ログイン"Do you know what's the biggest weakness of every successful CEO?"
Katatapos lang ng nangyari sa parking basement kagabi. Alas-sais pa lang ng umaga pero gising na si Winston sa dining room ng Aragon Mansion. Nakaayos ang barong na pang-bahay, hawak ang business journal, nagkakape. Halata sa mata na hindi siya nakatulog nang maayos. Kakapasok lang ni Jillian galing sa taas. Naka-black blazer na, naka-ponytail, hawak ang laptop bag. Hindi umupo. Hindi bumati. Dumaan lang sa gilid ng dining table na parang walang tao. "I'm talking to you, Jillian." Huminto siya sa gitna ng hakbang. Hindi lumingon. "I have a board meeting in forty minutes, Dad." Tinupi ni Winston ang diyaryo at inilapag sa mesa nang maayos. "Answer my question first." Lumingon si Jillian, bahagyang nakataas ang kilay. "Go ahead." "What's the biggest weakness of every successful CEO?" Hindi man lang siya nag-isip. "Emotions." Napailing si Winston, bahagyang ngumiti pero hindi dahil natuwa. "Wrong Jillian. It's believing they can control everything. That nothing can touch them." Umupo si Jillian. Sa unang beses simula kagabi, umupo siya sa harap ng ama. Hindi dahil sa tanong, kundi dahil alam niyang hindi business ang pag-uusapan ngayon. "Do you know why I built Aragon Corporation?" Tanong ni Winston habang nagsasalin ng kape sa pangalawang tasa. "Because you wanted to become the biggest. Because you wanted to beat everyone in the business world" she answered it directly. "No." Inilapag ni Winston ang tasa sa harap ni Jillian pero hindi niya ginalaw. "Because I wanted you to inherit a life easier than mine. I wanted you to have choices I never had." Tumingin si Jillian sa ama, pinagkrus ang braso. "Instead... you chose a life harder than mine. You chose to be hated by everyone in that boardroom. You chose to carry everything alone." "That's business, Dad. Someone has to be hated to keep the company alive." "That's loneliness." Sagot ni Winston. "And you call it business." Hindi sumagot si Jillian. Kinuha ang kape at sumimsim nang bahagya pero hindi na nagsalita. Pagkatapos, may kinuha si Winston sa drawer ng side table. Isang lumang envelope. Dilaw na ang kulay, lukot na ang gilid, may tatak pa ng lumang post office sa Zambales. Halatang dekada na ang tanda. "What's that?" Tanong ni Jillian, nakakunot ang noo. "A promise." Binuksan ni Winston ang sobre. Sa loob, may lumang litrato na kupas na ang kulay. Dalawang batang lalaki na nakasakay sa kalabaw, parehong naka-hubad pang-itaas, maitim sa araw. Dalawang batang babae na nakaputing bestida, nakangiti. At apat na matatandang nakangiti sa likod nila, naka-barong at naka-bestida, mukhang kuha sa isang bukid na may palay. "Thirty years ago, Geronimo Valdemor and I made a promise." Sabi ni Winston habang tinitigan ang litrato na parang binabalikan ang lahat. "We were not business partners then. We were just two young fathers who had nothing. Ako, nagbebenta ng bigas sa palengke. Siya, nag-aalaga ng kalabaw. We promised each other, if we ever make it, our families will meet again." Natawa si Jillian. Isang maikling tawa na walang tuwa. "You're kidding. An arranged marriage? Dad, what year do you think this is? 1950?" "No." Tumingin si Winston nang diretso. "An arranged chance." Bahagyang tumaas ang kilay ni Jillian. "Still sounds ridiculous. You want me to meet a stranger because of an old picture?" "Only if I force you." Sagot ni Winston. "I'm not asking you to marry him. I'm not