Share

Chapter 6: Nananaginip ng so real!

last update publish date: 2026-10-28 17:38:33

‘Di na napigilan ni Andrea ang maka-idlip. 

Sa dami ba naman ng nadaanan niyang life-threatening situations sa isang araw lang? Hindi lang isang perfectly-abled, grown man ang galit sa kanya – lima pa. At ‘di lang sila mga normal na lalake… may mga kakaibang kapangyarihan pa.

Oras na para mamahinga…

hlajhaldskfhlsadjkkklllllllllllllllllllllllllllllll

Walang maintindihan sa monitor ni Andrea, 26, office clerk. Nakapatong sa keyboard ang kanyang mukha. 

“Whaa!” biglang pagbangon nito. “Huh? Panaginip lang ba yung lahat ng iyon? Parang masyadong makatotohanan! Well… I guess sa panaginip lang ako kakausapin ng mga poging lalake. Hay...” sabay buntong-hininga ng overworked girly na ito. 

Napatingin sa paligid si Andrea na tila bang naalipungatan. Sigurado siyang totoo ang lahat ng nangyari. At mas lalong totoo ang kaba at takot niya sa mga beastmen. Totoo rin na medyo na-kyutan siya sa kanila.

Bawat detalye doon sa mundo ng mga beastmen, sobrang damang-dama niya. “Baka special edition na panaginip yun. I guess, salamat na lang at may nakasama akong mga pogi doon? Hahaha.” pabulong na kinausap ni Andrea ang kanyang sarili.

“OK, time to work.”

Click-clack. At muling nag-concentrate ang dakilang employee of the century. Nagsusulat siya ng summary ng financial reports ng kaniyang team. Sa kaniya na ito pinagkatiwala kahit na dapat may kahati pa siyang mga tatlong ibang tao sa task na ‘to. Unfair, pero ayaw niya kasi kung paano magsulat yung iba. 

“Seventy million pesos mula kay client… Altair. Para sa penthouse unit sa Cypress Tower…Al… ta… ir? Ba’t parang familiar sa kin yung pangalan na ‘yun?” Dahan-dahan niyang tinype ang pangalan. Patuloy niyang ni-review ang mga kailangang isama sa report.

“Hmm… at may kailangan pala kaming sinigilin na big client. Baka naman scammer ‘to? Please send a nudge/special notice to Mr. Gin, following up on his promised amount to pay… Ugh very scammer si kuya, ah!” natawa ang dalaga. “Huh? Gin? ‘Di ba may kilala din akong Gin?” 

“Follow up deliverables for the completed order of Mr. Hermes and Mr. Lev. Need a sit-down meeting with them at a fancy hotel.” patuloy na pag-type ni Andrea sa kanyang computer. Hindi siya mapakali sa mga pangalang nilalagay niya. 

“Sana ako ipadala dun sa meeting sa kanila. Hehe ang guwapo ng names eh, wahaha!” side comment niya habang nag-iimagine na pinalilibutan ng dalawang foreign businessmen na matipuno and well-mannered. “Hay, sana maka-chamba ako sa poging client na mabait din, please~”

“Schedule a home visit to Mr. Triton. He’s paralyzed from the waist down, but we need to maintain close ties with client. Please bring some gifts. Note: He doesn’t like seafood.” ang susunod naman na tinype ni Andrea, tungkol sa isang client na malaki ang ambag sa kanilang stocks, ngunit hirap bumisita sa kanilang opisina. 

“Wawa naman tong si Mr. Triton. I guess patas yung mundo, kasi super yaman niya nga, pero at what cost? Muwahahahaha!” sinabi ni Andrea, with matching evil laugh na parang sa anime. “Uh… grabe naman maka-kontrabida ng tawa ko. ‘Di naman ako evil haha pero ang saya lang na may hustisya pa sa world.” dagdag na kuda niya, in her head lang naman.

Mistulang ilang oras na ang lumipas nang kaniyang napansing… may araw na pala.

“Hala! Ang O.A. naman ng O.T. ko today!” nagulat si Andrea nang maaninag ang araw mula sa blinds ng office. Napakaganda ng unang salta ng sunshine. Dahan-dahang binabalot ang mga buildings with a yellow-orange glow… Nabighani si Andrea at napa-buntong-hininga rito. 

“Kahit na hirap ako sa mundong to, maganda pa rin ito. I feel like… I can slay this lifetime… SLAY THIS LIFETIME!? OMG sobrang pa-profound!” patawa nitong saloobin habang may hawak na mug of coffee.

Ano nga ba para kay Andrea Trinidad, 26, office clerk, ang magandang life?

Simple lang naman ang pangarap niya.

Makapag-ipon bilang employee. Medyo mahirap nga lang sa ngayon. Matutunan ang galawan ng negosyo. At balang-araw, makapagbukas ng sarili niyang real estate company. 

