登入"I'm not going to Zambales."
Iyon agad ang bungad ni Jillian pagkababa niya sa grand staircase ng Aragon Mansion. Naka-blazer na siya, hawak ang bag, diretso ang lakad papuntang dining room. Si Winston nakaupo sa dulo ng mesa, nagkakape, binubuklat ang newspaper. Hindi nag-angat ng tingin. Parang inaasahan na niya ang linyang iyon. Nagsalita siya nang hindi tumitingin sa anak. "Good morning to you too." Hindi umupo si Jillian. Huminto sa harap ng mesa. "Kung tungkol na naman doon sa anak ng kaibigan mo, we're done talking Dad." Tinupi ni Winston ang newspaper at inilapag sa mesa. "No." "Then what?" "Today... we're not talking about marriage." "Good." "We're talking about survival." Bahagyang ngumiti si Jillian, pero hindi dahil natuwa. "You're overreacting." Hindi agad nagsalita si Winston. Diretso lang siyang tumingin sa anak, yung tingin na hindi na chairman, kundi ama na pagod na. "Am I?" Hindi na sumagot si Jillian. Kinuha ang susi ng sasakyan sa mesa at lumabas. Sa labas ng Aragon Corporation, pagdating ng convoy, mas marami ang bodyguards kaysa kahapon. Hindi na dalawa ang sasakyan. Walo. Nakapalibot sa SUV ni Jillian. May naka-vest, may naka-earpiece, may hawak na tablet. Napansin agad ni Jillian pagbaba niya. Lumapit ang Head of Security. "Good morning, Ma'am." "Why are there eight vehicles?" Diretso niyang tanong. "Chairman's order, Ma'am. Enhanced security protocol." "Reduce it to two. We look like we're invading Malacañang." utos niya "I'm sorry, Ma'am." Yumuko ang Head of Security pero hindi umatras. "I wasn't asking." Nataas ang kilay ni Jillian. "I wasn't asking either." Sandaling nagkatinginan ang dalawa. Alam ng Head of Security na boss niya si Jillian, pero mas boss ng boss niya si Winston. "Neither was Chairman Winston, Ma'am." Mahinang sagot niya. Huminga nang malalim si Jillian. "Fine." Pagpasok niya sa lobby, lahat ng empleyado tumatabi. Hindi dahil sa takot na katulad ng dati, kundi dahil sa dami ng security na kasama niya. May bumulong sa gilid. "Parang may presidente." Sumagot ang isa pa, mas mahina. "Mas delikado pa yata kaysa presidente." Narinig ni Jillian pero hindi na niya pinansin. Sa opisina ni Winston sa penthouse, nasa conference call siya. Kasama sa screen ang Security Director, isang Digital Forensics expert, at isang former military consultant na nakasuot pa ng uniform. Hindi basta-basta ang kausap. Seryoso ang lahat. "We reviewed yesterday's anonymous letter, Sir." Sabi ng Security Director. "What did you find?" "Wala pong fingerprints sir, malinis." "DNA?" "Wala rin, Sir. Naka-guwantes ang may hawak." "Courier?" "Wala pong courier log. Iniwan lang sa mailbox." "Mailbox CCTV?" "Blind spot, Sir. Exactly blind spot., alam niya kung saan nakatutok ang camera." Huminto ang lahat. Nag-angat ng tingin ang former general sa screen. "Whoever sent it knew your entire security layout, Sir. Pasikot-sikot ng building, shift ng guards, pati oras ng pag-check ng mailbox." Nag-angat ng tingin si Winston, mas seryoso na. "Meaning?" "They've been watching your daughter for quite some time. Hindi ito biglaan." Napahawak si Winston sa armrest ng upuan. Sa meeting room ni Jillian, normal ang lahat. Presentation. Contracts. Numbers. Biglang bumukas ang p***o. Pumasok si April. Hindi niya ugaling mang-abala kapag may board meeting, kaya nagtaka agad si Jillian. "Ma'am..." "Make it quick, April. We're in the middle of Q3 projections." Lumapit si April, bumulong para hindi marinig ng buong board. "Head Security wants to pull you out immediately, Ma'am." Nagsalubong ang kilay