Share

Remarried to the Legal Tycoon
Remarried to the Legal Tycoon
Author: Bhie Anne

CHAPTER 1

Author: Bhie Anne
last update publish date: 2026-10-22 14:58:58

Paglabas ni Amanda sa The Gallery Art Museum, malamig na ang hangin. Katatapos lang ng mahinang ulan kaya basa pa ang kalsada at kumikislap sa semento ang mga ilaw sa parking lot.

Kakabukas pa lang niya ng p***o ng kotse nang tumunog ang cellphone niya.

May text mula sa numerong hindi niya kilala.

“Huwag kang dumaan sa Riverside Road. Delikado.”

Napakunot ang noo niya. Riverside Road ang lagi niyang dinadaanan pauwi dahil iyon ang pinakamabilis na ruta.

Tiningnan niya ulit ang numero. Wala siyang maalalang kakilala na gumagamit niyon.

Baka wrong send lang.

Hindi na niya iyon pinansin at sumakay na sa kotse.

Magaan na ang traffic nang gabing iyon. Nang huminto siya sa isang intersection, muling tumunog ang cellphone niya. Parehong numero na naman.

“8:30 PM. May malaking aksidenteng mangyayari sa Riverside Road. Huwag kang dumaan doon.”

Napatingin si Amanda sa oras sa dashboard.

8:23 PM.

Pitong minuto na lang.

Nasa unahan lang ang likuang papunta sa Riverside Road. Saglit siyang napaisip kung may nangti-trip ba sa kanya. Bakit alam ng taong iyon kung saan siya dadaan?

Bago pa niya masagot ang text, tumawag ang assistant niyang si Jona.

“Ma’am Amanda, naiwan n’yo po rito iyong relo na regalo n’yo kay Sir Dominic.”

“Ay, oo nga!”

Napahawak siya sa noo. Anniversary nila ni Dominic ngayon. Ilang araw pa naman niyang pinag-isipan kung ano ang ibibigay rito, tapos maiiwan lang niya sa opisina.

“Sige, babalikan ko. Hindi pa naman ako malayo.”

Nang mag-green ang ilaw, lumiko siya pabalik sa art museum na pinagtatrabahuan.

Hindi naman dahil naniwala siya sa text. Kailangan lang talaga niyang kunin ang regalo.

Nasa entrance na si Jona nang dumating siya at agad nitong iniabot ang relo.

“Happy anniversary po sa inyo ni Sir Dominic.”

“Thank you. Sige, umuwi ka na rin ha.”

Muling umalis si Amanda.

Hindi pa siya gaanong nakakalayo nang makarinig siya ng sunod-sunod na sirena. May mga ambulansyang mabilis na dumaan sa kabilang lane, kasunod ang ilang police car.

Napatingin siya sa mga iyon.

Hindi niya alam kung bakit, pero bigla niyang naalala ang text.

Pagdating sa susunod na intersection, pinahinto ng isang traffic enforcer ang mga sasakyan.

“Ma’am, sarado po ang Riverside Road. May malaking aksidente. Maraming sasakyan ang nagbanggaan.”

Napatigil si Amanda.

“Kailan nangyari?”

“Mga alas otso y medya po. Sa kabilang route na lang po kayo dumaan.”

Hindi agad siya nakasagot.

8:30 PM.

Iyon mismo ang oras na sinabi sa text.

Nang makakita siya ng puwedeng tigilan, ipinarada niya ang kotse at agad na kinuha ang cellphone.

Binasa niya ulit ang dalawang mensahe.

Kanina, iniisip niyang may nangti-trip lang sa kanya.

Ngayon, hindi na siya sigurado.

Nag-reply siya.

“Sino ka? Paano mo nalaman ‘yung tungkol sa aksidente?”

Hindi naipadala.

Sinubukan niya ulit, pero ganoon pa rin. Tinawagan niya ang numero, pero hindi rin pumasok ang tawag.

Napatingin si Amanda sa direksyon ng Riverside Road. Kita pa mula sa malayo ang ilaw ng mga ambulansya at police car.

