LOGINImbis na makatulog at managinip, naalipungatan si Andrea sa biglaang pagpasok ng fox-man sa kanyang bagong tahanan.
“Baka naman may lason ‘to?” hindi mapakaling inisip ni Andrea. “Sa bagay, ‘di pa rin niya ako pwedeng masaktan at naka-kontrata pa rin siya sa ‘kin. Siya ang masasaktan ‘pag may mangyaring masama sa ‘kin. Salamat sa power ng contract.”
Habang nagrarationalize si Andrea, pasarap ng pasarap ang itsura ng barbeque meat na alok ni Gin. Pork belly yata ‘to. Medyo charred pero parang ready na talaga makain.
“Hindi pa pala ako nakakakain kahit ilang oras na kong nasa mundong ‘to… Sige na nga!” wari ni Andrea. Pwede niyang gawing taga-luto itong si Gin para mag-survive siya.
“Bawat limang beses na paglulutuan mo ako… Bibigyan kita ng isang patak ng dugo sa seal mo.” alok ni Andrea kay Gin.
Naguluhan ang beastman. Makikita sa kanyang berdeng mga mata ang pagtataka. Sa lahat ng mga kakontratang beastmen ni Mistress Freya, siya ang pinaka-mukhang chill lang. Kahit na sugatan dahil sa pagtotorture ni Freya, madali lang mabalik ang ngiti sa mukha niya. Mahirap malaman kung sadyang masaya lang talaga siya palagi o may tinatago siya. Kulay orange ang kanyang buhok, at maikli lang. Mukhang siya rin ang pinakabata sa mga beastmen.
“Uh… Sige? Mahilig naman ako magluto. ‘Di ko inisip na madali lang pala makawala sa kontrata ko sa ‘yo! Haha!” sagot ng makulit na fox-man.
“Cutie pie din tong si Gin ah… Medyo uto-uto rin. Pero at least may makakain na ko rito habang ‘di ko pa kabisado ang galawan sa mundong ‘to.” saloobin ni Andrea. “Makakain na nga.”
Sa sobrang gutom, napalaki ang unang kagat ni Andrea sa barbeque meat.
Nginuya nito ni Andrea nang parang never pa siya nakakain ng barbeque sa buong buhay niya… Pero may kakaiba sa kinakain niya.
“Ba’t parang wala man lang alat?” matinding pagtataka ni Andrea. Sa wakas, makakakain na rin siya, pero wala man lang kalasa-lasa. Eww.
“Uh… Gin, bakit walang kalasa-lasa to? ‘Di mo ba nilagyan ng asin man lang?” tanong ng mistress sa beastman.
“Mistress Freya… Lahat po ng asin hinalo niyo po sa tubig, at saka niyo doon nilublob ang latigong pang-torture sa ‘min. ‘Di ba ang genius niyo po dahil doon? Eh ‘di dumoble yung sakit ng panglalatigo niyo.” pilosopong sinagot ni Gin ang kanyang clueless mistress. “Hindi ko naman po kasalanan yun. Niluto ko po ang pagkain niyo sa makakaya ko po.” dagdag nito, tila bumabawi sa pagbubunganga niya.
“Hmm. Ako pa pala ang may pakana nito. Pero kailangan natin ng asin. Hindi puwedeng walang ka sigla-sigla yung pagkain natin. Paano na lang sa isang linggo nating paglakbay?” reklamo ni Andrea kay Gin. “O siya, maghanap ka ng asin.” sabay utos nito.
“Mistress, wala na pong ibang paraan para makakuha ng asin… kung ‘di rin tayo hihingi kay Triton.” naubos ang kulit ni Gin dahil sa kawalan ng pag-asa.
“O sige, magpagawa tayo ng asin.” matapang na sinagot ni Andrea. “Triton, anong kailangan mo?”
Nagulat si Triton sa biglaang pagtawag sa kanya ng mistress. Mistulang Pavlovian response ang pagtawag sa kanyang pangalan na may katumbas itong torture. Dahan-dahan niyang pinilit tumingin sa direksyon ng kanyang mistress.
“Kung pagbibigyan ko ang mistress, baka bigyan niya rin ako ng patak ng dugo...” saloobin ng kawawang merman.
“Mistress Freya. Magdala lang po kayo ng tubig-alat dito mula sa labas, at ako na ang bahala.”
“Sige. Gin, pakitulungan si Triton.”
Agarang umalis si Gin para kunin ang tubig-alat na request ng mistress niya. Madali ring nakabalik si Gin na may bitbit na isang malaking batya ng tubig-alat. Nagpatulong si Triton sa kanya para makalipat sa batyang ito.