Alam ni Andrea na hindi siya pinalad na maging rich kid. Kung pinanganak lang siyang ‘di na kailangang magbigay sa magulang, eh di sana noon pa siya nakapagsimula sa pangarap niyang woman-led real estate company. 

Tapos, sa love life naman… Hindi niya pa alam kung anong gagawin. Kasi wala pa naman siyang naging partner before. Hindi niya alam paano makipag-flirt, sa dami ba naman ng kailangan niyang gawin – both at the office and at home.

Hanggang basa-basa lang siya ng fantasy novels. At least doon, mararamdaman niya kung anong pakiramdam ng hinahabol…ng pinag-aagawan... ng pinakamagandang babae sa buong kuwento. 

Pero never niyang naisip kung anong gagawin niya kung siya yung napunta sa mga mundo ng novels na ‘to. Kung sa bagay, puro pag-OOT lang alam niyang gawin. Gawaing bahay. Manood ng movies. Mag-imagine ng fantasy stories. 

“Konting tiis lang, Drea. Maaabot mo rin ang lahat ng inaasam-asam mo.” napaka-lambot ng kanyang boses habang pinapanood ang pagsikat ng araw. Uminom siya ng konting kape…

“AUGH!” 

Walang-prenong pag-ubo. Balik sa malamig na kuwebang ngayon ay tirahan na ni Andrea, a.k.a. Mistress Freya. Dahan-dahan niyang binuksan ang mga mata. Wala pa sa tamang ulirat ang kanyang diwa. 

“Kaninong kamay ‘to?” nagtatakang tanong ni Andrea habang pilit na tinatanggal ang malaking kamay na nakapulupot sa kanyang leeg.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Transmigrated into a Kontrabida Lead: My Beastly Desires   Chapter 6: Nananaginip ng so real!

    ‘Di na napigilan ni Andrea ang maka-idlip. Sa dami ba naman ng nadaanan niyang life-threatening situations sa isang araw lang? Hindi lang isang perfectly-abled, grown man ang galit sa kanya – lima pa. At ‘di lang sila mga normal na lalake… may mga kakaibang kapangyarihan pa.Oras na para mamahinga…hlajhaldskfhlsadjkkklllllllllllllllllllllllllllllllWalang maintindihan sa monitor ni Andrea, 26, office clerk. Nakapatong sa keyboard ang kanyang mukha. “Whaa!” biglang pagbangon nito. “Huh? Panaginip lang ba yung lahat ng iyon? Parang masyadong makatotohanan! Well… I guess sa panaginip lang ako kakausapin ng mga poging lalake. Hay...” sabay buntong-hininga ng overworked girly na ito. Napatingin sa paligid si Andrea na tila bang naalipungatan. Sigurado siyang totoo ang lahat ng nangyari. At mas lalong totoo ang kaba at takot niya sa mga beastmen. Totoo rin na medyo na-kyutan siya sa kanila.Bawat detalye doon sa mundo ng mga beastmen, sobrang damang-dama niya. “Baka special edition na p

  • Transmigrated into a Kontrabida Lead: My Beastly Desires   Chapter 5: Self-imposed Overtime

    “Namimihasa na ang mga beastmen. At mukhang napansin nila kung gaano na lang ang pagkakaiba ng mistress nila ngayon sa mistress nila noon.” inanalyze ni Andrea kung ano ba dapat ang next move niya.Nung una, kusa siyang nagbigay ng dugo kay Hermes sa paghilom ng sugat ni Triton. Tapos, nakipag-deal sa kanya si Gin para makakuha ng dugo sa pagluto. At ngayon naman, barter para sa mga bolang asin. Nagkakaroon na ng micro-economy dito sa bagong mundo ni Andrea. “OK lang. Basta ba ‘di muna umabot sa sampung patak ng dugo ang mabigay ko sa kanya… at baka maunahan ako ng mga ‘to. ‘Di pwedeng mabawi ang mga kontrata ko sa kanila na di ko pa nakikita ang ama ni Freya.”Hindi pinakita ni Andrea ang takot niya kay Triton. Muli niyang hinawakan ang kanyang pendant at binuksan muli ang kanyang sugat sa darili gamit nito. Piniga ni Andrea ang kanyang daliri para may lumabas na isang malaking patak ng dugo. Dahan-dahan siyang lumapit kay Triton at nilagay ang patak sa scorpion seal sa may dibdib

  • Transmigrated into a Kontrabida Lead: My Beastly Desires   Chapter 4: Sari-saring Gutom