Kung hindi niya naiwan ang relo, malamang dumaan na siya roon.

At kung tama ang oras...

Ayaw na niyang isipin kung ano ang puwedeng nangyari.

Biglang tumunog ang cellphone niya.

Si Dominic.

“Nasaan ka na? Kanina pa kita hinihintay.”

“May malaking aksidente sa Riverside Road. Sarado iyong daan kaya kailangan kong umikot.”

“Aksidente?” Biglang nagbago ang boses nito. “Okay ka lang? Nasaktan ka ba?”

Napangiti si Amanda. “Okay lang ako. Hindi ako umabot doon, kinailangan kong bumalik sa museum.”

“Nasaan ka? Susunduin kita.”

“Huwag na. Pauwi na rin ako.”

“Sigurado ka?”

“Oo. Maghintay ka na lang diyan.”

Bago ibaba ang tawag, ilang beses pa siyang pinaalalahanan ni Dominic na mag-ingat.

Pagdating ni Amanda sa bahay, naamoy agad niya ang niluluto mula sa kusina. Mainit sa loob, malayo sa malamig at basang panahon sa labas.

Kakapagpalit pa lang niya ng sapatos nang lumabas si Dominic. Naka-white shirt ito, itim na pantalon at may suot pang apron.

Kagagaling lang nito sa business trip, pero nagawa pa nitong maghanda para sa anniversary nila.

Agad siyang nilapitan ng asawa.

“Sigurado kang okay ka lang?”

“Oo nga. Tingnan mo, wala naman akong galos.”

Tiningnan pa rin siya ni Dominic mula ulo hanggang paa bago siya hinila sa yakap.

“Kinabahan talaga ako.”

Napangiti si Amanda habang sumasandal sa dibdib nito. “Kaya nga dapat nagpahinga ka na lang. Kakauwi mo lang, nagluto ka pa.”

“Anniversary natin. Siyempre gusto kitang ipagluto.”

Tatlong taon silang naging magkasintahan bago nagpakasal, at tatlong taon na rin silang mag-asawa. Sa tagal nilang magkasama, hindi kailanman nagkulang si Dominic sa pagpaparamdam na mahal siya nito.

Kaya minsan, napapaisip talaga si Amanda kung paano siya sinuwerte nang ganito.

“Bakit ba ang bait mo sa akin?” tanong niya.

Ngumiti si Dominic at hinalikan siya sa noo. “Asawa kita. Kanino pa ba ako magiging mabait?”

Natawa si Amanda at mas humigpit ang yakap dito.

Nang bumaba siya matapos magpalit ng damit, nakahanda na ang dinner. May kandila at bulaklak sa mesa, pati isang maliit na jewelry box sa tabi ng plato niya.

Isang diamond necklace ang laman niyon.

Si Dominic mismo ang nagsuot nito sa kanya. Ibinigay naman ni Amanda ang relong muntik na niyang makalimutan, at agad din iyong isinuot ng asawa.

Masaya ang naging gabi nila. Nagkuwentuhan sila habang kumakain, nagtawanan, at pinag-usapan pa kung saan sila puwedeng pumunta kapag pareho na silang may libreng oras.

Dahil doon, kahit hindi lubos na nawala sa isip ni Amanda ang kakaibang text, hindi na muna niya iyon pinag-isipan.

Tatlong araw ang lumipas.

Makulimlim ang hapon at tahimik sa loob ng opisina niya sa art museum. Abala si Amanda sa mga papeles nang tumunog ang cellphone sa tabi niya.

Pagtingin niya sa screen, agad siyang natigilan.

Iyon na naman ang numero.

Ang numerong nagbabala sa kanya tungkol sa Riverside Road.

Binuksan niya ang text.

“Grandview Hotel. 9:00 PM. Room 1408. Dominic Arboleda at Rizelle Castro.”

Ilang segundo lang siyang nakatitig sa screen.

Hindi niya alam kung ano ang mas mahirap intindihin.

Ang pangalan ni Dominic.

O ang pangalan ni Rizelle sa tabi nito.

Si Dominic ang asawa niya.

