LOGIN“Namimihasa na ang mga beastmen. At mukhang napansin nila kung gaano na lang ang pagkakaiba ng mistress nila ngayon sa mistress nila noon.” inanalyze ni Andrea kung ano ba dapat ang next move niya.
Nung una, kusa siyang nagbigay ng dugo kay Hermes sa paghilom ng sugat ni Triton. Tapos, nakipag-deal sa kanya si Gin para makakuha ng dugo sa pagluto. At ngayon naman, barter para sa mga bolang asin.
Nagkakaroon na ng micro-economy dito sa bagong mundo ni Andrea.
“OK lang. Basta ba ‘di muna umabot sa sampung patak ng dugo ang mabigay ko sa kanya… at baka maunahan ako ng mga ‘to. ‘Di pwedeng mabawi ang mga kontrata ko sa kanila na di ko pa nakikita ang ama ni Freya.”
Hindi pinakita ni Andrea ang takot niya kay Triton. Muli niyang hinawakan ang kanyang pendant at binuksan muli ang kanyang sugat sa darili gamit nito. Piniga ni Andrea ang kanyang daliri para may lumabas na isang malaking patak ng dugo. Dahan-dahan siyang lumapit kay Triton at nilagay ang patak sa scorpion seal sa may dibdib ng merman. Umilaw ang seal at nabawasan ng konting kulay. Siyam na patak na lang, mawawala na si Triton sa kanyang kontrol.
“Isang patak para sa mga bola ng asin. Patas at tapat na kalakalan.” matapang na sinabi ni Andrea kay Triton. Tinatago ni Andrea ang kanyang takot sa kanya, bilang alam niya kung gaano siya kalakas ‘pag nawala na ang seal ng kontrata. “Maraming salamat, Triton.” pahabol ng dalaga.
Inabot ni Triton sa kanya ang mga bolang asin. ‘Di napansin ni Andrea na nahawakan niya ang mga to gamit ang sugatan niyang daliri.
“Aaa!” hikbi ni Andrea. Nagulat ang dalawang beastmen at ngayon lang nila narinig ang iyak ng nagmamalupit sa kanila. Napangiti si Triton at sa wakas, nakatikim na rin ng sakit ang mala-demonyong mistress.
Hinintay ni Gin na magalit siya sa kanila… pero ni masamang tingin, wala.
Madaling kinuha ni Andrea ang mga bola at nilapat ito sa lalagyan. Tinitimpi niya ang sakit at luhaan na ang mga mata niya. Pero hindi niya ‘to pinaalam sa dalawa. Habang nag-aayos ng mga gamit, hinawakan niya ang kanyang pendant para linisin ang dugo. Sa paghimas ng pendant, biglang dumilim ang paligid.
Bigla siyang napadpad sa isang kwarto. Foggy, parang Tagaytay lang. Sa ngayon, wala itong laman, pero bumangga sa isip niya na puwede itong paglagyan ng mga gamit.
“Aba, para ‘tong bulsa ni Doraemon ah.” excited na naisip ni Andrea. “Sa wakas, may magic na rin ako! ‘Di na lugi kahit paano.”
Inimagine lang ni Andrea, nakabalik na siya sa kuweba. Inutusan niya si Gin na dalhin na si Triton sa kanilang kweba nang makapag-pahinga na ang lahat para sa paglalakbay kinabukasan.
“Time to pack!”
Dahil sa bagong nadiskubreng magic ng kanyang kwintas, nakapag-impake si Andrea ng mga gamit galing sa kuweba – kahit mga items na di naman kailangan sa paglalakbay. Mga balat at balahibo ng mga hayop, mga pinggan, mga iba’t ibang primitibong kasangkapan… pati na rin konting mga bolang asin. Inisip niya, at least may pwede siyang mapaglagyan ng mga importanteng gamit at hindi siya mapapagod kaka-bitbit. Habang nag-iimpake, nangarap din siyang sana nagkaroon na ng ganitong teknolohiya sa mundong pinanggalingan niya.
Nagtira siya ng mga ibang gamit sa kuweba para hindi siya mapaghalataan. Hindi niya kayang ibunyag sa mga beastmen na may special power na rin siya. Kahit na anong bait na niya, sigurado pa rin siyang may malaking “target” sa kaniyang likod para sa mga beastmen.
Basta ba matupad niya ang planong makita ang ama ni Freya para may high-level beastman na magtatanggol sa kanya.
Sa mundo ng mga beastman, may iba’t ibang levels ng power. Ang ama ni Freya, si Vali, ay isa sa mga nasa pangalawang baitang ng lakas. Ibig sabihin, mas malakas siya sa mga ka-kontrata niyang beastmen. At least yun yung alam niya.
Binibisita na ng antok si Andrea. Inisa-isa niya ang logistics, supplies, route, at iba pa para sa paglakbay nila. Ginamitan niya ng SWOT analysis ang bawat kakontrata niya.