ni Jillian. "Reason?" "They refused to say, Ma'am. Sabi lang, urgent." "Tell them I'm in a meeting. I'll be done in thirty minutes." "They said..." Huminga nang malalim si April, halatang kinakabahan. "...it's not a request, Ma'am." Napamaang ang buong boardroom at parang iisang ulong tumingin lahat kay Jillian Tumayo si Jillian nang dahan-dahan. "Meeting adjourned for fifteen minutes." Pagbaba nila sa basement parking, napansin agad ni Jillian na kakaiba. Walang empleyado, walang ibang sasakyan na gumagalaw. Nakabakod ang buong area ng parking slot niya ng yellow tape. May bomb squad unit sa gilid. May K9 na aso na tahol nang tahol. "What's going on?" Tanong ni Jillian. Lumapit ang Head Security, hawak ang tablet. Inabot sa kanya. May CCTV replay, akikita sa video, limang minuto lang ang nakalipas, may pumasok na maintenance van. Huminto sa tabi ng SUV ni Jillian. May lalaking bumaba na naka-uniform ng maintenance, may toolbox. Yumuko sa ilalim ng sasakyan. May iniwan, pagkaalis ng van, may isa pang lalaki na nakamotor ang dumaan, kinuha ulit ang isang bagay sa ilalim at mabilis na umalis. "Ma'am, what you're looking at is a magnetic explosive device." Mahigpit ang boses ng Head Security. "Naka-dikit sa ilalim ng SUV ninyo. The bomb squad confirmed it was already armed and set to detonate once the engine starts." "What stopped it?" "Our K9 unit, naamoy niya habang nagro-routine check kami bago kayo bumaba. Kung hindi..." Hindi na tinuloy ng Head Security. Hindi na kailangan. Sa bomb disposal area sa likod ng building, pinapanood nila mula sa malayo, nasa likod ng bulletproof shield. Kasama si Winston na kararating lang, hinihingal. "Clear!" Sigaw ng bomb disposal. BOOM! Malakas na pagsabog, yumanig buong paligid. Basag ang salamin ng ilang sasakyan sa paligid. Tumalsik ang p***o ng maintenance van na ginamit pang-test. Umusok ang buong area. Kung nasa ilalim ng SUV ni Jillian iyon kanina at umandar siya, wala nang matitira. "If that exploded under your SUV while you were inside..." Bulong ng Head Security. Hindi na niya tinuloy, hindi na kailangan. Mahinang tanong ni Jillian, halos hindi marinig dahil sa ingay ng alarma. "Who wants me dead that badly?" Walang sumagot, kahit si Winston walang maisagot. Sa private office ni Winston, ilang minuto pagkatapos ng pagsabog, dalawa lang sila ni Jillian. Sa unang beses simula kaninang umaga, si Jillian ang hindi nagsasalita. Nakaupo lang sa sofa, nakatingin sa basag na salamin ng bintana dahil sa shockwave. Inilapag ni Winston ang tablet sa harap niya. May larawan ng sumabog na sasakyan na ginamit pang-test, sunog na sunog. "Do you still think I'm overreacting?" Tanong ni Winston. Umiling si Jillian, mahina. "No." Lumapit si Winston, umupo sa harap niya. "This isn't about business anymore, Jillian. This isn't about Lim Holdings. This isn't about your pride or your reputation. Somebody wants to bury my daughter. Somebody wants to erase you." "I can handle it, Dad. We can add more security—" "That's exactly what scares me." Putol ni Winston. "You still think this is a battle you can win alone. You think security and money can fix this. You were almost killed twice in two days. Twice!" Tumayo si Winston at naglakad papunta sa bintana. "You're leaving Manila." "Where?" "I'm assigning additional security." "No." "Private island." "No." "Safehouse in Tagaytay." "No." Huminga nang malalim si Winston. Ito na. Alam niyang ito na lang ang natitira. "Then go to Geronimo." Bahagyang kumunot ang noo ni Jillian. "Who?" "The only man I trust with my daughter's