Share

FORBIDDEN DADDIES #7: Take Me, Daddy Killian
FORBIDDEN DADDIES #7: Take Me, Daddy Killian
Author: BITUING GRACIA'S

#1

last update publish date: 2026-10-26 09:04:12

ANDREA POINT OF VIEW

Lahat ay nakahanda na para i-surpresa ko ang aking asawa sa limang taon naming pagsasama. Pero sa limang taon na 'yon hindi ko kailanman naramdaman na ako ay mahal niya. Gayunpaman, palagi akong umaasa na tuturuan din ni Dion ang puso niyang mahalin ako.

Pagkabukas ng malaking pintuan ng bahay. Naamoy ko agad ang perfume ng asawa ko. Dali-dali akong tumakbo patungo sa direksyon niya, pilit na nakangiti kahit puno ng pasa ang pisngi ko pati na rin ang katawan ko.

"Good evening Dion, mabuti naman maaga kang umuwi ngayon. Ahm, naalala mo ba ang araw na 'to?" Nanginginig ako sa kaba. Pero ito, umaasa pa rin.

Malamig ang titig niya sa akin, nanlilisik dahilan na napayuko ako. Ngunit saglit lang mahigpit niyang hinawakan ang mukha ko at iniharap sa kaniya.

"What are you talking? Your asking a b*llshit question? Maayos na sana ang gabi ko. Pero sinalubong pa ako ng isang tulad mo! Bwesit!" galit na galit na bulyaw ni Dion.

Dali-dali na nag-unahan ang mga luha ko. Bakit? Bakit hanggang ngayon, ganito pa rin ang pakikitungo sa akin ni Dion? Hindi ba siya nagsasawa na saktan ko? Dahil ako, sawang-sawa na sa ganito.

"I'm here for my Dad. Kung ganyan ang suot mong napakapangit. Doon ka na lang magkulong sa kwarto mo. Dahil ayaw na ayaw ko na makita ng Daddy ko na may asawa akong napakapangit!"

Mabigat niya akong binitawan. "Sorry Doin, pero sige susunod ako sa gusto mo. Doon na lang ako sa kwarto, mas mabuti pa 'yon," nanginginig kong sagot. Mahigpit akong napahawak sa damit ko. Pilit na nagpapakatatag pero hindi kayang magsinungaling ng mga luha ko.

"What's that?" Napansin ni Dion ang inihanda ko sa mesa.

Mabilis na kumabog ang dibdib ko. Akmang pipigilan ko sana siyang humakbang. Pero binangga niya ako sa balikat. Nakarating siya sa mesa, walang tuwa, walang ngiti kundi panlilisik ng mata at pag-intig ng kaniyang panga.

"Andrea, ganyan ka na ba kabaliw? Sa tingin mo ba minahal kita? Sa susunod na taon huwag na huwag ka ng maghanda ng ganito dahil hindi ako natutuwa! Tandaan mo, kasal lang tayo sa papel at wala akong interest sa probinsyang tulad mo! Lahat ng utos ko sa 'yo sundin mo! Dahil para sa akin isa ka lang sa mga katulong ko!" Hinawi ni Dion ang cake na may sulat na happy 5 Anniversary.

Nagulat ako pero mas lalo lang bumuhos ang mga luha ko. Sa loob ng limang taon nasayang lang ang pag-asa ko sa kaniya. Ngayon malinaw na sa akin ang lahat. Isa pa rin akong katulong sa mga mata ni Dion. Bakit ba naman kasi ako umaasa na mahalin ng isang bilyonaryo?

"Alisin mo agad ito sa harapan ko! Dapat pagkatapos kong magbihis, wala na ang mga kalat na 'to! Damn it! Sakit ka lang talaga ng ulo! Bwesit!"

Hindi na ako hinintay pa ni Dion na magsalita. Umalis siya ng may mabibigat na hakbang. Pinilit ko pa rin ang sarili kong lumapit sa mesa kahit nanlalabo ang paningin ko dahil sa luha.

Sa ilang oras kong paghahanda kanina para lang maging maayos ang lahat. Ngayon magiging basura lang pala. Bumubuhos pa rin ang emosyon ko habang nililigpit ko ito. Pero wala na rin silbe ang mga niluto ko. Kaya imbis na ilagay ko pa ito sa dining area. Deretsahan ko na itong itinapon sa basurahan.

"Andrea, iha, ayos ka lang ba?" paglapit sa akin ni Manang, isa sa mga matagal ng katulong ng bahay na ito. Hindi ako sumagot, dahil kapag magsalita ako mas mauuna lang ang luha ko. "Andrea, pagpasensyahan mo na si Dion. Ganyan talaga siya mula ng bata pa siya. Ewan nga eh, dahil malayo ang ugali niya sa kaniyang ama. Pero sana hindi ka mapagod na intindihin si Dion." Dagdag ni Manang na puno ng pag-aalala. Tanging tango na lang ang isinagot ko. "Sige iha, aalis muna ako dahil inaayos ko ang dining area. Darating kasi ngayon si Mr. Killian Mackenzie kaya mauuna na ako."

