Malamig, primitibo, at nakakatakot – ‘yan ang bagong buhay ni Andrea. At ang bago niyang bahay? Kuweba na puro mga balat lang ng hayop ang tela. Konting mga salted meats na hinanda ng ama ni Mistress Freya bago ito naglayag. May mga clay pots para sa tubig at iba pang mga pagkain. Hindi alam ni Andrea paano mabubuhay sa ganitong ka primitibong lugar. Sa kuwentong fantasy ng mga beastmen, ang tatay ni Mistress Freya ay isang mapangahas na scorpion-man. Ibig sabihin, si Freya ay may lahing scorpion. Pero sa mundong ito, hindi ganoon ka-obvious ang mga beastly features ng mga babae. Sa lahat ng lalake sa buhay ni Mistress Freya, tanging ama niya lang ang hindi nito tinorture. Sa totoo lang, grabe pa ang pagka-spoiled ni Mistress Freya sa ama nito. Kaya nga limang beastmen ang inialay sa kanya. Napatingin siya sa isa sa mga batya na may lamang tubig. Nakita niya ang kanyang reflection, at nagulat sa kanyang nakita! Purple ang buhok niya na may konting kulot, abot-dibdib at sobrang kinan
Last Updated : 2026-10-28 Read more