    Imbis na makatulog at managinip, naalipungatan si Andrea sa biglaang pagpasok ng fox-man sa kanyang bagong tahanan. “Baka naman may lason ‘to?” hindi mapakaling inisip ni Andrea. “Sa bagay, ‘di pa rin niya ako pwedeng masaktan at naka-kontrata pa rin siya sa ‘kin. Siya ang masasaktan ‘pag may mangyaring masama sa ‘kin. Salamat sa power ng contract.”Habang nagrarationalize si Andrea, pasarap ng pasarap ang itsura ng barbeque meat na alok ni Gin. Pork belly yata ‘to. Medyo charred pero parang ready na talaga makain.“Hindi pa pala ako nakakakain kahit ilang oras na kong nasa mundong ‘to… Sige na nga!” wari ni Andrea. Pwede niyang gawing taga-luto itong si Gin para mag-survive siya.“Bawat limang beses na paglulutuan mo ako… Bibigyan kita ng isang patak ng dugo sa seal mo.” alok ni Andrea kay Gin. Naguluhan ang beastman. Makikita sa kanyang berdeng mga mata ang pagtataka. Sa lahat ng mga kakontratang beastmen ni Mistress Freya, siya ang pinaka-mukhang chill lang. Kahit na sugatan dahi

  • Transmigrated into a Kontrabida Lead: My Beastly Desires   Chapter 3: Nagbabakasakali

    Hindi pa rin kumbinsado ang mga beastmen na nagbago bigla ang kanilang sadistang mistress. “Ano na namang bagong torture ito?” tanong ni Gin kay Lev. Tumawa lang ang lion-man sa tanong ng fox-man, kasi siya rin takang-taka sa nangyayari. Lumapit kay Andrea ang snake-man na si Hermes. Straight ang titig sa mata ng dalaga, walang bahid ng tuwa sa mukha. “Anong kalokohan ito, Mistress? Alam mo naman na wala kang ginawa kundi saktan kami. Bakit mo naman naisip na tutulungan ka namin?” Kahit na halatang may galit, mahinahon pa rin ang pagkabitaw ng mga salita ng Hermes, na kusang-loob na pumunta kay Mistress Freya noon para makipag-kontrata. Nanginig si Andrea sa takot. Ngayon lang sumapi sa kanya na malalakas ang mga beastmen na ito. At kung hindi dahil sa mga kontrata niya sa kanila, matagal na siyang pinatay sigurado.“Kapag maayos niyo kong madadala sa kinaroroonan ng aking ama, bibigyan ko kayo ng gantimpala.” tugon ni Andrea. “Sa ngayon, ‘yan lang ang gusto kong gawin ninyo. Aalis

  • Transmigrated into a Kontrabida Lead: My Beastly Desires   Chapter 2: Paano kaibiganin ang kalaban?

    Malamig, primitibo, at nakakatakot – ‘yan ang bagong buhay ni Andrea. At ang bago niyang bahay? Kuweba na puro mga balat lang ng hayop ang tela. Konting mga salted meats na hinanda ng ama ni Mistress Freya bago ito naglayag. May mga clay pots para sa tubig at iba pang mga pagkain. Hindi alam ni Andrea paano mabubuhay sa ganitong ka primitibong lugar. Sa kuwentong fantasy ng mga beastmen, ang tatay ni Mistress Freya ay isang mapangahas na scorpion-man. Ibig sabihin, si Freya ay may lahing scorpion. Pero sa mundong ito, hindi ganoon ka-obvious ang mga beastly features ng mga babae. Sa lahat ng lalake sa buhay ni Mistress Freya, tanging ama niya lang ang hindi nito tinorture. Sa totoo lang, grabe pa ang pagka-spoiled ni Mistress Freya sa ama nito. Kaya nga limang beastmen ang inialay sa kanya. Napatingin siya sa isa sa mga batya na may lamang tubig. Nakita niya ang kanyang reflection, at nagulat sa kanyang nakita! Purple ang buhok niya na may konting kulot, abot-dibdib at sobrang kinan

  • Transmigrated into a Kontrabida Lead: My Beastly Desires   Chapter 1: Na-isekai ka, so sakyan mo lang.

    “Drea, you can do better!” Buntong-hininga. Click-clack. Walang katapusang pagtatype sa computer. Mag-isa sa opisina. ‘Yan si Andrea Trinidad, 26 years old, matalino at maasahan sa lahat. Kaya nga siya lang palaging nag-oovertime sa team. “I have so much to do… Teka… gutom na ba ‘ko?” tanong ni Andrea sa kanyang sarili. Minsan, sa sobrang dami mong kailangang gawin, ‘di mo na napapansin kung kailan ka pa huling kumain, ilang oras kang natulog, at…BOOGSH!… Kung buhay ka pa.Bumalot ang dilim kay Andrea. Nawala ang music na pinapatugtog niyang pampagising sa opisina. Dead silence. Mistulang hindi niya magalaw ang katawan. “Nasan na ba ‘ko?” nalilitong tanong niya.May narinig siyang boses ng lalake. Malutong na hampas ng latigo. Nang buksan niya ang mga mata… siya pala ang may hawak nito. “Wait lang… ba’t ako naglalatigo? Sino tong hinahampas ko?” Nagtaka si Andrea at never pa naman niyang natry mag-latigo. Tinignan niya ang kanyang suot. “Animal print ba to?” Hinawakan niya it

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status