan na ba siya?" Napasinghap si Dion bago sagutin ang tanong ko. "Dad, I just marry her in papers. Hindi k

  • FORBIDDEN DADDIES #7: Take Me, Daddy Killian    #1

    ANDREA POINT OF VIEW Lahat ay nakahanda na para i-surpresa ko ang aking asawa sa limang taon naming pagsasama. Pero sa limang taon na 'yon hindi ko kailanman naramdaman na ako ay mahal niya. Gayunpaman, palagi akong umaasa na tuturuan din ni Dion ang puso niyang mahalin ako. Pagkabukas ng malaking pintuan ng bahay. Naamoy ko agad ang perfume ng asawa ko. Dali-dali akong tumakbo patungo sa direksyon niya, pilit na nakangiti kahit puno ng pasa ang pisngi ko pati na rin ang katawan ko. "Good evening Dion, mabuti naman maaga kang umuwi ngayon. Ahm, naalala mo ba ang araw na 'to?" Nanginginig ako sa kaba. Pero ito, umaasa pa rin. Malamig ang titig niya sa akin, nanlilisik dahilan na napayuko ako. Ngunit saglit lang mahigpit niyang hinawakan ang mukha ko at iniharap sa kaniya. "What are you talking? Your asking a b*llshit question? Maayos na sana ang gabi ko. Pero sinalubong pa ako ng isang tulad mo! Bwesit!" galit na galit na bulyaw ni Dion. Dali-dali na nag-unahan ang mga luha k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status