LOGIN
“Drea, you can do better!”
Buntong-hininga. Click-clack. Walang katapusang pagtatype sa computer. Mag-isa sa opisina. ‘Yan si Andrea Trinidad, 26 years old, matalino at maasahan sa lahat. Kaya nga siya lang palaging nag-oovertime sa team.
“I have so much to do… Teka… gutom na ba ‘ko?” tanong ni Andrea sa kanyang sarili. Minsan, sa sobrang dami mong kailangang gawin, ‘di mo na napapansin kung kailan ka pa huling kumain, ilang oras kang natulog, at…
BOOGSH!
… Kung buhay ka pa.
Bumalot ang dilim kay Andrea. Nawala ang music na pinapatugtog niyang pampagising sa opisina.
Dead silence. Mistulang hindi niya magalaw ang katawan.
“Nasan na ba ‘ko?” nalilitong tanong niya.
May narinig siyang boses ng lalake. Malutong na hampas ng latigo.
Nang buksan niya ang mga mata… siya pala ang may hawak nito.
“Wait lang… ba’t ako naglalatigo? Sino tong hinahampas ko?”
Nagtaka si Andrea at never pa naman niyang natry mag-latigo. Tinignan niya ang kanyang suot. “Animal print ba to?” Hinawakan niya ito. “Ay balat talaga ng hayop! Ba’t ako naka-costume? At nasaan ba ‘ko? Sino ‘tong nilalatigo ko?”
Sabay tingin ni Andrea sa lalakeng nakahandusay sa paanan niya. Duguan ito dahil sa napakaraming sugat, na malamang ay kagagawan niya. Kahit na mangiyak-ngiyak ang binata sa sakit, kitang-kita ang lakas sa kanyang mga braso. Kaya naman niyang pigilan ang mga atake ng latigo, pero tinanggap niya lang ito.
“Ano, tapos ka na ba, Mistress Freya?” mahinang nagsalita ang lalakeng kaharap niya. Nagulat si Andrea sa nakita niya: dilaw na mga mata, silver-white na buhok, mukha ng isang prinsipe… sobrang kamukha ng mga characters sa binabasa niyang fantasy novel. Bigla nitong naalala…
“Mistress Freya? Andito ako ngayon sa kuwento nila!” saka niya na-realize na sumakabilang-buhay na siya from her normal life… at nandito na siya sa loob ng fantasy story na kina-adikan niya.
“Mistress Freya,” patuloy ng lalake, “kulang pa ba sa inyo ang sugat ko?”
Napahinto si Andrea. Alam niya ang kuwentong ito! At kilalang-kilala niya si Mistress Freya kasi galit na galit siya rito.
“At ako pa ang ultimate kontrabida!?!” wari niya. Sa lahat ng puwedeng puntahan na fantasy stories, dito pa talaga sa mundo ng mga “beastmen” kung saan medyo primitibo pa ang mundo. At isa siya sa mga characters na mamamatay kinalaunan.
“Oh my gosh. Bakit naging si Freya pa ‘ko?” nataranta si Andrea, pero kunwari cool lang siya. Hindi puwedeng malaman ng beastman na ibang tao na ang kaharap niya.
Sa naaalala niya, may limang lalaking beastmen ang inialay ng ama ni Mistress Freya sa kanya. Pero imbis na pagpilian niya ng magiging mate, sinipag siyang itorture ang bawat isa: si Hermes, ang snake-man, si Altair, ang crane-man, si Gin, ang fox-man, si Lev, ang lion-man, at si Triton, ang merman. Yes, may merman. Buti hindi shokoy!
Ayon sa kwento ni Mistress Freya and the Five Beastmen, malupitang tinotorture ni Freya ang bawat isa sa kanila hanggang sa sila’y magrebelde at gumawa ng elaborate plan para mapatay ang babae – at kailangang maiwasan ito ni Andrea.
“Walang idea tong mga to na hindi na ko si Mistress Freya” pabulong na kinausap niya ang kanyang sarili. Napatingin ulit si Andrea sa sugatang binata at nagpanic sa dami ng dugo. May nakita siyang mga healing herbs at tumakbo para mamulot nito.
“Dali, itapal natin to sa mga sugat mo!” pasigaw na utos ni Andrea sa beastman.
Sinubukan niyang tulungan ang beastman na todo-ilag naman sa kanya. “Anong bagong torture ‘to?” tanong ng lalake. Napaka-cold ng pagtitig nito kay Andrea. Siyempre, sino ba namang manglalatigo ng tao sabay bibigyan ng gamot? Napailang ang beastman kay Andrea at umiwas ng tingin. Pero hindi mapagkakaila na siya ay naging curious sa biglang pagbago ng Mistress. Nagnanakaw siya ng sulyap, natatago ang kanyang dilaw na mga mata ng kanyang silver-white hair.
