LOGIN"Next presenter."
Isang linya lang mula kay Jillian, pero parang may humigpit na lubid sa leeg ng lahat ng nasa boardroom. Tatlong oras na silang nakakulong sa loob. Tatlong department heads na ang lumabas na namumutla, may isa pang muntik nang maiyak sa harap ng projector. Lahat sila may dalang makakapal na report. Lahat sila, nabutasan. Lima na lang ang natira, nakapila ang mga folder sa gilid, pero walang gustong mauna. Tumayo ang Operations Head, hawak niya ang remote na parang baril na walang bala. "Ma'am, before I start, gusto ko lang i-clarify—" "If you're going to explain first, your report is already weak." Napalunok siya. Sinubukan pang ngumiti para gumaan ang hangin. Walang sumalo sa ngiti niya. "Our overall performance for this quarter showed—" "Page nine." Napakunot ang noo ng Operations Head. Nagmadaling binuklat ang sariling report. "Ma'am?" "Third paragraph. Second sentence. Read your own mistake." Binasa niya nang pabulong, pagkatapos ay napatingala. "You wrote twelve percent efficiency improvement." Pinagkrus ni Jillian ang mga braso. "Pero sa appendix mo, nine lang. Yung tatlong percent, saan galing? Donation ba yun galing sa kabilang department?" May ilang napayuko sa mesa. Yung Finance Director, biglang naging interesado sa ballpen niya. "Ah, Ma'am, nagkamali lang po sa encoding—" "Encoding." Ulit ni Jillian, mas mabagal, mas matalim. "Eighty-four million pesos ang nakataya sa report mo. Tapos encoding lang ang dahilan mo?" Hindi na nakasagot ang lalaki. Nakatayo lang, hawak pa rin ang remote. "Ulitin mo. Ayusin mo, ibalik mo bukas nang walang butas. Kapag may nakita pa akong isang maling numero, isasama ko ang pangalan mo sa termination list." "Yes, Ma'am. Aayusin ko po." Umupo siya na parang nabunutan ng tinik, pero naiwan pa rin ang sugat. Isa-isang sumalang ang apat pa. Walang natanggal, pero mas malala. Lahat sila pinauwi na buhay, pero alam ng lahat sa room na iyon — hindi sila makakatulog buong gabi kakaisip kung anong mali ang hindi pa nakikita ni Jillian. Paglabas ng huling presenter, saka lang bumuntong-hininga si April na kanina pa nakatayo sa gilid ng p***o, yakap ang tablet. "Ma'am." "What?" "Representatives from Lim Holdings are here, Ma'am. Nasa reception na." Hindi man lang inangat ni Jillian ang tingin sa laptop. "Five minutes late." "Na-traffic daw po from Makati, Ma'am, humihingi ng pasensya." "Traffic is their problem, not mine." Isinara ni Jillian ang laptop. "Let them wait another five minutes. Para matuto silang umalis nang mas maaga next time." Tumango si April. "Yes, Ma'am." Eksaktong limang minuto ang lumipas bago muling bumukas ang p***o. Pumasok si Erica Lim. Naka-white blazer, nude heels, buhok na nakatali nang maayos, maganda, sophisticated, matalino. Kasunod niya ang legal counsel, ang CFO, at dalawang senior executives na may dalang makapal na proposal na nakabalot sa leather folder. Amoy pa lang ng pabango niya, alam mong sanay siya sa boardroom ng mga bilyonaryo. "Good afternoon, Ms. Aragon." Nakangiti si Erica, inilahad ang kamay. "I'm Erica Lim, from Lim Holdings. Thank you for accommodating us." Tinitigan lang ni Jillian ang kamay na nakalahad. Hindi tinanggap, hindi rin tumayo. "Your fifteen minutes started five minutes ago. You have ten left." she said as a matter-of-factly. Natigilan ang ngiti ni Erica, pero mabilis niyang binawi. Marahan niyang ibinaba ang kamay at umupo nang diretso. "We understand. We'll be brief." Pinindot ng CFO niya ang remote. Sa malaking LED screen, lumabas ang logo ng dalawang kumpanya — Lim Holdings x Aragon Corporation: Strategic Growth Alliance. "If Aragon Corporation agrees to this strategic alliance," simula