that stupid to think you'll agree to that. I'm asking you to meet him. One meeting, that's all." Sumandal si Jillian sa upuan. Pinagkrus ang braso, tinitigan ang ama na parang kausap sa negotiation. "Why him? Out of all the CEOs, out of all the heirs you know, why him?" Unang beses na hindi niya tinanong kung bakit kasal. Ang tanong niya — bakit yung lalaking yun ang napili. Mahabang katahimikan ang bumalot sa dining room. Si Winston, nakatingin sa litrato, hinahaplos ang gilid. "Because among all the young men I've met, all the CEOs, all the heirs, all the Harvard graduates you like..." Huminga siya nang malalim. "He's the only one I believe won't kneel before you. Everyone else you meet, they kneel. They say yes even when you're wrong. They clap even when you're burning the whole room." Ngumiti si Jillian, hindi dahil natuwa, kundi dahil parang narinig niya ang isang biro na paulit-ulit na. "Then he'll lose his job in five minutes. Like the others. I've fired better men for less." "He doesn't work for you." Sagot ni Winston, kalmado pa rin. "That's exactly why." Sagot ni Jillian pabalik, mas matalim. "That's exactly why he won't last. Because he doesn't know how I work." Tumayo si Winston at lumapit sa malaking bintana ng dining room, tanaw ang buong garden. "No, Jillian. That's exactly why he might be the only one who can. Because he doesn't need your approval. He doesn't need your company. He has his own world." Bahagyang umiinit na ang usapan. Si Jillian, nakatayo na rin, kinuha ang bag na nakapatong sa upuan. "You're looking for someone to tame me. You're looking for a leash." Diretsong tumingin si Winston sa anak. Walang paligoy-ligoy. Walang ngiti. "No. I'm looking for someone who'll tell you you're wrong even when the whole world is afraid to. Someone who'll tell you to stop when everyone else claps for you. I'm looking for someone who won't be scared when you raise your voice." Hindi nakasagot agad si Jillian. Tinitigan niya ang ama. Sa unang beses ngayong umaga, nakita niya ang pagod sa mata nito — hindi pagod ng chairman, kundi pagod ng isang ama na matagal nang nag-aalala at hindi na alam kung paano pa poprotektahan ang anak. "I'm not flying across the country just to meet some farmer." Sabi niya, medyo mas mahina na kaysa kanina pero pilit pa ring matigas. Hindi gumalaw si Winston. "I never said he was a farmer." Natigilan si Jillian sa paghakbang. Napalingon nang dahan-dahan. "Then what is he?" Ngumiti lang si Winston. Isang ngiting may tinatago, parang may alam na hindi pa sinasabi. "Find out yourself. If you think you're as smart as you claim to be, find out yourself." Tinitigan siya ni Jillian nang ilang segundo, parang sinusubukang basahin kung nagsisinungaling ba ang ama. Pagkatapos ay tuluyan na siyang lumabas ng dining room, malakas ang tunog ng takong sa sahig na marmol, hindi na lumingon. Naiwang mag-isa si Winston sa dining room. Hawak pa rin ang lumang litrato, hinahaplos ang mukha ng batang si Geronimo. Pumasok si April mula sa kusina, dala ang tablet at halatang narinig ang usapan. "Sir... do you really think she'll agree? To meet his son?" Hindi agad sumagot si Winston. Inilapag ang litrato sa mesa at tinitigan ulit ang dalawang batang lalaki sa larawan na ngayon ay pareho nang may puting buhok. "No." Sagot niya, mahina pero sigurado. "She won't. Not like this." "Then what will you do, Sir?" "That's why I have one last card left." Kinuha ni Winston ang cellphone na