life is my oldest friend. He lives far away from Manila. No one knows our connection anymore. Walang makakahanap sa iyo doon. And he has a son who can protect you." Napailing si Jillian. "So this is about him again. You're using this bombing to force me into meeting him." "No." Diretso ang sagot ni Winston. "It's about keeping you alive long enough to decide your own future. Hindi kita pinipilit magpakasal. Pinipilit kitang mabuhay." Tinitigan siya ni Jillian, galit at takot na magkahalo sa mata. "You're using my life to force me into meeting him." Mahabang katahimikan ang bumalot sa opisina. Si Winston, nakatingin sa anak, hindi umiwas. "If that's what it takes to keep you breathing... then yes. If you hate me after this, so be it. At least you're alive to hate me." Ilang segundong walang nagsalita na parang ilang minuto na ang lumipas. Si Jillian, nakayuko, pinipisil ang kamay. Hanggang sa unti-unti siyang tumalikod. Huminto sa pintuan, hindi lumilingon. "What's his name?" Napapikit si Winston. Sa wakas, ngumiti siya nang bahagya, dahil alam niyang kahit papaano, pumayag ang anak na makinig. Mahina niyang sinabi... "Karl Jonathan Valdemor.""Three months."Nakaupo si Jillian sa likod ng bulletproof SUV. Nakatingin sa labas ng bintana habang papalayo ang skyline ng Quezon City. Hindi lumilingon kay Winston na nakaupo sa passenger seat sa harap. Hawak niya ang strap ng bag nang mahigpit."Three months. Hindi isang araw na higit. Pagkatapos noon, babalik ako sa kumpanya. Walang engagement. Walang kasal. At hindi mo na ulit babanggitin ang pangalan ng anak ng kaibigan mo kahit kanino."Sumagot si Winston nang hindi lumilingon, kalmado ang boses."Deal."Nakahinga nang bahagya si Jillian. Akala niya tapos na ang pag-uusap."May kondisyon din ako." Dagdag ni Winston.Napapikit si Jillian at napairap."Of course. Ano na naman?""Kapag nasa Valdemor Estate ka, hindi ikaw ang masusunod."Ngumiti si Jillian, yung ngiting gamit niya kapag may kausap na board member na sinusubukan siyang utakan."Dad, do you even know who you're talking to?"Tiningnan siya ni Winston sa rearview mirror, diretso ang mata."Exactly. Kaya kita ipinapad
"I'm not going to Zambales."Iyon agad ang bungad ni Jillian pagkababa niya sa grand staircase ng Aragon Mansion. Naka-blazer na siya, hawak ang bag, diretso ang lakad papuntang dining room. Si Winston nakaupo sa dulo ng mesa, nagkakape, binubuklat ang newspaper. Hindi nag-angat ng tingin. Parang inaasahan na niya ang linyang iyon.Nagsalita siya nang hindi tumitingin sa anak."Good morning to you too."Hindi umupo si Jillian. Huminto sa harap ng mesa."Kung tungkol na naman doon sa anak ng kaibigan mo, we're done talking Dad."Tinupi ni Winston ang newspaper at inilapag sa mesa."No.""Then what?" "Today... we're not talking about marriage.""Good.""We're talking about survival."Bahagyang ngumiti si Jillian, pero hindi dahil natuwa."You're overreacting."Hindi agad nagsalita si Winston. Diretso lang siyang tumingin sa anak, yung tingin na hindi na chairman, kundi ama na pagod na."Am I?"Hindi na sumagot si Jillian. Kinuha ang susi ng sasakyan sa mesa at lumabas.Sa labas ng Ara