Umalis si Manang na may iniwan na katanungan sa isipan ko. Killian Mackenzie? Pamilyar sa akin pero hindi ko maalala. Nang ikinasal kami ni Dion hindi ko pa nakikilala ang Daddy niya dahil busy ito sa business.

"Andrea! Umakyat ka na dito at ihanda ang tuwalya ko pati damit ko!" malakas na sigaw ni Dion galing sa itaas.

Dali-dali akong napapunas sa mga mata ko. Dali-dali na kumilos patungo sa itaas. Nang makarating ako sa kwarto niya tanging agos ng tubig galing sa CR ang nagdala ng ingay.

Sa tuwing naliligo si Dion palagi kong inihahanda ang susuutin niya at pamunas niya. Nagtungo ako sa kabinet ni Dion at pumili ng magandang susuutin niya. Nang matapos ako inilapag ko ito sa kama.

"Tapos na Dion," wika ko pero hindi siya sumagot.

Kaya naman napagdesisyunan kong lumapit sa CR. Pero iba ang narinig ko. Umuungol si Dion habang may binabanggit na pangalan ng babae. Pero hindi pangalan ko. At mas lalong hindi ko kilala kung sinong babae.

Napayuko na lang ako at napahawak sa dibdib ko. Bumibilis ang paghinga ko, damang-dama ko na para bang may pumupunit sa dibdib ko. Hindi lang Basyang karayom kundi malalamig na espada ang tumuturok sa dibdib ko. Muli na naman akong lumuha. Pilit kong pinipigilan ang sarili kong mapahikbi kaya napatakip ako ng bibig ko.

Maya-maya pa tumahimik si Dion. Mukhang tapos na siya kaya naman dali-dali akong kumilos papalabas ng kwarto. Pero saglit akong napatayo sa labas ng pintuan bago pa ako humakbang papalayo.

At sa bawat hakbang ko puro sakit ng emosyon ang binubuhos ko. Tinatanong ang isipan na hindi rin naman kialanman nasasagutan.

Bakit nga ba? Ginawa ko na ang lahat para tumayo bilang asawa ni Dion. Pero bakit?! Mula noon hanggang ngayon wala pa rin magandang resulta? Kung hindi lang sana ako nangako noon kay Lolo na mamahalin ko ng tapat at buo si Dion. Siguro hindi ako nasasaktan ngayon.

Kailangan ko pa ba ulit na umasa sa kaniya? Oh kailangan ko ng tapusin ang lahat ng ito?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • FORBIDDEN DADDIES #7: Take Me, Daddy Killian    #5

    Nagising akong mabigat ang pakiramdam ko. Pero nasa malambot ako ng kama. Hindi pa man ako tuluyan na nakakatayo bumukas ang pintuan. Pumasok si Manang na may dalang pagkain. Sa unang pagkakataon, kakain ako ng masarap na pagkain. Agad akong bumangon. "Andrea, kumain ka na muna para makabawi ka ng lakas," sabay ngiti niya. "Ahm, si Dion ba ang nagpadala?" walang emosyon ko. "Hindi Andrea, dahil si Don Killian ang nagpadala nito. Siya na rin mismo ang nagluto para sa 'yo. Mukhang nagugustuhan ka ng Don natin." Saglit akong napayuko at napangiti ng mapait. "Andrea, kainin mo ito ah. Kailangan ng healthy sa katawan mo. Lalo na ang payat mo pa at puro ka pasa." Umagang-umaga napapaiyak agad ako. Dahil paano ba naman sa loob ng ilang taon walang nag-isip sa akin. Walang nag-aalala para sa akin. "Hayts, Andrea, iha, ayos lang 'yan. Balang araw hindi mo na mararamdaman ang pagmamalupit sa 'yo ni Sir Dion. Magpakatatag ka lang Andrea," sabay ngiti ni Manang. "Na saan na ba ngayon si