nasa mesa. Naghanap ng numero na kabisado na niya kahit matagal nang hindi tinatawagan. Ilang taon na rin simula nang huli silang nag-usap nang ganito. Pinindot ang call. Ilang ring pa lang, may sumagot na sa kabilang linya. Boses ng lalaking may edad na, pero buo pa rin at may halakhak. "Geronimo..." Tahimik sa kabilang linya. Pagkatapos, isang mahinang tawa na may gulat. "Winston. I was wondering when you'd call. Napanaginipan pa kita kagabi." "I think it's finally time..." Huminga nang malalim si Winston, tumingin sa pintong nilabasan ni Jillian. "to collect the promise we made thirty years ago." Hindi agad sumagot ang lalaki sa kabilang linya. May narinig na mahinang kaluskos, parang may inilapag na tasa at may sumisigaw na manok sa malayo. Hanggang sa nagsalita ulit si Geronimo, mas seryoso na ang boses, nawala ang tawa. "Does your daughter know about my son?" Napapikit si Winston. Mahina ang sagot, halos pabulong, pero buo at desidido. "...Not yet.""Three months."Nakaupo si Jillian sa likod ng bulletproof SUV. Nakatingin sa labas ng bintana habang papalayo ang skyline ng Quezon City. Hindi lumilingon kay Winston na nakaupo sa passenger seat sa harap. Hawak niya ang strap ng bag nang mahigpit."Three months. Hindi isang araw na higit. Pagkatapos noon, babalik ako sa kumpanya. Walang engagement. Walang kasal. At hindi mo na ulit babanggitin ang pangalan ng anak ng kaibigan mo kahit kanino."Sumagot si Winston nang hindi lumilingon, kalmado ang boses."Deal."Nakahinga nang bahagya si Jillian. Akala niya tapos na ang pag-uusap."May kondisyon din ako." Dagdag ni Winston.Napapikit si Jillian at napairap."Of course. Ano na naman?""Kapag nasa Valdemor Estate ka, hindi ikaw ang masusunod."Ngumiti si Jillian, yung ngiting gamit niya kapag may kausap na board member na sinusubukan siyang utakan."Dad, do you even know who you're talking to?"Tiningnan siya ni Winston sa rearview mirror, diretso ang mata."Exactly. Kaya kita ipinapad
"I'm not going to Zambales."Iyon agad ang bungad ni Jillian pagkababa niya sa grand staircase ng Aragon Mansion. Naka-blazer na siya, hawak ang bag, diretso ang lakad papuntang dining room. Si Winston nakaupo sa dulo ng mesa, nagkakape, binubuklat ang newspaper. Hindi nag-angat ng tingin. Parang inaasahan na niya ang linyang iyon.Nagsalita siya nang hindi tumitingin sa anak."Good morning to you too."Hindi umupo si Jillian. Huminto sa harap ng mesa."Kung tungkol na naman doon sa anak ng kaibigan mo, we're done talking Dad."Tinupi ni Winston ang newspaper at inilapag sa mesa."No.""Then what?" "Today... we're not talking about marriage.""Good.""We're talking about survival."Bahagyang ngumiti si Jillian, pero hindi dahil natuwa."You're overreacting."Hindi agad nagsalita si Winston. Diretso lang siyang tumingin sa anak, yung tingin na hindi na chairman, kundi ama na pagod na."Am I?"Hindi na sumagot si Jillian. Kinuha ang susi ng sasakyan sa mesa at lumabas.Sa labas ng Ara
"Do you know what's the biggest weakness of every successful CEO?" Katatapos lang ng nangyari sa parking basement kagabi. Alas-sais pa lang ng umaga pero gising na si Winston sa dining room ng Aragon Mansion. Nakaayos ang barong na pang-bahay, hawak ang business journal, nagkakape. Halata sa mata na hindi siya nakatulog nang maayos. Kakapasok lang ni Jillian galing sa taas. Naka-black blazer na, naka-ponytail, hawak ang laptop bag. Hindi umupo. Hindi bumati. Dumaan lang sa gilid ng dining table na parang walang tao. "I'm talking to you, Jillian." Huminto siya sa gitna ng hakbang. Hindi lumingon. "I have a board meeting in forty minutes, Dad." Tinupi ni Winston ang diyaryo at inilapag sa mesa nang maayos. "Answer my question first." Lumingon si Jillian, bahagyang nakataas ang kilay. "Go ahead." "What's the biggest weakness of every successful CEO?" Hindi man lang siya nag-isip. "Emotions." Napailing si Winston, bahagyang ngumiti pero hindi dahil natuwa. "Wrong Jillian. It