Biglang na-realize ni Andrea na masyado nga siyang mabait para maging si Mistress Freya. Inaral niya ang itsura ng kanyang kasamang beastman: maputi, matikas, pero di ganoon kalakihan ang katawan. Dilaw ang mga mata. Inisip niya na malamang, ito si Hermes, ang snake-man.Sa sobrang gulo ng isip ni Andrea, hindi niya napansing kasama din nila ang tatlong ibang beastmen: sina Altair, Gin, at Lev. Pare-parehong sugatan mula sa paglalatigo. Pare-parehong masama ang tingin sa kanya.
“Ang saya sana na tinititigan ako ng mga poging ‘to, pero hindi yung ganitong asar sila sa ‘kin” wari ni Andrea.
“Hermes,” pa-utos na sabi ni Andrea, “nasaan na si Triton?”
“Kung di mo naaalala, pinagtatanggal mo ang mga kaliskis niya.” sagot ni Hermes, masama pa rin ang titig sa kanya.
“Puwes, kunin niyo siya at dalhin sa ‘kin.” Hindi kaya ni Andrea tignan ang mga sugat nila.
Madali siyang nagpunta sa kuweba ni Mistress Freya na ilang hakbang lang ang layo mula sa kaniyang “torture den.”
Hindi makapaniwala ang apat na beastmen sa biglaang personality make-over ng kanilang Mistress Freya. Nang malayo na si Andrea, isa-isa silang nagsimulang magtawanan – imposibleng maging ganito ka-bait ang babaeng nagbigay sa kanila ng mala-impiyernong buhay, araw-araw!
Narinig ni Andrea ang kanilang halakhak habang nababalot siya ng takot. Dahil alam niyang kung hindi siya kikilos, ang ending niya ay papatayin siya ng limang beastmen na naka-kontrata sa kanya.
‘Di na napigilan ni Andrea ang maka-idlip. Sa dami ba naman ng nadaanan niyang life-threatening situations sa isang araw lang? Hindi lang isang perfectly-abled, grown man ang galit sa kanya – lima pa. At ‘di lang sila mga normal na lalake… may mga kakaibang kapangyarihan pa.Oras na para mamahinga…hlajhaldskfhlsadjkkklllllllllllllllllllllllllllllllWalang maintindihan sa monitor ni Andrea, 26, office clerk. Nakapatong sa keyboard ang kanyang mukha. “Whaa!” biglang pagbangon nito. “Huh? Panaginip lang ba yung lahat ng iyon? Parang masyadong makatotohanan! Well… I guess sa panaginip lang ako kakausapin ng mga poging lalake. Hay...” sabay buntong-hininga ng overworked girly na ito. Napatingin sa paligid si Andrea na tila bang naalipungatan. Sigurado siyang totoo ang lahat ng nangyari. At mas lalong totoo ang kaba at takot niya sa mga beastmen. Totoo rin na medyo na-kyutan siya sa kanila.Bawat detalye doon sa mundo ng mga beastmen, sobrang damang-dama niya. “Baka special edition na p
“Namimihasa na ang mga beastmen. At mukhang napansin nila kung gaano na lang ang pagkakaiba ng mistress nila ngayon sa mistress nila noon.” inanalyze ni Andrea kung ano ba dapat ang next move niya.Nung una, kusa siyang nagbigay ng dugo kay Hermes sa paghilom ng sugat ni Triton. Tapos, nakipag-deal sa kanya si Gin para makakuha ng dugo sa pagluto. At ngayon naman, barter para sa mga bolang asin. Nagkakaroon na ng micro-economy dito sa bagong mundo ni Andrea. “OK lang. Basta ba ‘di muna umabot sa sampung patak ng dugo ang mabigay ko sa kanya… at baka maunahan ako ng mga ‘to. ‘Di pwedeng mabawi ang mga kontrata ko sa kanila na di ko pa nakikita ang ama ni Freya.”Hindi pinakita ni Andrea ang takot niya kay Triton. Muli niyang hinawakan ang kanyang pendant at binuksan muli ang kanyang sugat sa darili gamit nito. Piniga ni Andrea ang kanyang daliri para may lumabas na isang malaking patak ng dugo. Dahan-dahan siyang lumapit kay Triton at nilagay ang patak sa scorpion seal sa may dibdib