ni Erica, boses na sanay sa presentation sa ibang bansa, "we project a thirty percent market expansion within two years, with shared logistics and—" SLAP. Isang malakas na pagsara ng makapal na proposal ang pumutol sa sinasabi niya. Lahat napalingon kay Jillian. "Stop." she said boredly. Napatigil si Erica, hawak pa rin ang clicker. "I'm not yet finished, Ms. Aragon." she managed to hold her composure. "Exactly, and I don't intend to let you finish." sinalubong niya ang mga titig nito. Tumaas ang kilay ng legal counsel. "Ms. Aragon, with all due respect, we prepared a full feasibility study. At least let us—" "I don't review garbage twice." putol niya. Hindi tumaas ang boses ni Jillian, pero tumagos sa buong kwarto. Nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng dalawang panig. Yung mga board members ng Aragon na nasa gilid, nakayuko lang. Alam na nila kung saan papunta ito. Pinilit pa rin ni Erica na maging kalmado. Professional hanggang dulo. "May I know which part of our proposal concerns you? We are very open to revisions." Tumayo si Jillian, mabagal ang lakad papunta sa dulo ng mesa. Kinuha ang makapal na proposal na parang magaang magasin lang. "None." "Excuse me?" "None concerns me, because I stopped reading after page two." Napalunok ang legal counsel. "Ma'am, perhaps you'd like to review the financial projections on page forty? Our valuation is very—" "I said I stopped at page two. Do you have a hearing problem or do you have comprehension problem? Choose one." Hindi na nakasagot ang legal counsel. Napasandal na lang. Erica sighed in disbelief. Kita sa mukha niya na nasasaktan na ang pride, pero pinipilit pa ring itago. "I'd appreciate constructive feedback, Ms. Aragon. We flew in our team for this." "Constructive? You want constructive? Fine." Binuklat ni Jillian ang proposal nang padabog. "Wrong market timing." Flip ng pahina nang malakas. "Weak leverage." Isa pang flip. "Overpriced valuation." Flip ulit. "And unrealistic projections based on last year's inflated market price. Did you really think I wouldn't check your sources?" Pagkatapos, ibinagsak niya ang buong folder sa gitna ng mesa. Tumalbog ang ilang pahina, kumalat sa sahig. "Congratulations, Ms. Lim. Four major mistakes before page three. New record for Lim Holdings." Walang kumibo, kahit yung CFO ni Erica na kanina pa gustong magsalita, napahawak na lang sa upuan. Lumapit si Jillian, huminto sa harap ni Erica. Magkalapit na sila, halos magkapantay ang tangkad. "Did you really think I would agree to a partnership where your company gets seventy percent of the logistics advantage while we take all the risk? Did you think I'm that stupid?" "Of course not, Ms. Aragon. The percentage is negotiable—" "It's not negotiable. It's insulting." she said sarcastically. Nagsalubong ang kilay ni Erica. Ngayon lang siya sinagot nang ganito sa harap ng maraming tao. "Then why grant us this meeting in the first place?" di makapaniwalang tanong ni Erica. Ngumiti si Jillian, yung klase ng ngiti na ayaw makita ng kahit sinong empleyado ng Aragon. "To confirm my first impression." "Meaning?" tumaas na din ang kilay ni Ms. Lim. "I was right. I don't do business with people whose faces already look capable of betrayal." Natigilan si Erica, parang sinampal siya nang hindi ginagamitan ng kamay. "Ms. Aragon! That is unprofessional and personal!" singit ng legal counsel, medyo tumaas na ang boses. Hindi man lang lumingon si Jillian. Naglakad na papunta sa p***o. "Meeting over." "Ms. Aragon—" Bago tuluyang makalabas, huminto si Jillian. Isang kamay nasa p***o, pero hindi lumilingon. "Ms. Lim." Napatingala si Erica. "Next time, send someone