“Napakahirap isipin na sa fantasy novel, si Triton ang isa sa pinakamalakas na beastmen na maghahasik ng lagim sa mundong ‘to. Ngayon, napaka malumanay niya at kailangan pa ng tulong ng iba.” naaawang obserbasyon ni Andrea.
Pagkalipat ni Triton sa tubig-alat, nagsimula itong magkumpas ng kamay at sinasayaw ang buntot. Pinapagalaw niya ang tubig sa kanyang pagsayaw sa loob ng batya. Natalsikan ng tubig-alat ang buhok ni Andrea, pero wala naman siyang pake roon. Kinagulat ito ni Gin.
“Natalsikan siya pero ‘di niya sinapak si Triton? Ni sigaw, wala? Ano na ba nangyari dito sa halimaw na babaeng to? Parang ibang tao...” napaisip ang fox-man habang abala sa paggawa ng asin ang merman.
Ilang saglit pa… huminto si Triton sa paggiling sa kanyang kinauupuan. Dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang mga labi… at mula roon ay lumabas ang isang bola ng asin. Kasya sa isang palad ang bolang ito, na sinundan pa ng 4 pang piraso. Pinasan ito ni Triton na para bang mga anak.
“Ito na ang asin, mistress.” pinakita ng merman ang mga makikislap na bolang asin sa dalawang nanood at namangha sa mahika niya.
“Salamat, Triton” sagot ni Andrea. Hindi siya makapaniwalang ganoon kagaling ang mahika ng merman – ang merman na pinagmalupitan nang matindi ni Freya. “Kung ganito siya kagaling, marami siyang maitutulong sa ‘kin.” wari niya.
Kukunin na dapat ni Andrea ang mga bola ng asin, nang biglang...
“Isang patak ng dugo… para sa mga ito.” kondisyong binitawan ni Triton. Biglang mas naging confident siya sa kanyang pagtitig kay Andrea, ngayong nakahanap siya ng paraang mabigyan din siya ng dugo para sa seal.
Kinabahan si Gin sa kakaibang kilos ni Triton. Binantayan niya ang reaksyon ng malupit nilang mistress.
“Walang problema.” sagot ng dalaga.
‘Di na napigilan ni Andrea ang maka-idlip. Sa dami ba naman ng nadaanan niyang life-threatening situations sa isang araw lang? Hindi lang isang perfectly-abled, grown man ang galit sa kanya – lima pa. At ‘di lang sila mga normal na lalake… may mga kakaibang kapangyarihan pa.Oras na para mamahinga…hlajhaldskfhlsadjkkklllllllllllllllllllllllllllllllWalang maintindihan sa monitor ni Andrea, 26, office clerk. Nakapatong sa keyboard ang kanyang mukha. “Whaa!” biglang pagbangon nito. “Huh? Panaginip lang ba yung lahat ng iyon? Parang masyadong makatotohanan! Well… I guess sa panaginip lang ako kakausapin ng mga poging lalake. Hay...” sabay buntong-hininga ng overworked girly na ito. Napatingin sa paligid si Andrea na tila bang naalipungatan. Sigurado siyang totoo ang lahat ng nangyari. At mas lalong totoo ang kaba at takot niya sa mga beastmen. Totoo rin na medyo na-kyutan siya sa kanila.Bawat detalye doon sa mundo ng mga beastmen, sobrang damang-dama niya. “Baka special edition na p
“Namimihasa na ang mga beastmen. At mukhang napansin nila kung gaano na lang ang pagkakaiba ng mistress nila ngayon sa mistress nila noon.” inanalyze ni Andrea kung ano ba dapat ang next move niya.Nung una, kusa siyang nagbigay ng dugo kay Hermes sa paghilom ng sugat ni Triton. Tapos, nakipag-deal sa kanya si Gin para makakuha ng dugo sa pagluto. At ngayon naman, barter para sa mga bolang asin. Nagkakaroon na ng micro-economy dito sa bagong mundo ni Andrea. “OK lang. Basta ba ‘di muna umabot sa sampung patak ng dugo ang mabigay ko sa kanya… at baka maunahan ako ng mga ‘to. ‘Di pwedeng mabawi ang mga kontrata ko sa kanila na di ko pa nakikita ang ama ni Freya.”Hindi pinakita ni Andrea ang takot niya kay Triton. Muli niyang hinawakan ang kanyang pendant at binuksan muli ang kanyang sugat sa darili gamit nito. Piniga ni Andrea ang kanyang daliri para may lumabas na isang malaking patak ng dugo. Dahan-dahan siyang lumapit kay Triton at nilagay ang patak sa scorpion seal sa may dibdib