Imbis na makatulog at managinip, naalipungatan si Andrea sa biglaang pagpasok ng fox-man sa kanyang bagong tahanan. “Baka naman may lason ‘to?” hindi mapakaling inisip ni Andrea. “Sa bagay, ‘di pa rin niya ako pwedeng masaktan at naka-kontrata pa rin siya sa ‘kin. Siya ang masasaktan ‘pag may mangyaring masama sa ‘kin. Salamat sa power ng contract.”Habang nagrarationalize si Andrea, pasarap ng pasarap ang itsura ng barbeque meat na alok ni Gin. Pork belly yata ‘to. Medyo charred pero parang ready na talaga makain.“Hindi pa pala ako nakakakain kahit ilang oras na kong nasa mundong ‘to… Sige na nga!” wari ni Andrea. Pwede niyang gawing taga-luto itong si Gin para mag-survive siya.“Bawat limang beses na paglulutuan mo ako… Bibigyan kita ng isang patak ng dugo sa seal mo.” alok ni Andrea kay Gin. Naguluhan ang beastman. Makikita sa kanyang berdeng mga mata ang pagtataka. Sa lahat ng mga kakontratang beastmen ni Mistress Freya, siya ang pinaka-mukhang chill lang. Kahit na sugatan dahi
Hindi pa rin kumbinsado ang mga beastmen na nagbago bigla ang kanilang sadistang mistress. “Ano na namang bagong torture ito?” tanong ni Gin kay Lev. Tumawa lang ang lion-man sa tanong ng fox-man, kasi siya rin takang-taka sa nangyayari. Lumapit kay Andrea ang snake-man na si Hermes. Straight ang titig sa mata ng dalaga, walang bahid ng tuwa sa mukha. “Anong kalokohan ito, Mistress? Alam mo naman na wala kang ginawa kundi saktan kami. Bakit mo naman naisip na tutulungan ka namin?” Kahit na halatang may galit, mahinahon pa rin ang pagkabitaw ng mga salita ng Hermes, na kusang-loob na pumunta kay Mistress Freya noon para makipag-kontrata. Nanginig si Andrea sa takot. Ngayon lang sumapi sa kanya na malalakas ang mga beastmen na ito. At kung hindi dahil sa mga kontrata niya sa kanila, matagal na siyang pinatay sigurado.“Kapag maayos niyo kong madadala sa kinaroroonan ng aking ama, bibigyan ko kayo ng gantimpala.” tugon ni Andrea. “Sa ngayon, ‘yan lang ang gusto kong gawin ninyo. Aalis
Malamig, primitibo, at nakakatakot – ‘yan ang bagong buhay ni Andrea. At ang bago niyang bahay? Kuweba na puro mga balat lang ng hayop ang tela. Konting mga salted meats na hinanda ng ama ni Mistress Freya bago ito naglayag. May mga clay pots para sa tubig at iba pang mga pagkain. Hindi alam ni Andrea paano mabubuhay sa ganitong ka primitibong lugar. Sa kuwentong fantasy ng mga beastmen, ang tatay ni Mistress Freya ay isang mapangahas na scorpion-man. Ibig sabihin, si Freya ay may lahing scorpion. Pero sa mundong ito, hindi ganoon ka-obvious ang mga beastly features ng mga babae. Sa lahat ng lalake sa buhay ni Mistress Freya, tanging ama niya lang ang hindi nito tinorture. Sa totoo lang, grabe pa ang pagka-spoiled ni Mistress Freya sa ama nito. Kaya nga limang beastmen ang inialay sa kanya. Napatingin siya sa isa sa mga batya na may lamang tubig. Nakita niya ang kanyang reflection, at nagulat sa kanyang nakita! Purple ang buhok niya na may konting kulot, abot-dibdib at sobrang kinan
“Drea, you can do better!” Buntong-hininga. Click-clack. Walang katapusang pagtatype sa computer. Mag-isa sa opisina. ‘Yan si Andrea Trinidad, 26 years old, matalino at maasahan sa lahat. Kaya nga siya lang palaging nag-oovertime sa team. “I have so much to do… Teka… gutom na ba ‘ko?” tanong ni Andrea sa kanyang sarili. Minsan, sa sobrang dami mong kailangang gawin, ‘di mo na napapansin kung kailan ka pa huling kumain, ilang oras kang natulog, at…BOOGSH!… Kung buhay ka pa.Bumalot ang dilim kay Andrea. Nawala ang music na pinapatugtog niyang pampagising sa opisina. Dead silence. Mistulang hindi niya magalaw ang katawan. “Nasan na ba ‘ko?” nalilitong tanong niya.May narinig siyang boses ng lalake. Malutong na hampas ng latigo. Nang buksan niya ang mga mata… siya pala ang may hawak nito. “Wait lang… ba’t ako naglalatigo? Sino tong hinahampas ko?” Nagtaka si Andrea at never pa naman niyang natry mag-latigo. Tinignan niya ang kanyang suot. “Animal print ba to?” Hinawakan niya it







