ANMELDEN"Three months."Nakaupo si Jillian sa likod ng bulletproof SUV. Nakatingin sa labas ng bintana habang papalayo ang skyline ng Quezon City. Hindi lumilingon kay Winston na nakaupo sa passenger seat sa harap. Hawak niya ang strap ng bag nang mahigpit."Three months. Hindi isang araw na higit. Pagkatapos noon, babalik ako sa kumpanya. Walang engagement. Walang kasal. At hindi mo na ulit babanggitin ang pangalan ng anak ng kaibigan mo kahit kanino."Sumagot si Winston nang hindi lumilingon, kalmado ang boses."Deal."Nakahinga nang bahagya si Jillian. Akala niya tapos na ang pag-uusap."May kondisyon din ako." Dagdag ni Winston.Napapikit si Jillian at napairap."Of course. Ano na naman?""Kapag nasa Valdemor Estate ka, hindi ikaw ang masusunod."Ngumiti si Jillian, yung ngiting gamit niya kapag may kausap na board member na sinusubukan siyang utakan."Dad, do you even know who you're talking to?"Tiningnan siya ni Winston sa rearview mirror, diretso ang mata."Exactly. Kaya kita ipinapad
"I'm not going to Zambales."Iyon agad ang bungad ni Jillian pagkababa niya sa grand staircase ng Aragon Mansion. Naka-blazer na siya, hawak ang bag, diretso ang lakad papuntang dining room. Si Winston nakaupo sa dulo ng mesa, nagkakape, binubuklat ang newspaper. Hindi nag-angat ng tingin. Parang inaasahan na niya ang linyang iyon.Nagsalita siya nang hindi tumitingin sa anak."Good morning to you too."Hindi umupo si Jillian. Huminto sa harap ng mesa."Kung tungkol na naman doon sa anak ng kaibigan mo, we're done talking Dad."Tinupi ni Winston ang newspaper at inilapag sa mesa."No.""Then what?" "Today... we're not talking about marriage.""Good.""We're talking about survival."Bahagyang ngumiti si Jillian, pero hindi dahil natuwa."You're overreacting."Hindi agad nagsalita si Winston. Diretso lang siyang tumingin sa anak, yung tingin na hindi na chairman, kundi ama na pagod na."Am I?"Hindi na sumagot si Jillian. Kinuha ang susi ng sasakyan sa mesa at lumabas.Sa labas ng Ara
"Do you know what's the biggest weakness of every successful CEO?" Katatapos lang ng nangyari sa parking basement kagabi. Alas-sais pa lang ng umaga pero gising na si Winston sa dining room ng Aragon Mansion. Nakaayos ang barong na pang-bahay, hawak ang business journal, nagkakape. Halata sa mata na hindi siya nakatulog nang maayos. Kakapasok lang ni Jillian galing sa taas. Naka-black blazer na, naka-ponytail, hawak ang laptop bag. Hindi umupo. Hindi bumati. Dumaan lang sa gilid ng dining table na parang walang tao. "I'm talking to you, Jillian." Huminto siya sa gitna ng hakbang. Hindi lumingon. "I have a board meeting in forty minutes, Dad." Tinupi ni Winston ang diyaryo at inilapag sa mesa nang maayos. "Answer my question first." Lumingon si Jillian, bahagyang nakataas ang kilay. "Go ahead." "What's the biggest weakness of every successful CEO?" Hindi man lang siya nag-isip. "Emotions." Napailing si Winston, bahagyang ngumiti pero hindi dahil natuwa. "Wrong Jillian. It
"Ms. Aragon, you're trending."Pagpasok pa lang ni April sa opisina, hawak na agad ang tablet na parang hawak ang isang bomba.Hindi man lang nag-angat ng tingin si Jillian. Tuloy-tuloy lang ang pag-scroll sa tatlong monitor sa harap niya."People with money usually do." matabang niyang sagot.Bahagyang ngumiti si April pero agad ding nawala nang makita ang seryosong mukha ng boss."Business News Network picked up yesterday's meeting, Ma'am." Inilapag niya ang tablet sa mesa ni Jillian. "Nasa headline na."Sa screen, malalaking letra : ARAGON CORPORATION REJECTS MULTI-BILLION PARTNERSHIP. CEO JILLIAN ARAGON WALKS OUT ON LIM HOLDINGS.May isa pang article sa ilalim : THE HEIRESS WHO SAYS NO TO EVERYONE."Views?" Tanong ni Jillian, walang pagbabago sa boses."Forty thousand shares in one hour. Comments are... mixed."Binasa ni Jillian ang headline nang isang beses lang, pagkatapos ay itinulak pabalik ang tablet kay April."Good, free publicity. We didn't even pay for it.""Ma'am, some i
"Next presenter."Isang linya lang mula kay Jillian, pero parang may humigpit na lubid sa leeg ng lahat ng nasa boardroom.Tatlong oras na silang nakakulong sa loob. Tatlong department heads na ang lumabas na namumutla, may isa pang muntik nang maiyak sa harap ng projector. Lahat sila may dalang makakapal na report. Lahat sila, nabutasan.Lima na lang ang natira, nakapila ang mga folder sa gilid, pero walang gustong mauna.Tumayo ang Operations Head, hawak niya ang remote na parang baril na walang bala."Ma'am, before I start, gusto ko lang i-clarify—""If you're going to explain first, your report is already weak."Napalunok siya. Sinubukan pang ngumiti para gumaan ang hangin. Walang sumalo sa ngiti niya."Our overall performance for this quarter showed—""Page nine."Napakunot ang noo ng Operations Head. Nagmadaling binuklat ang sariling report."Ma'am?""Third paragraph. Second sentence. Read your own mistake."Binasa niya nang pabulong, pagkatapos ay napatingala."You wrote twelve
"Kung may award para sa pinakamalditang CEO sa Pilipinas, lifetime achievement award na agad kay Miss Aragon." wika ni Tessa empleyado ng Aragon Corporation. "Shhh! Baka marinig ka!" Saway ni Lyn. Kasalukuyan silang nasa pantry area at katatapos maglunch. "Ano'ng marinig? Hindi naman bumababa dito yun." Natatawang sabi Liza. “Hindi tao ang boss natin!demonyo 'yon na naka-Christian Dior." Dagdag pa ni Tessa na lalong ikinatawa nila. “Sabi ko sa'yo, hindi tao 'yon. Kapag ngumiti, may matatanggal. Kapag natahimik, mas delikado." Naghagikgikan ang tatlo na parang natutuwa pag usapan ang ugali ng demonyita nilang boss. Hanggang sa, unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ng isa. Nanlaki ang mga mata nito habang nakatingin sa likod ng dalawang kasama. "Ba-bakit Lyn...? para kang nakakita ng multo diyan?" sita ni Tessa Hindi na ito sumagot at parang shock ang mukha, dahilan upang mapalingon ang dalawa sa kung sino man ang tinitignan nito. Isang pares ng pulang stilettos ang unang bumu