“Para kay Lev: Strengths: well, malakas siya. Siya ang fighter ng grupo. Weakness: hindi ko pa alam. Opportunities: kung may magtangka sa kin na beastman, puwedeng idefend niya ‘ko. Threats: puwedeng patayin niya ko.”
“Kay Altair naman. Huh… wala pa kong alam sa kanya. Bukod sa pogi siya and kamukha ng fave K-drama actor ko. Haha. Siguro siya ang puwede kong pambato sa mga diplomatic na usapan? Mukhang may pinag-aralan si kuya.”
“Si Gin. Strengths: may sense of humor. Weakness: minsan uto-uto. Or baka pabebe lang? Opportunities: mukhang siya ang puwede kong kaibiganin para maka-espiya sa ibang mga beastmen. Threats: ay… baka pala siya ang espiya para sa mga beastmen. Sa kanilang lima, siya ang pinaka-magaan ang loob ko. May gayuma ba yung barbeque kanina?”
“Si Hermes naman. Napaka-mysterious. For sure, ang strength niya ay ang pagiging healer niya... pero hanggang 9 times na lang ko puwedeng mag-utos sa kanya ng ganun. Weakness: hindi ko pa alam. Opportunities and Threats… masyado pang maaga para malaman. Kailangan ko pa makasalamuha ang mga ‘to.”
“Huli naman si Triton. Paano ko ba siya mapapakinabangan eh kailangan pa namin siyang bitbitin habang nagtatravel? Strengths: Gumagawa ng asin. Magaling lumangoy. Weakness: ‘di makagalaw sa lupa. Opportunities: sa naaalala ko, mas malakas pa siya kay Lev. Baka puwede kong magamit ang merman magic niya. Threats: mukhang siya ang pinaka-matindi ang galit sa akin… ay kay Mistress Freya pala.”
Napailing si Andrea nang narealize niyang lahat sila, galit na galit pa rin sa kanya. Ang tanong – kailangan niya bang ma-convert ang mga yun para ‘di siya saktan? Extra effort pa para sa kanya. At ano na lang ang gagawin ni Andrea ‘pag umiral na yung “carnal desires” ng mga beastmen? Kapag nalagyan na sila ng kontrata, naghahanap na ng aksyon yung mga katawan nila.
“Hay nako. Hindi. Ako. Ready.” bulong ni Andrea sa kanyang sarili. Unti-unti na siyang nakakatulog.
Hindi niya nahalata, pero may nakapasok sa kuweba. Matangkad. Misteryoso. Pinulupot nito ang kamay sa leeg ni Andrea.
‘Di na napigilan ni Andrea ang maka-idlip. Sa dami ba naman ng nadaanan niyang life-threatening situations sa isang araw lang? Hindi lang isang perfectly-abled, grown man ang galit sa kanya – lima pa. At ‘di lang sila mga normal na lalake… may mga kakaibang kapangyarihan pa.Oras na para mamahinga…hlajhaldskfhlsadjkkklllllllllllllllllllllllllllllllWalang maintindihan sa monitor ni Andrea, 26, office clerk. Nakapatong sa keyboard ang kanyang mukha. “Whaa!” biglang pagbangon nito. “Huh? Panaginip lang ba yung lahat ng iyon? Parang masyadong makatotohanan! Well… I guess sa panaginip lang ako kakausapin ng mga poging lalake. Hay...” sabay buntong-hininga ng overworked girly na ito. Napatingin sa paligid si Andrea na tila bang naalipungatan. Sigurado siyang totoo ang lahat ng nangyari. At mas lalong totoo ang kaba at takot niya sa mga beastmen. Totoo rin na medyo na-kyutan siya sa kanila.Bawat detalye doon sa mundo ng mga beastmen, sobrang damang-dama niya. “Baka special edition na p
“Namimihasa na ang mga beastmen. At mukhang napansin nila kung gaano na lang ang pagkakaiba ng mistress nila ngayon sa mistress nila noon.” inanalyze ni Andrea kung ano ba dapat ang next move niya.Nung una, kusa siyang nagbigay ng dugo kay Hermes sa paghilom ng sugat ni Triton. Tapos, nakipag-deal sa kanya si Gin para makakuha ng dugo sa pagluto. At ngayon naman, barter para sa mga bolang asin. Nagkakaroon na ng micro-economy dito sa bagong mundo ni Andrea. “OK lang. Basta ba ‘di muna umabot sa sampung patak ng dugo ang mabigay ko sa kanya… at baka maunahan ako ng mga ‘to. ‘Di pwedeng mabawi ang mga kontrata ko sa kanila na di ko pa nakikita ang ama ni Freya.”Hindi pinakita ni Andrea ang takot niya kay Triton. Muli niyang hinawakan ang kanyang pendant at binuksan muli ang kanyang sugat sa darili gamit nito. Piniga ni Andrea ang kanyang daliri para may lumabas na isang malaking patak ng dugo. Dahan-dahan siyang lumapit kay Triton at nilagay ang patak sa scorpion seal sa may dibdib