Si Rizelle naman ang isa sa pinakamalapit niyang kaibigan.

Napahawak nang mahigpit si Amanda sa cellphone.

Noong unang beses na nag-text ang numerong iyon, hindi siya naniwala.

Pero nagkatotoo ang sinabi nito.

At ngayon, hindi na aksidente ang ibinabala sa kanya.

Asawa na niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Remarried to the Legal Tycoon   CHAPTER 18

    Huminga nang malalim si Amanda at pilit na ngumiti. “Ma, huwag n’yo pong sisihin si Dominic. Mabuti naman po siya sa akin. Naging busy lang talaga ako nitong mga nakaraang araw kaya hindi ako gaanong nakakakain. Isa pa, hindi rin ako nakatulog nang maayos kagabi.”“Hindi puwede ’yan. Kahit gaano ka ka-busy, dapat unahin mo pa rin ang kalusugan mo,” nag-aalalang sabi ni Julie Araneta.Hinawakan niya ang kamay ni Amanda at inakay ito papasok sa villa. Pagkatapos, tinawag niya ang isang kasambahay.“Dalhin mo rito ang bird’s nest soup na ipinahanda ko para kay Amanda.”Agad na pumunta sa kusina ang kasambahay. Maya-maya, bumalik ito dala ang isang mangkok ng mainit na sopas.Tinanggap iyon ni Amanda. “Salamat po, Ma.”“Walang anuman. Isang mangkok lang naman ’yan. Kung gusto mo, mag-uwi ka pa mamaya para may makain ka sa bahay.”Pagkatapos humigop ng ilang kutsara, ipinakuha ni Amanda sa mga katulong ang mga regalong dala nila. Iniharap niya ang mga iyon kay Julie at ngumiti.“Ma, happy

  • Remarried to the Legal Tycoon   CHAPTER 18

    Sa loob ng maraming taon, ibinigay ni Amanda ang pagmamahal at suporta niya kina Dominic at Julie. Kaya hindi niya maiwasang masaktan sa naging trato ng mga ito sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit, matapos ang lahat ng ginawa niya para sa kanila, parang wala lang iyon sa mga mata nila.Nang marinig niyang nagsara ang pinto sa likuran niya, pinilit niyang pigilan ang mga luha. Mabilis niyang inayos ang mukha para hindi mahalata ni Dominic ang lungkot at sama ng loob niya, pero hindi niya kayang itago ang pait na nararamdaman niya.Lumapit si Dominic nang mapansin ang paninigas ng kanyang katawan.“Anong problema?” tanong nito.Pinahid ni Amanda ang gilid ng mata at nag-isip ng maidadahilan. “Naalala ko lang na kailangan pala nating maghanda ng regalo para kay Papa, kay Tita Shirley, at kay Lucy pagbalik natin bukas. Matagal na rin tayong hindi nakakadalaw sa kanila. Baka may masabi na naman sila kapag wala tayong dalang regalo.”Si Shirley Arboleda ang legal na asawa ni Arnulf

  • Remarried to the Legal Tycoon   CHAPTER 16

    Maagang umalis si Amanda papunta sa The Gallery Art Museum. Dahil malakas ang ulan, inalok siya ni Dominic na ihatid gamit ang kotse nito.Pagdating nila, napansin ni Amanda ang isang puting BMW na nakaparada malapit sa entrance. Bumaba mula roon si Rizelle, ang babaeng kaagaw niya sa asawa na walang kaalam alam na bistado na niya sila.Napahinto si Amanda nang mapansin ang suot nitong kuwintas.Isang sapphire cat’s-eye necklace.Hindi niya iyon puwedeng mapagkamalan. Ganun din mismo ang kuwintas na ibinigay sa kanya ni Dominic noong Valentine’s Day. Halagang mahigit ₱8 million ang kuwintas na iyon, at sinabi pa ni Dominic na espesyal iyon dahil personal niyang pinili para kay Amanda.Pero bakit may kaparehas na kwintas ng sa kanya si Rizelle?“Ang ganda ng kuwintas mo,” komento ni Amanda habang pinipilit panatilihing normal ang tono.Napangiti si Rizelle at hinawakan ang pendant. “Gift sa akin ng boyfriend ko kahapon. Nagustuhan ko agad, kaya sinuot ko ngayon.”Saglit na tumingin si