worth listening to." Tuluyang bumagsak ang p***o, naiwan ang buong team ng Lim Holdings na nakatayo, tulala. Nagsimulang magligpit ang mga kasama ni Erica, pero mabagal ang kilos, parang nahihiya para sa boss nila. Yung CFO, marahang hinawakan ang braso ni Erica. "Erica, let's go. Wala na tayong makukuha dito." Hindi siya gumalaw, nakatingin pa rin sa proposal na nakakalat sa sahig, sa mga pahinang pinaghirapan nila ng halos isang buwan. Sa gitna ng katahimikang iyon, biglang tumunog ang cellphone niya. Sa screen, malalaking letra — DAD CALLING... Tinitigan niya muna ang screen. Pagkatapos ay tinitigan ang sariling repleksyon sa salamin ng conference room. Namumula ang mata, pero walang luhang papatak. Hindi dito at hindi ngayon. Dahan-dahan niyang sinagot ang tawag. Hindi pa man siya nakakabati, isang boses na malamig at pamilyar ang bumungad. "Did she reject it?" mas lamang ang statement kaysa tanong sa sinabi nito. Pumikit si Erica, isang salita lang ang lumabas sa bibig niya, halos pabulong. "Yes." Isang mahabang katahimikan sa kabilang linya. Pagkatapos, isang utos na walang emosyon. "Come home." Click. Nabitawan ni Erica ang cellphone sa ibabaw ng mesa. Marahang napakuyom ang kamao niya habang nakatingin pa rin sa pintong nilabasan ni Jillian. For the first time on her career na lagi siyang pinupuri ng lahat, natikman niya kung paanong durugin nang harapan."Three months."Nakaupo si Jillian sa likod ng bulletproof SUV. Nakatingin sa labas ng bintana habang papalayo ang skyline ng Quezon City. Hindi lumilingon kay Winston na nakaupo sa passenger seat sa harap. Hawak niya ang strap ng bag nang mahigpit."Three months. Hindi isang araw na higit. Pagkatapos noon, babalik ako sa kumpanya. Walang engagement. Walang kasal. At hindi mo na ulit babanggitin ang pangalan ng anak ng kaibigan mo kahit kanino."Sumagot si Winston nang hindi lumilingon, kalmado ang boses."Deal."Nakahinga nang bahagya si Jillian. Akala niya tapos na ang pag-uusap."May kondisyon din ako." Dagdag ni Winston.Napapikit si Jillian at napairap."Of course. Ano na naman?""Kapag nasa Valdemor Estate ka, hindi ikaw ang masusunod."Ngumiti si Jillian, yung ngiting gamit niya kapag may kausap na board member na sinusubukan siyang utakan."Dad, do you even know who you're talking to?"Tiningnan siya ni Winston sa rearview mirror, diretso ang mata."Exactly. Kaya kita ipinapad
"I'm not going to Zambales."Iyon agad ang bungad ni Jillian pagkababa niya sa grand staircase ng Aragon Mansion. Naka-blazer na siya, hawak ang bag, diretso ang lakad papuntang dining room. Si Winston nakaupo sa dulo ng mesa, nagkakape, binubuklat ang newspaper. Hindi nag-angat ng tingin. Parang inaasahan na niya ang linyang iyon.Nagsalita siya nang hindi tumitingin sa anak."Good morning to you too."Hindi umupo si Jillian. Huminto sa harap ng mesa."Kung tungkol na naman doon sa anak ng kaibigan mo, we're done talking Dad."Tinupi ni Winston ang newspaper at inilapag sa mesa."No.""Then what?" "Today... we're not talking about marriage.""Good.""We're talking about survival."Bahagyang ngumiti si Jillian, pero hindi dahil natuwa."You're overreacting."Hindi agad nagsalita si Winston. Diretso lang siyang tumingin sa anak, yung tingin na hindi na chairman, kundi ama na pagod na."Am I?"Hindi na sumagot si Jillian. Kinuha ang susi ng sasakyan sa mesa at lumabas.Sa labas ng Ara