Imbis na makatulog at managinip, naalipungatan si Andrea sa biglaang pagpasok ng fox-man sa kanyang bagong tahanan. “Baka naman may lason ‘to?” hindi mapakaling inisip ni Andrea. “Sa bagay, ‘di pa rin niya ako pwedeng masaktan at naka-kontrata pa rin siya sa ‘kin. Siya ang masasaktan ‘pag may mangyaring masama sa ‘kin. Salamat sa power ng contract.”Habang nagrarationalize si Andrea, pasarap ng pasarap ang itsura ng barbeque meat na alok ni Gin. Pork belly yata ‘to. Medyo charred pero parang ready na talaga makain.“Hindi pa pala ako nakakakain kahit ilang oras na kong nasa mundong ‘to… Sige na nga!” wari ni Andrea. Pwede niyang gawing taga-luto itong si Gin para mag-survive siya.“Bawat limang beses na paglulutuan mo ako… Bibigyan kita ng isang patak ng dugo sa seal mo.” alok ni Andrea kay Gin. Naguluhan ang beastman. Makikita sa kanyang berdeng mga mata ang pagtataka. Sa lahat ng mga kakontratang beastmen ni Mistress Freya, siya ang pinaka-mukhang chill lang. Kahit na sugatan dahi
Hindi pa rin kumbinsado ang mga beastmen na nagbago bigla ang kanilang sadistang mistress. “Ano na namang bagong torture ito?” tanong ni Gin kay Lev. Tumawa lang ang lion-man sa tanong ng fox-man, kasi siya rin takang-taka sa nangyayari. Lumapit kay Andrea ang snake-man na si Hermes. Straight ang titig sa mata ng dalaga, walang bahid ng tuwa sa mukha. “Anong kalokohan ito, Mistress? Alam mo naman na wala kang ginawa kundi saktan kami. Bakit mo naman naisip na tutulungan ka namin?” Kahit na halatang may galit, mahinahon pa rin ang pagkabitaw ng mga salita ng Hermes, na kusang-loob na pumunta kay Mistress Freya noon para makipag-kontrata. Nanginig si Andrea sa takot. Ngayon lang sumapi sa kanya na malalakas ang mga beastmen na ito. At kung hindi dahil sa mga kontrata niya sa kanila, matagal na siyang pinatay sigurado.“Kapag maayos niyo kong madadala sa kinaroroonan ng aking ama, bibigyan ko kayo ng gantimpala.” tugon ni Andrea. “Sa ngayon, ‘yan lang ang gusto kong gawin ninyo. Aalis
Malamig, primitibo, at nakakatakot – ‘yan ang bagong buhay ni Andrea. At ang bago niyang bahay? Kuweba na puro mga balat lang ng hayop ang tela. Konting mga salted meats na hinanda ng ama ni Mistress Freya bago ito naglayag. May mga clay pots para sa tubig at iba pang mga pagkain. Hindi alam ni Andrea paano mabubuhay sa ganitong ka primitibong lugar. Sa kuwentong fantasy ng mga beastmen, ang tatay ni Mistress Freya ay isang mapangahas na scorpion-man. Ibig sabihin, si Freya ay may lahing scorpion. Pero sa mundong ito, hindi ganoon ka-obvious ang mga beastly features ng mga babae. Sa lahat ng lalake sa buhay ni Mistress Freya, tanging ama niya lang ang hindi nito tinorture. Sa totoo lang, grabe pa ang pagka-spoiled ni Mistress Freya sa ama nito. Kaya nga limang beastmen ang inialay sa kanya. Napatingin siya sa isa sa mga batya na may lamang tubig. Nakita niya ang kanyang reflection, at nagulat sa kanyang nakita! Purple ang buhok niya na may konting kulot, abot-dibdib at sobrang kinan
“Drea, you can do better!” Buntong-hininga. Click-clack. Walang katapusang pagtatype sa computer. Mag-isa sa opisina. ‘Yan si Andrea Trinidad, 26 years old, matalino at maasahan sa lahat. Kaya nga siya lang palaging nag-oovertime sa team. “I have so much to do… Teka… gutom na ba ‘ko?” tanong ni Andrea sa kanyang sarili. Minsan, sa sobrang dami mong kailangang gawin, ‘di mo na napapansin kung kailan ka pa huling kumain, ilang oras kang natulog, at…BOOGSH!… Kung buhay ka pa.Bumalot ang dilim kay Andrea. Nawala ang music na pinapatugtog niyang pampagising sa opisina. Dead silence. Mistulang hindi niya magalaw ang katawan. “Nasan na ba ‘ko?” nalilitong tanong niya.May narinig siyang boses ng lalake. Malutong na hampas ng latigo. Nang buksan niya ang mga mata… siya pala ang may hawak nito. “Wait lang… ba’t ako naglalatigo? Sino tong hinahampas ko?” Nagtaka si Andrea at never pa naman niyang natry mag-latigo. Tinignan niya ang kanyang suot. “Animal print ba to?” Hinawakan niya it