  • Remarried to the Legal Tycoon   CHAPTER 15

    Nagising si Amanda bandang alas-otso ng umaga kinabukasan. Kahit mahaba ang tulog niya, pagod pa rin ang pakiramdam niya. Sa labas, tuloy-tuloy ang ulan.Pagkatapos mag-almusal, binuksan niya ang laptop at inayos ang mga litrato, video, screenshots, at audio recordings na nakalap niya. Nilagyan niya ang bawat file ng petsa at description bago ipadala ang mga kopya kay Jacob Laxamana, ang lawyer niya.May isa pa siyang gustong itanong.Amanda: Atty., maituturing bang pagsasama ang regular na pag-book ng hotel room ng isang married man para magkita sila ng kabit niya?Makalipas ang ilang minuto, sumagot si Jacob.Jacob: Depende sa facts at ebidensya. Hindi sapat ang regular na hotel bookings para masabing nagsasama na sila bilang mag-asawa. Kailangan nating malaman kung may matagal at tuloy-tuloy silang pagsasama sa paraang kinikilala ng batas.Amanda: Paano kung may records ng bookings nila sa Grandview Hotel, lalo na sa Room 1408?Jacob: Makakatulong iyon para patunayan ang pattern ng

  • Remarried to the Legal Tycoon   CHAPTER 14

    Hindi pa rin maalis sa isip ni Amanda ang nangyari sa restaurant. Kahit nakauwi na siya, paulit-ulit pa rin niyang naaalala ang itsura ni Dominic nang makita siya nito kasama si Rizelle.Ang bilis nitong umalis kasama ang ahas na kaibigan. Nasa gilid siya ng kama nang muling kunin ang cellphone niya. May ilang mensahe pa rin si Dominic, pero wala siyang balak sumagot. Hindi pa siya handang makinig sa mga paliwanag na puro palusot lang naman.Habang tinitingnan niya ang screen, may bagong mensaheng pumasok mula sa anonymous sender na ilang beses nang nagbigay sa kanya ng impormasyon tungkol sa asawa.Kung gusto mong malaman kung saan talaga pumupunta ang asawa mo at ang kabit nito, bantayan mo ang Grandview Hotel. Room 1408.Napakunot ang noo niya.Hindi iyon ang unang beses na nakatanggap siya ng impormasyon tungkol sa dalawa at sa parehas na hotel at kwarto. Ilang beses na siyang binalaan nito tungkol sa mga bagay na hindi niya alam tungkol kay Dominic. Sa una, nagduda siya. Sino ba

  • Remarried to the Legal Tycoon   CHAPTER 13

    “Amanda?”Napalingon si Amanda sa pamilyar na boses. Sa kabilang bahagi ng hallway, nakita niya si Jacob Laxamana, ang kilalang abogado na lihim niyang kinonsulta tungkol sa mga legal niyang opsyon kung sakaling tuluyan nang masira ang pagsasama nila ni Dominic.“Attorney Laxamana,” bati niya, bahagyang nagulat sa hindi inaasahang pagkikita.Bago pa sila makapag-usap, narinig niya ang yabag sa likuran. Lumingon si Dominic at biglang namutla nang makita ang asawa. Nasa tabi pa rin niya si Rizelle, pero mabilis nitong binitawan ang braso niya.“Babe? Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Dominic, pilit na itinatago ang pagkabigla.“Dapat ako ang magtanong sa ’yo niyan.” Tiningnan ni Amanda ang asawa nang diretso sa mga mata. “Akala ko ba nasa Montierra City ka?”“I can explain.”“Talaga? Kasi ang sabi mo, may problema sa materials ng project mo. Hindi mo naman nabanggit na may dinner ka pala rito kasama si Rizelle.”Napayuko si Rizelle, ngunit hindi nakaligtas kay Amanda ang mabilis na pag

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status