Halos manuyot ang lalamunan ko sa kaba dahil kaharap ko ang anim sa pinakamataas ang katungkulan sa Vessel, ang Main family.Sa pagkakaalala ko ay may labing dalawang miyembro ang Main family.Si Dante Russo at Margarette Russo ang lolo at lola ni Vlad, ay may tatlong anak.Si Sofia Russo De Vorga, ang panganay at kaisa-isang babaeng anak. Si Dillego Russo, ang pangalawa at adopted father ni Jared at huli ay si Alexander Russo, ang tatay ni Vlad. May dalawang anak na babae si Sofia, si Lilith at Vera. Si Dillego ay may isang biological na anak na lalaki, si Vicente at kasama din ang asawa nitong si Sylvia at adopted child na si Jared sa Main family. Si Alexander ay isa lamang ang anak at yun ay si Vlad, at ang huling miyembro ay ang anak ni Vlad na si Giovanni o Gio.Ang kaharap ko ngayon ay sina Sofia Russo, kasama ang dalawang anak nito. Si Dillego Russo at ang asawa niya, kasama ang biological na anak nitong si Vicente. Mukhang hindi nakadalo ang lolo at lola ni Vlad pati ang ama
최신 업데이트 : 2026-10-31 더 보기