"Do you know what's the biggest weakness of every successful CEO?" Katatapos lang ng nangyari sa parking basement kagabi. Alas-sais pa lang ng umaga pero gising na si Winston sa dining room ng Aragon Mansion. Nakaayos ang barong na pang-bahay, hawak ang business journal, nagkakape. Halata sa mata na hindi siya nakatulog nang maayos. Kakapasok lang ni Jillian galing sa taas. Naka-black blazer na, naka-ponytail, hawak ang laptop bag. Hindi umupo. Hindi bumati. Dumaan lang sa gilid ng dining table na parang walang tao. "I'm talking to you, Jillian." Huminto siya sa gitna ng hakbang. Hindi lumingon. "I have a board meeting in forty minutes, Dad." Tinupi ni Winston ang diyaryo at inilapag sa mesa nang maayos. "Answer my question first." Lumingon si Jillian, bahagyang nakataas ang kilay. "Go ahead." "What's the biggest weakness of every successful CEO?" Hindi man lang siya nag-isip. "Emotions." Napailing si Winston, bahagyang ngumiti pero hindi dahil natuwa. "Wrong Jillian. It
"Ms. Aragon, you're trending."Pagpasok pa lang ni April sa opisina, hawak na agad ang tablet na parang hawak ang isang bomba.Hindi man lang nag-angat ng tingin si Jillian. Tuloy-tuloy lang ang pag-scroll sa tatlong monitor sa harap niya."People with money usually do." matabang niyang sagot.Bahagyang ngumiti si April pero agad ding nawala nang makita ang seryosong mukha ng boss."Business News Network picked up yesterday's meeting, Ma'am." Inilapag niya ang tablet sa mesa ni Jillian. "Nasa headline na."Sa screen, malalaking letra : ARAGON CORPORATION REJECTS MULTI-BILLION PARTNERSHIP. CEO JILLIAN ARAGON WALKS OUT ON LIM HOLDINGS.May isa pang article sa ilalim : THE HEIRESS WHO SAYS NO TO EVERYONE."Views?" Tanong ni Jillian, walang pagbabago sa boses."Forty thousand shares in one hour. Comments are... mixed."Binasa ni Jillian ang headline nang isang beses lang, pagkatapos ay itinulak pabalik ang tablet kay April."Good, free publicity. We didn't even pay for it.""Ma'am, some i
"Next presenter."Isang linya lang mula kay Jillian, pero parang may humigpit na lubid sa leeg ng lahat ng nasa boardroom.Tatlong oras na silang nakakulong sa loob. Tatlong department heads na ang lumabas na namumutla, may isa pang muntik nang maiyak sa harap ng projector. Lahat sila may dalang makakapal na report. Lahat sila, nabutasan.Lima na lang ang natira, nakapila ang mga folder sa gilid, pero walang gustong mauna.Tumayo ang Operations Head, hawak niya ang remote na parang baril na walang bala."Ma'am, before I start, gusto ko lang i-clarify—""If you're going to explain first, your report is already weak."Napalunok siya. Sinubukan pang ngumiti para gumaan ang hangin. Walang sumalo sa ngiti niya."Our overall performance for this quarter showed—""Page nine."Napakunot ang noo ng Operations Head. Nagmadaling binuklat ang sariling report."Ma'am?""Third paragraph. Second sentence. Read your own mistake."Binasa niya nang pabulong, pagkatapos ay napatingala."You wrote twelve
"Kung may award para sa pinakamalditang CEO sa Pilipinas, lifetime achievement award na agad kay Miss Aragon." wika ni Tessa empleyado ng Aragon Corporation. "Shhh! Baka marinig ka!" Saway ni Lyn. Kasalukuyan silang nasa pantry area at katatapos maglunch. "Ano'ng marinig? Hindi naman bumababa dito yun." Natatawang sabi Liza. “Hindi tao ang boss natin!demonyo 'yon na naka-Christian Dior." Dagdag pa ni Tessa na lalong ikinatawa nila. “Sabi ko sa'yo, hindi tao 'yon. Kapag ngumiti, may matatanggal. Kapag natahimik, mas delikado." Naghagikgikan ang tatlo na parang natutuwa pag usapan ang ugali ng demonyita nilang boss. Hanggang sa, unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ng isa. Nanlaki ang mga mata nito habang nakatingin sa likod ng dalawang kasama. "Ba-bakit Lyn...? para kang nakakita ng multo diyan?" sita ni Tessa Hindi na ito sumagot at parang shock ang mukha, dahilan upang mapalingon ang dalawa sa kung sino man ang tinitignan nito. Isang pares ng pulang stilettos ang unang bumu