Imbis na makatulog at managinip, naalipungatan si Andrea sa biglaang pagpasok ng fox-man sa kanyang bagong tahanan. “Baka naman may lason ‘to?” hindi mapakaling inisip ni Andrea. “Sa bagay, ‘di pa rin niya ako pwedeng masaktan at naka-kontrata pa rin siya sa ‘kin. Siya ang masasaktan ‘pag may mangyaring masama sa ‘kin. Salamat sa power ng contract.”Habang nagrarationalize si Andrea, pasarap ng pasarap ang itsura ng barbeque meat na alok ni Gin. Pork belly yata ‘to. Medyo charred pero parang ready na talaga makain.“Hindi pa pala ako nakakakain kahit ilang oras na kong nasa mundong ‘to… Sige na nga!” wari ni Andrea. Pwede niyang gawing taga-luto itong si Gin para mag-survive siya.“Bawat limang beses na paglulutuan mo ako… Bibigyan kita ng isang patak ng dugo sa seal mo.” alok ni Andrea kay Gin. Naguluhan ang beastman. Makikita sa kanyang berdeng mga mata ang pagtataka. Sa lahat ng mga kakontratang beastmen ni Mistress Freya, siya ang pinaka-mukhang chill lang. Kahit na sugatan dahi
Hindi pa rin kumbinsado ang mga beastmen na nagbago bigla ang kanilang sadistang mistress. “Ano na namang bagong torture ito?” tanong ni Gin kay Lev. Tumawa lang ang lion-man sa tanong ng fox-man, kasi siya rin takang-taka sa nangyayari. Lumapit kay Andrea ang snake-man na si Hermes. Straight ang titig sa mata ng dalaga, walang bahid ng tuwa sa mukha. “Anong kalokohan ito, Mistress? Alam mo naman na wala kang ginawa kundi saktan kami. Bakit mo naman naisip na tutulungan ka namin?” Kahit na halatang may galit, mahinahon pa rin ang pagkabitaw ng mga salita ng Hermes, na kusang-loob na pumunta kay Mistress Freya noon para makipag-kontrata. Nanginig si Andrea sa takot. Ngayon lang sumapi sa kanya na malalakas ang mga beastmen na ito. At kung hindi dahil sa mga kontrata niya sa kanila, matagal na siyang pinatay sigurado.“Kapag maayos niyo kong madadala sa kinaroroonan ng aking ama, bibigyan ko kayo ng gantimpala.” tugon ni Andrea. “Sa ngayon, ‘yan lang ang gusto kong gawin ninyo. Aalis
Malamig, primitibo, at nakakatakot – ‘yan ang bagong buhay ni Andrea. At ang bago niyang bahay? Kuweba na puro mga balat lang ng hayop ang tela. Konting mga salted meats na hinanda ng ama ni Mistress Freya bago ito naglayag. May mga clay pots para sa tubig at iba pang mga pagkain. Hindi alam ni Andrea paano mabubuhay sa ganitong ka primitibong lugar. Sa kuwentong fantasy ng mga beastmen, ang tatay ni Mistress Freya ay isang mapangahas na scorpion-man. Ibig sabihin, si Freya ay may lahing scorpion. Pero sa mundong ito, hindi ganoon ka-obvious ang mga beastly features ng mga babae. Sa lahat ng lalake sa buhay ni Mistress Freya, tanging ama niya lang ang hindi nito tinorture. Sa totoo lang, grabe pa ang pagka-spoiled ni Mistress Freya sa ama nito. Kaya nga limang beastmen ang inialay sa kanya. Napatingin siya sa isa sa mga batya na may lamang tubig. Nakita niya ang kanyang reflection, at nagulat sa kanyang nakita! Purple ang buhok niya na may konting kulot, abot-dibdib at sobrang kinan
“Drea, you can do better!” Buntong-hininga. Click-clack. Walang katapusang pagtatype sa computer. Mag-isa sa opisina. ‘Yan si Andrea Trinidad, 26 years old, matalino at maasahan sa lahat. Kaya nga siya lang palaging nag-oovertime sa team. “I have so much to do… Teka… gutom na ba ‘ko?” tanong ni Andrea sa kanyang sarili. Minsan, sa sobrang dami mong kailangang gawin, ‘di mo na napapansin kung kailan ka pa huling kumain, ilang oras kang natulog, at…BOOGSH!… Kung buhay ka pa.Bumalot ang dilim kay Andrea. Nawala ang music na pinapatugtog niyang pampagising sa opisina. Dead silence. Mistulang hindi niya magalaw ang katawan. “Nasan na ba ‘ko?” nalilitong tanong niya.May narinig siyang boses ng lalake. Malutong na hampas ng latigo. Nang buksan niya ang mga mata… siya pala ang may hawak nito. “Wait lang… ba’t ako naglalatigo? Sino tong hinahampas ko?” Nagtaka si Andrea at never pa naman niyang natry mag-latigo. Tinignan niya ang kanyang suot. “Animal print ba to?” Hinawakan niya it