"Ms. Aragon, you're trending."Pagpasok pa lang ni April sa opisina, hawak na agad ang tablet na parang hawak ang isang bomba.Hindi man lang nag-angat ng tingin si Jillian. Tuloy-tuloy lang ang pag-scroll sa tatlong monitor sa harap niya."People with money usually do." matabang niyang sagot.Bahagyang ngumiti si April pero agad ding nawala nang makita ang seryosong mukha ng boss."Business News Network picked up yesterday's meeting, Ma'am." Inilapag niya ang tablet sa mesa ni Jillian. "Nasa headline na."Sa screen, malalaking letra : ARAGON CORPORATION REJECTS MULTI-BILLION PARTNERSHIP. CEO JILLIAN ARAGON WALKS OUT ON LIM HOLDINGS.May isa pang article sa ilalim : THE HEIRESS WHO SAYS NO TO EVERYONE."Views?" Tanong ni Jillian, walang pagbabago sa boses."Forty thousand shares in one hour. Comments are... mixed."Binasa ni Jillian ang headline nang isang beses lang, pagkatapos ay itinulak pabalik ang tablet kay April."Good, free publicity. We didn't even pay for it.""Ma'am, some i
"Next presenter."Isang linya lang mula kay Jillian, pero parang may humigpit na lubid sa leeg ng lahat ng nasa boardroom.Tatlong oras na silang nakakulong sa loob. Tatlong department heads na ang lumabas na namumutla, may isa pang muntik nang maiyak sa harap ng projector. Lahat sila may dalang makakapal na report. Lahat sila, nabutasan.Lima na lang ang natira, nakapila ang mga folder sa gilid, pero walang gustong mauna.Tumayo ang Operations Head, hawak niya ang remote na parang baril na walang bala."Ma'am, before I start, gusto ko lang i-clarify—""If you're going to explain first, your report is already weak."Napalunok siya. Sinubukan pang ngumiti para gumaan ang hangin. Walang sumalo sa ngiti niya."Our overall performance for this quarter showed—""Page nine."Napakunot ang noo ng Operations Head. Nagmadaling binuklat ang sariling report."Ma'am?""Third paragraph. Second sentence. Read your own mistake."Binasa niya nang pabulong, pagkatapos ay napatingala."You wrote twelve
"Kung may award para sa pinakamalditang CEO sa Pilipinas, lifetime achievement award na agad kay Miss Aragon." wika ni Tessa empleyado ng Aragon Corporation. "Shhh! Baka marinig ka!" Saway ni Lyn. Kasalukuyan silang nasa pantry area at katatapos maglunch. "Ano'ng marinig? Hindi naman bumababa dito yun." Natatawang sabi Liza. “Hindi tao ang boss natin!demonyo 'yon na naka-Christian Dior." Dagdag pa ni Tessa na lalong ikinatawa nila. “Sabi ko sa'yo, hindi tao 'yon. Kapag ngumiti, may matatanggal. Kapag natahimik, mas delikado." Naghagikgikan ang tatlo na parang natutuwa pag usapan ang ugali ng demonyita nilang boss. Hanggang sa, unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ng isa. Nanlaki ang mga mata nito habang nakatingin sa likod ng dalawang kasama. "Ba-bakit Lyn...? para kang nakakita ng multo diyan?" sita ni Tessa Hindi na ito sumagot at parang shock ang mukha, dahilan upang mapalingon ang dalawa sa kung sino man ang tinitignan nito. Isang pares ng pulang stilettos ang unang bumu







