"Next presenter."Isang linya lang mula kay Jillian, pero parang may humigpit na lubid sa leeg ng lahat ng nasa boardroom.Tatlong oras na silang nakakulong sa loob. Tatlong department heads na ang lumabas na namumutla, may isa pang muntik nang maiyak sa harap ng projector. Lahat sila may dalang makakapal na report. Lahat sila, nabutasan.Lima na lang ang natira, nakapila ang mga folder sa gilid, pero walang gustong mauna.Tumayo ang Operations Head, hawak niya ang remote na parang baril na walang bala."Ma'am, before I start, gusto ko lang i-clarify—""If you're going to explain first, your report is already weak."Napalunok siya. Sinubukan pang ngumiti para gumaan ang hangin. Walang sumalo sa ngiti niya."Our overall performance for this quarter showed—""Page nine."Napakunot ang noo ng Operations Head. Nagmadaling binuklat ang sariling report."Ma'am?""Third paragraph. Second sentence. Read your own mistake."Binasa niya nang pabulong, pagkatapos ay napatingala."You wrote twelve
Last Updated : 2026-11-01 Read more