  • FORBIDDEN DADDIES #7: Take Me, Daddy Killian    #4

    "Dad? What are you doing here?" nakangiting bungad ni Dion. Ngunit naghatid lang ito ng matinding kaba sa akin. "Dion, ikaw dapat ang tanungin ko. Anong ginagawa mo dito? Sabi mo matutulog ka na. At isa pa, sino ang nagsabi sa 'yo na dito mo patirahin ang asawa mo? Nakalimutan mo ba ang patakaran ng pamilya!" Lumatay ang galit ni Killian sa mga ugat niya. Lumapit sa akin si Dion. Walang alinlangan na hinawakan ang bewang ko. Pero imbis na matuwa ako, tinitiis ko ang sakit dahil sa higpit ng hawak ni Dion. "Dad, usapang mag-asawa 'to. You don't need to worry. I just give her a little punishment dahil hindi niya nilulugar ang sarili niya." Nagawa pang ngumiti ni Dion sa paninira niya sa akin. "Sige na Dad, ako na kakausap sa asawa ko. Magpahinga ka na Dad," dagdag pa ni Dion. Ngunit halata sa mukha ni Daddy Killian na hindi siya sang-ayon. "Dion, bahay ko ito at ayaw na ayaw kong may bahay dito sa likod ng bahay. Simula ngayong gabi wala ng tutulog sa maliit na bahay na 'to. Isa p

  • FORBIDDEN DADDIES #7: Take Me, Daddy Killian    #3

    ANDREA POINT OF VIEW Mabilis ang kabog ng puso ko dahil sa isang ahas. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kaya naman nasa gilid ako ngayon takot na takot na nakayakap sa sarili ko. Hindi ako makalabas dahil nakapwesto ang ahas sa pintuan. "Please lang, huwag mo naman akong tuklawin. Alam ko naman na malas lang ako sa bahay na 'to. Pero hindi pa oras para mawala ako sa mundong ito 'di ba?" Mukha akong baliw na kinakausap ang ahas. Sana lang may dumating at iligtas ako. Pero paano kung nandito ako mismo sa likod ng bahay ni Dion? Walang makakarinig sa akin kahit anong sigaw ko. Napahikbi na lang ako, hindi ko mapigilan ang emosyon ko kaya napaiyak ako. Palapit nang palapit sa akin ang ahas. Dahilan na mas lalo pa akong nawalan ng pag-asa. Talaga bang ito na ang huling buhay ko? "Bogs!" Isang malakas na tunog. Ikinagulat ko ito kaya mas lalo akong mapahigpit ng yakap sa sarili ko sabay pikit ng mata ko. "Boss! Ahas!" boses ng kung sinong lalaki. "Damn!" Sigaw ng isa pang

  • FORBIDDEN DADDIES #7: Take Me, Daddy Killian    #2

    Killian Mackenzie POINT OF VIEW "Boss, nandito na po tayo." Wika ng isa sa mga tauhan ko. Napalingon ako sa labas ng sasakyan. Then I smiled. "So, walang nagbago sa maganda kong bahay." Pagkalabas ko ng sasakyan ay inayos ko ang kwelyo ko. Sa labas pa lang ng bahay ay magalang na akong sinalubong ng mga tauhan ng anak ko. At pagkapasok ko naman sinalubong ako ng mga katulong. Seryoso akong napatingala sa loob ng bahay kasabay nito ang pagtango ko. "Daddy! You're here!" Napatingin ako sa banda kung saan patungo sa dining area. Nakangiting humakbang papalapit sa akin ang anak kong si Dion. Lalaking-lalaki siyang napayakap sa akin. "Dad, it's been a long time. Mabuti naman at naisip mo pa pong bisitahin ako. Of course I miss you so much Dad." Kahit paano ay masaya ako na may anak akong pinalaki na hindi ako kinalimutan. "Malaki ka na Dion. Isa pa may asawa ka na rin. Na saan na ba siya?" Napasinghap si Dion bago sagutin ang tanong ko. "Dad, I just marry her in papers. Hindi k

  • FORBIDDEN DADDIES #7: Take Me, Daddy Killian    #1

    ANDREA POINT OF VIEW Lahat ay nakahanda na para i-surpresa ko ang aking asawa sa limang taon naming pagsasama. Pero sa limang taon na 'yon hindi ko kailanman naramdaman na ako ay mahal niya. Gayunpaman, palagi akong umaasa na tuturuan din ni Dion ang puso niyang mahalin ako. Pagkabukas ng malaking pintuan ng bahay. Naamoy ko agad ang perfume ng asawa ko. Dali-dali akong tumakbo patungo sa direksyon niya, pilit na nakangiti kahit puno ng pasa ang pisngi ko pati na rin ang katawan ko. "Good evening Dion, mabuti naman maaga kang umuwi ngayon. Ahm, naalala mo ba ang araw na 'to?" Nanginginig ako sa kaba. Pero ito, umaasa pa rin. Malamig ang titig niya sa akin, nanlilisik dahilan na napayuko ako. Ngunit saglit lang mahigpit niyang hinawakan ang mukha ko at iniharap sa kaniya. "What are you talking? Your asking a b*llshit question? Maayos na sana ang gabi ko. Pero sinalubong pa ako ng isang tulad mo! Bwesit!" galit na galit na bulyaw ni Dion. Dali-dali na nag-unahan ang mga luha k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status