"Do you know what's the biggest weakness of every successful CEO?" Katatapos lang ng nangyari sa parking basement kagabi. Alas-sais pa lang ng umaga pero gising na si Winston sa dining room ng Aragon Mansion. Nakaayos ang barong na pang-bahay, hawak ang business journal, nagkakape. Halata sa mata na hindi siya nakatulog nang maayos. Kakapasok lang ni Jillian galing sa taas. Naka-black blazer na, naka-ponytail, hawak ang laptop bag. Hindi umupo. Hindi bumati. Dumaan lang sa gilid ng dining table na parang walang tao. "I'm talking to you, Jillian." Huminto siya sa gitna ng hakbang. Hindi lumingon. "I have a board meeting in forty minutes, Dad." Tinupi ni Winston ang diyaryo at inilapag sa mesa nang maayos. "Answer my question first." Lumingon si Jillian, bahagyang nakataas ang kilay. "Go ahead." "What's the biggest weakness of every successful CEO?" Hindi man lang siya nag-isip. "Emotions." Napailing si Winston, bahagyang ngumiti pero hindi dahil natuwa. "Wrong Jillian. It
"Ms. Aragon, you're trending."Pagpasok pa lang ni April sa opisina, hawak na agad ang tablet na parang hawak ang isang bomba.Hindi man lang nag-angat ng tingin si Jillian. Tuloy-tuloy lang ang pag-scroll sa tatlong monitor sa harap niya."People with money usually do." matabang niyang sagot.Bahagyang ngumiti si April pero agad ding nawala nang makita ang seryosong mukha ng boss."Business News Network picked up yesterday's meeting, Ma'am." Inilapag niya ang tablet sa mesa ni Jillian. "Nasa headline na."Sa screen, malalaking letra : ARAGON CORPORATION REJECTS MULTI-BILLION PARTNERSHIP. CEO JILLIAN ARAGON WALKS OUT ON LIM HOLDINGS.May isa pang article sa ilalim : THE HEIRESS WHO SAYS NO TO EVERYONE."Views?" Tanong ni Jillian, walang pagbabago sa boses."Forty thousand shares in one hour. Comments are... mixed."Binasa ni Jillian ang headline nang isang beses lang, pagkatapos ay itinulak pabalik ang tablet kay April."Good, free publicity. We didn't even pay for it.""Ma'am, some i
"Next presenter."Isang linya lang mula kay Jillian, pero parang may humigpit na lubid sa leeg ng lahat ng nasa boardroom.Tatlong oras na silang nakakulong sa loob. Tatlong department heads na ang lumabas na namumutla, may isa pang muntik nang maiyak sa harap ng projector. Lahat sila may dalang makakapal na report. Lahat sila, nabutasan.Lima na lang ang natira, nakapila ang mga folder sa gilid, pero walang gustong mauna.Tumayo ang Operations Head, hawak niya ang remote na parang baril na walang bala."Ma'am, before I start, gusto ko lang i-clarify—""If you're going to explain first, your report is already weak."Napalunok siya. Sinubukan pang ngumiti para gumaan ang hangin. Walang sumalo sa ngiti niya."Our overall performance for this quarter showed—""Page nine."Napakunot ang noo ng Operations Head. Nagmadaling binuklat ang sariling report."Ma'am?""Third paragraph. Second sentence. Read your own mistake."Binasa niya nang pabulong, pagkatapos ay napatingala."You wrote twelve
"Kung may award para sa pinakamalditang CEO sa Pilipinas, lifetime achievement award na agad kay Miss Aragon." wika ni Tessa empleyado ng Aragon Corporation. "Shhh! Baka marinig ka!" Saway ni Lyn. Kasalukuyan silang nasa pantry area at katatapos maglunch. "Ano'ng marinig? Hindi naman bumababa dito yun." Natatawang sabi Liza. “Hindi tao ang boss natin!demonyo 'yon na naka-Christian Dior." Dagdag pa ni Tessa na lalong ikinatawa nila. “Sabi ko sa'yo, hindi tao 'yon. Kapag ngumiti, may matatanggal. Kapag natahimik, mas delikado." Naghagikgikan ang tatlo na parang natutuwa pag usapan ang ugali ng demonyita nilang boss. Hanggang sa, unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ng isa. Nanlaki ang mga mata nito habang nakatingin sa likod ng dalawang kasama. "Ba-bakit Lyn...? para kang nakakita ng multo diyan?" sita ni Tessa Hindi na ito sumagot at parang shock ang mukha, dahilan upang mapalingon ang dalawa sa kung sino man ang tinitignan nito. Isang pares ng pulang stilettos ang unang bumu







